Chapter 2

3.8K 70 2
                                    

Tinanghali ako ng pasok sa shop dahil tinanghali ako ng gising. Maayos naman ang lahat. At saka kung sa bagong kapit bahay ko naman na cute na chinito, si Elthon. Aba pakealam ko ba dun. Laking pasalamat ko nga at hindi na yun nangungulit. Akala ko pa naman siya yung tipo ng kapitbahay na nangungulit talaga.

Oh bakit parang disappointed ka na hindi na nangulit.

Putek na utak. Hindi naman ako disappointed ang sa akin lang gusto ko lang makipagclose ganun.

Eh akala ko ba dimo type yung mga kagaya niya.

Duhh! Sabi ko makipagclose hindi makipaglandian. At saka hindi nga siya ang tipo ko.

Napatingin ako sa bagong dating lang. Kaya napangiti ako. Yan yan ang mga tipo ko.

"Hi Marcus" nakangiting bati ko dito.

"Hi babe!" Ngiting bati din nito. Hindi ko naman maiwasang kiligin. Tinawag niya akong babe pero oo nga pala nakalimutan mo endearment lang sa akin ng walanghiyang ito iyon. Babaero nga naman pero kahit na type ko parin siya.

"Yan ka na naman sa pababe babe mo eh maya niyan pagkamalan nilang girlfriend mo ako." Sabi ko sabay hampas sa braso niya. Ang tigas ang yummy niya mga beh. Kumekerengkeng na naman ako.

"Edi maganda, bakit ayaw mo ba nun?" Tanong niya sabay kindat. Enebe weg keng genyen. Marupok ako.

Pero napatingin ako sa isang table kung saan naghagikgikan ang mga nakaokupang estudyanteng mga babae dun. Parang kinikilig na ewan.
At napatingin ako sa tinitignan nila na inaasikaso ng isa sa mga waiter ko dito. Muntik na akong masamid noong masalubong ko ang masasamang titig niya. Lalong lalo na para sa kasama ko which is si Marcus.

'Bakit napunta yan dito? At saka bakit ang sama makatingin ng isang yan.'

"Do you know him?" Napalingon ako kay Marcus na nakatingin na din pala  dun sa tinitignan ko na siyang dahilan kaya parang hindi mapaanak na pusa ang hagikgikan ng mga estudyanteng mga iyon.

"Ah oo si Elthon, bagong kapit bahay ko." Sagot ko kay Marcus. No wonder naghahagikgikan ang mga estudyanteng yun, oo na sa panahon ngayon ang mga tipo ni Elthon ang siyang mabili sa mga paningin ng mga teenager. Handsome cutie with a baby face lalo pa't may dugong koreano ito. Pero ibahin niyo ako iba ang tipo ko. Ito nga yung nasa harapan ko.

Naghalumbaba ako sa estante at nagpacute kay Marcus.

"So anong order mo ngayon ako ba?" Malanding tanong ko dito na siyang ikinatawa niya.

"You're really funny Yulla." Natatawang sabi nito. "I wanted to order you out pero for now ito muna and hot choco." Sabi nito sabay kindat. Kaya napasimangot ako.

"Ano ba iyan kailan mo ba ako itetake out?" Nakasimangot na sabi ko dito. Masanay na kayo sa akin. Talagang prangka akong tao kaya nga hayagan din ako sa isang ito na iparamdam na may gusto ako sa kanya pero yung gago ayaw akong patulan sa ganda ko ba namang ito.

"Pag iisipan ko muna" ngiting sabi niya at kinindatan pa ako. Natawa nalang ako. Hanggang ganito lang kami landian lang. Pero kahit na ganun mabait yang si Marcus yun nga lang hanggang friend lang ata ang tingin niya sa akin. How sad.
Nakangiti parin ako habang sinusundan siya ng tingin noong papunta na ito sa table kung saan lagi niyang inookupa.
Ang gwapo gwapo niya talaga. Marcus Peterson, half german kaya nga type na type ko siya eh bukod na sa western handsomeness niya yummy din yung katawan niya mga day.

"Eh ako pwede ba kitang itake out?" Napasimangot ako sa nagtanong niyan bukod pa sa hinarangan niya ang Papa Marcus ko, ang lakas pa ng loob niyang itanong iyan sa akin.
Pagtingin ko dito tinaasan ko siya ng kilay.

Behind His Cuteness (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon