Page 52

1 1 0
                                    

Dear Diary,

Muntik ko nang makalimutan 'yung plano kong buwagin ang CharVan loveteam! Kung hindi pa sinabi ni Ivanna na may kilala siyang pwedeng magpanggap na third party, hindi ko pa maaalala.

Masyado kasi akong naging busy—sa mga bestfriends ko! Palagi kasi kaming nagba-bonding lately. Naaalala ko tuloy bigla noong high school, halos hindi kami mapaghiwalay na lima. Stressful kasi talaga ang college. Nakakawala ng oras sa friends!

Pero hindi na ngayon. Hindi na kami mawawalan ng oras sa isa't isa. Babawi kami. Peksman. Cross our hearts. Hope Charlotte dies. Charot.

Happy kiddo,
Demi ❤

P.S. Did I just say 'kiddo'? Ugh. Nahahawa na yata ako kay Reese.

P.P.S. I'm not a kiddo. I'm a gorgeous lady.

Diary ni Demi (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon