Naalimpungatan ako noong makarinig ako ng ingay sa labas ng bahay. Pupungas pungas akong bumangon at napatingin sa relong nakapatong sa bed side table.
8:30 am.
Maaga pa. Sa mga ganitong pagkakataon kasi na day off ko sa shop Which is pagmamay ari ko naman ay alas diyes na ako nagigising pero panira yung ingay sa labas."Ano bang nangyayari diyan sa labas?" Usyoso ko. At pumunta sa bintana at binuksan iyon at dumungaw. Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Mukhang may lilipat na diyan sa katabing bahay.
Hay mabuti naman at ng magkaroon din ng kapit bahay. Sana mabait yung lilipat.O kung hindi naman sana machong lalaki nalang. Yung single at gwapo para magkalovelife na ako.
Napailing ako sa kalandian ng utak ko.
Naagaw ng atensyon ko ang kotseng kadarating palang ito siguro ang may ari ng bahay.Pero napasimangot ako ng ang bumaba doon ay may katandaan ng mag asawa. Nadisappoint ng kaunti pero okay lang atleast may kapit bahay na.
Ohhlala. Napangiti ako noong makitang may bumaba pa doon isang lalaki. Likod lang niya ang nakikita ko. Hindi man gaya ng tipo kong katawan ng lalaki ay pwede nadin. Medyo na disappointed
Hindi siya macho. Yung katawan na masasabi mong pwede na. Ganyan ang katawan niya. Pero mas bet ko sana if yung lalaking may malalaking muscles. Parang ang sarap kasi nilang yakapin yun bang lahat ng mahahawakan mo matigas. At saka malakas silang tignan yun bang kayang kaya ka nilang buhatin ganun.
Pero napasimangot ako noong humarap iyon. Napabuntong hininga.
"Sayang naman hindi ko siya type kahit gwapo siya." May panghihinayang na bulong ko. Pero napakurap ako noong mapansin kung saan nakatingin ang lalaki. Nakatingin siya sa akin?
Sa akin?
Medyo malayo man pero ramdam ko padin ang titig niya. Kahit na ba sabihin na nating chinito yung lalaki pero ramdam ko parin ang titig niya. Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya at napasunod ako kung saan dumako ang mata niya noong lumipat iyon ng tingin.
"Shit!" Mura ko noong bumaba ang tingin ko. Nakanighties lang pala ako na manipis wala pa akong bra kung makadungaw ako dito parang balot na balot ako. Mabilis ko ding natignan ang lalaki at nakita ko pa ang pagngisi nito kaya mabilis kong naisara ang kurtina.
"Ang tanga mo talaga Yulla." Pagalit na saway ko sa sarili ko. Great just great kalilipat lang ng bagong kapit bahay niya pero napahiya na agad siya. Napasimangot ako doon.
Inayos ko nalang ang sarili ko nagpalit ng maluwang na shirt at short short, at bumaba para mag agahan na. Para malinisan ko na din itong bahay ko.Mag isa lang ako dito, isang taon na din nung maisipan kong bumukod na. Maging independent tutal nakapag patayo na din naman ako ng sarili kong pagkakakitaan sakto na para mabuhay ko ang sarili ko.
Yun ang O'nielle Sweets na isang Coffee shop. Maliit lang ito katamtaman lang ang lawak, pero malaki laki nadin ang kita lalo pa't maganda ang location nito. Malapit kasi sa isang paaralan kaya almost students ang costumer.Hindi ako pumasok ngayon, every sunday kasi ang inilaan kong day off para sa sarili ko tutal weekend naman kaya konti lang ang costumer sa mga araw na ganito.
Pagkatapos kong mag agahan ay sinimulan ko na ang paglilinis. Inalis ko ang mga kurtina, may plano kasi akong palitan iyon. Matapos kong mapalitan ang mga iyon ay pumunta na ako sa laundry area para labhan ang mga damit ko pati nadin ang inalis kong kurtina. Focus na focus ako sa pagbabanlaw noong makarinig ako ng doorbell. Walang gate ang bahay ko, pero sure naman ako sa seguridad sa lugar na ito dahil hindi ka naman makakapasok sa subdibisyon na ito kung hindi ka nakakadaan sa mga guwardiya.
BINABASA MO ANG
Behind His Cuteness (On Hold)
RomanceR18|| MATURED CONTENT He's cute yet he has secrets. Those secrets were hide by his cuteness.