Page 42

2 1 0
                                    

Dear Diary,

Nakabalik kami ng Manila na walang naging improvement sa plano ko. Asar kasi 'tong Charlotte na 'to, sumunod-sunod pa. Malapit na 'yun e. Ramdam ko na doon sa swimming pool na may something na. Parang na-attract siya bigla sakin. Feeling ko nga magki-kiss kami nun kung di lang sumingit sa eksena ang bruhilda. Panira talaga ng moment.

Pero don't get me wrong ah. Hindi ako naiinis dahil sa hindi natuloy 'yong kiss. Naiinis ako dahil nasira ang plano ko! Asar!

Wala na ba talaga akong charm pagdating kay Evan? Kahit konting attraction, wala? Kahit libog, wala talaga?

Tsk. I think I need to change plans. Kung hindi ko kayang paamuin si Evan, si Charlotte ang gagamitin ko. Kung hindi kayang iwan ni Evan ang jowa niya, relasyon na lang nila ang mang-iiwan sa kanila. Kailangan ko lang mag-isip ng paraan para masira silang dalawa.

Desperada na kung desperada pero wala na akong oras. Sa susunod na buwan na ang engagement party namin ni Evan. Sigurado akong may nakahanda siyang plano para doon. At kailangan kong alamin 'yon.

Desperate but still pretty,
Demi ❤

Diary ni Demi (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon