Dear Diary,
Kalimutan muna natin 'yang issue ko kay Liam, nasi-stress ako e. Basta kalahi talaga ni Evan, nakaka-stress!
Balik muna tayo sa major mission ko, ang "Oplan Tuloy Kasal".
So eto nga, sa susunod na araw na ang out-of-town namin. Friday afternoon aalis tapos Sunday night babalik. Parang weekend vacation lang. And take note: kaming dalawa lang.
Ito na ang chance ko para mapalapit ulit kay Evan. Para magbago ang isip niya tungkol sa kasal. Kung kailangan ko siyang agawin kay Charlotte gagawin ko. Ako naman ang original, option lang siya. Ako ang fiancee, girlfriend lang siya. Ako ang future, siya.. present siya na future past.
I'm gonna win this game, baby.
And yes, this is just a game. Trabaho lang, walang personalan. No hard feelings kasi wala namang feelings na involved.
Future Mrs. La Torre,
Demi ❤