"Yulla papasukin mo na kasi ako!" Napatingin ako labas ng shop ko. Pero napaismid lang ako. Nakasara ang pinto ngayon ng shop na dati rati naman ay nakabukas.
Manigas ka diyang singkit ka. Matapos ng ginawa mo sakin nunka na papapasukin kita dito sa shop ko.
May nakabantay dun kaya hindi siya makapasok.
Pinagtitinginan na siya ng ibang costumer pero wala akong pakealam."Ma'am kawawa naman po si Sir Elthon papasukin niyo na po. Ilang araw ng ganyan yan." Sabi ni Panyang.
Pero sinamaan ko lang ng tingin.
"Naawa ka diyan? Kung alam mo lang ginawa niyan!" Nangigigil na sabi ko dito. "At saka kinakampihan mo ba siya?" Taas kilay kong tanong.
"Ay hindi po ma'am." Panay iling na sabi nito. Napatingin ulit ako sa harap ng shop. Andun parin siya. Ilang araw na nga ba? Tatlo. Oo tatlong araw ko ng hindi pinapapasok si Elthon dito sa shop ko. May ibang coffee shop naman jan na malapit edi dun siya tumambay. Wag lang dito dahil kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Pero napangiti ako noong makita kung sino ang pumasok.
"Marcus I miss you!" Bati ko dito. Ngayon lang na naman kasi nagpakita yan sakin eh. Pero tinawanan lang niya ako.
Kaya napasimangot ako. Kita niyo yan sinabihan kong namiss ko siya pero tatawanan ko."Anong nangyayari sa inyong dalawa?" Tanong niya sakin sabay inom sa inorder niya. Napasimangot ako. Ayokong alalahanin.
"Wala." Sagot ko.
"Maniwala sayo." Natatawang sabi nito. Nilapitan niya ako at saka binulungan.
"Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako patay." Bulong nito at tumawa. Nangunot naman ang noo ko doon pero inginuso niya si Elthon. Yung singkit niyang mata nakakatakot talaga kapag ganun yung tingin niya. Napalunok ako noong binalingan niya ako ng tingin.
"Ewan ko diyan." Sabi ko at umiwas ng tingin kay Elthon. Siya ang may kasalanan sa akin kaya dapat ako ang galit sa kanya.
"Oh right!" Napatingin ako kay Marcus dahil doon. Mukhang may naisip ito. Nakangisi kasi eh.
"Pinaplano mo?" Takang tanong ko dito.
"I am going to do something na pwedeng ikamatay ko o ikasira ng mukha ko." Sabi niya na parang nasisiraan na. Nakatingin lang ako sa kanya noong tumawa siya na parang ang saya saya niya.
Napasabay ako pero yung tawa na nawiwirdohan sa kanya.
Diko alam kung paano naging guro ito may pagkabaliw eh."Alis na ako. Bye." Sabi niya at nanlaki ang mata ko noong hinalikan niya ang pisngi ko. Pero pagkaraan ng ilang sandali ay uminit ang mukha ko gosh nagblush ata ako.
Pero napakurap kurap ako noong biglang nakita kong may sumuntok na kay Marcus!
"Don't kiss my girl ever again damn it!" Sigaw ng sumuntok kay Marcus at bigla nalang may nanghigit ng kamay ko at hinila ako palabas ng coffee shop. Ni hindi nga nagsink in sa utak ko kung ano ba ang nangyayari.
Pero nanlaki ang mata ko noong makitang hawak hawak na ni Elthon ang kamay ko at hila hila niya ako. Galit na galit ang mukha niya, nawala na ang pagkacute nito.
"E-elthon ano ba saan mo ba ako dadalhin?" Sigaw na tanong ko. Pumalag ako pero napatili nalang ako noong bigla niya akong binuhat na parang sako, na parang ang gaan ko lang.
"Ano ba Elthon ibaba mo ako!" Tili ko habang pinagpapalo ang likod niya. But he spank my buttocks. Nanlaki ag mata ko did he just spank my butt?
"Putang ina Elthon mapapatay na talaga kita kapag hindi mo ako ibinaba!" Tili ko sakto naman na pabalya niya akong ibinaba sa passengers seat. Tatakas na sana ako pero mabilis siyang nakapasok at inilock ang pinto.
BINABASA MO ANG
Behind His Cuteness (On Hold)
RomanceR18|| MATURED CONTENT He's cute yet he has secrets. Those secrets were hide by his cuteness.