Chapter 6

2.3K 41 5
                                    

One night I was busy on some documents about the sales progress of my shop.
Noong marinig ko na naman ang pagtunog ng messenger. Napasimangot ako. Kilala ko na kung sino to.
I grab my phone and check it at tama nga ako.

Ilang araw na ba niya akong pinapadalhan ng mga cute picture niya. Iba't iba. Anong trip niya diba?

Elthon: Still awake?

Hindi ko na pinagkaabalahang sagutin pa. Nasilip niya siguro na may ilaw pa ang kwarto ko.

Abala ako sa pag aral sa mga dokumento noong magulat ako ng sobra dahil may kumatok sa glass door papunta sa balcony ko.

Dahil sa takot na baka akyat bahay iyon ay kinuha ko ang baseball bat sa tabi ng mesa ko. Isa akong softball player noon kaya may ganito ako. Dahan dahan akong lumapit doon at kahit nanginginig ay buong tapang na binuksan iyon. Napalunok ako ng solid dahil sa kaba.

"Sinong nandiyan?" Tanong ko at tuluyan ng binuksan ang pinto. Napatili ako noong may makitang bulto ng tao kaya mabilis kong inihampas ang baseball bat nang nakapikit.

"Aray! Yulla ako to si Elthon!" Sabi niya at sinangga niya ang baseball bat. Dahil doon ay napamulat ako ng mata at natignan siya. Si Elthon nga pero medyo paos ang boses.

"Walanghiya ka paano ka nakaakyat?!" Galit na tanong ko at hahampasin na naman sana siya pero inagaw na niya yung baseball bat at inilayo sa akin.

"Woah. Easy lang baka mapatay mo ang future husband mong cute." Sabi niya. Kaya mas lalo akong nainis dahil doon. Diba sarap niyang itulak para mahulog na siya dito.
Himinga ako ng malalim.

"Okay pero paano ka nakaakyat dito. Hindi mo naman ako ininform na akyat bahay ka pala." Nakahalukipkip na na sabi ko.

"Sa puno." Sagot niya at itinuro ang punong mangga na nasa harapan ng bahay ko. Ipapaputol ko na talaga yang punong yan. Pero on a second thought sayang naman.

"Wag mo akong guluhin ngayong gabi Elthon pinagtitiisan ko na yung pagsend mo sa akin ng mga nakakadiri mong picture kaya utang na loob." Sabi ko sa kanya.

"Ouch!" Arte niya at hinawakan pa ang tapat ng puso niya. "Nakakadiri ba yun? Ang cute cute ko kaya dun." Sabi niya at ngumuso pa at saka nag V sign. Saka ngumiti ng todo.
Pero yung mata niya parang iba. Parang matamlay na ewan.

Napatulala tuloy ako. Oo na cute na siya. Pero napailing iling ako. At inirapan lang siya.

"Bumalik kana sa bahay mo. Gabi na." Sabi ko. Pero sinimangutan lang niya ako at laglag balikat na tinalikuran niya ako. Napahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na masyadong nangulit.

"Pwede bang makisleep over dito?" Biglang harap niya sa akin na todo pa ang ngiti kaya napatampal ako ng noo. Elthon will always be Elthon. Sa dalawang buwan niyang pamamalagi sa subdibisyon na ito. Napatunayan ko na kung gaano nga siya kakulit.

Napamura nalang ako sa isip ko.

"Alis na sa bahay ko bago pa ako magreklamo sa homeowners association na ang kapitbahay ko ay napakalaking istorbo sa buhay ko." Nagtitimping sabi ko sa kanya. Kita ko kung paano lumungkot ang mukha niya. Napabuntong hininga din siya.

"Sige aalis na ako." Laglag balikat na sabi niya. "Pero pwedeng payakap?" Parang batang request niya. Napakurap kurap ako. Totoo ba ng narinig ko nagrerequest siya ng yakap. "Ah kuan. Saglit lang namimiss na kasi kita eh." Ungot niya at hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Paos ang boses niya mukhang uubuhin pa ang isang to.

Para hindi na mangulit ay tumango nalang ako. Ngumiti naman siya. Para talaga siyang bata eh. Yung alam kong 22 na siya pero kung umasta parang teen ager na 15 years old.

Behind His Cuteness (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon