Chapter 3

2.9K 64 3
                                    

Mga alas nuebe na noong nakauwi ako. Pagod na pagod ako. Nagbake pa kasi ako ng cake na siyang especialty ko dahil ako lang naman ang gumawa ng recipe nun. Naubos na kasi ang binake ko nung isang araw.

Iniikot ikot ko pa ang balikat ko habang nakapikit habang papunta sa pintuan ko.

"So f*cking tired..." Bulong ko habang binubuksan ang pinto ko.

"YULLA!"

Napatili ako noong may nanggulat sa akin. Napatingin ako doon.
At tumatawang Elthon ang nabungaran ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero kalaunay napabuntong hininga narin ako. I am so tired para patulan pa ang kakulitan ng isang ito.

Tama nga ang mama niya makulit ito.
Koreanong may sayad!

"Wag ngayon Elthon. Pagod ako." Sabi ko sa kanya at tinalikuran siya. Nung mabuksan ko ang pintuan ko papasok na sana ako pero napatili ako noong bigla akong umangat and  namalayan ko nalang buhat buhat na ako ng singkit na lalaking ito.

"Elthon ano ba! Ibaba mo  nga ako!" Inis na sabi ko at nagwiggle wiggle para mabitawan niya ako pero hinigpitan lang niya ang pagkakahawak sa akin.

"Kikidnapin muna kita ngayong gabi." Sabi niya ng seryoso na siyang ikinalaki ng mata ko. Seryoso siya?

"Goodness Elthon Lee! Pakawalan mo ako!" Sigaw ko dito at pinagpapalo ang dibdib niya.

Infairness kahit mukhang payatot ang isang ito matigas parin ang dibdib nito.

Ugh! What are you thinking Yulla. He's kidnapping you! You should be angry nakuha mo pa talagang i compliment ang katawan niya!

"Put me down you jerk!" Inis na sigaw ko sa kanya. Ipasok daw ba ako sa bahay niya.

"Will you just stay still?" Kunot na kunot ang noong sabi niya sakin kaya natigilan ako. But this is not right!

"No put me down!" Mariin na sabi ko sa kanya.

"There." Sabi niya at ibinaba niya ako sa may upuan.
"Gusto ko lang namang makasabay kang kumain!" Nakapout na sabi niya. Napatingin ako sa paligid ko. Im on his dining table. Napatingin ako sa dining table niya. At napalunok ako noong makitang madami siyang niluto.
Napatingin ulit ako sa kanya. Nakangiti na siya ngayon.

"So lets eat! Sabi kasi ni Panyang hind ka pa kumakain." Sabi niya at umupo na siya sa tabi ko. And sinandukan na niya ako ng kanin at ulam. I am just observing him at hindi ko maiwasang maamaze sa kanya.

What's with him?

Paano niya nakuha ang contact ni Panyang? Oh si Panyang nga pala ang umasikaso kanina sa kanya.

"Alam kong cute at gwapo ako pero
wag mo naman sobrahan ang pagtitig sa akin Yulla baka maubos ako." That snap me out. Nanlaki ang mata ko noong ang lapit lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Natitigan ko tuloy ng malapitan ang mata niya. Chocolate brown yan ang kulay ng mata niya. Naamoy ko ang mabangong hininga niya and I also smell his aftershave. Napapikit pikit ako. Napatingin pa ako sa labi niya.
Napalunok ako.

Snap it out Yulla!

Tapos biglang napalayo. Ang shit lang ng singkit na ito. Naramdaman kong uminit ang mukha ko dahil doon.

"A-alam mo ang kapal mo talaga." Sabi ko sa kanya. Shit bakit ka nautal Yulla. Bahala na. Hindi naman niya napansin eh.
I heard him smirk.

"Kumain na tayo. I know you're tired." Sabi niya and he started eating.
Nakatingin lang ako sa pagkain na nasa harapan ko.
Mukhang masarap pero kasi-

"Wala bang gayuma to?" I ask him. And with that he burst out laughing. May nakakatawa ba sa sinabi ko bwisit.
Cute siya pag tumatawa siya. Cute din siya kapag nakangiti lang. Nakakakita pa ba ito kapag tumatawa? Parang hindi na eh.

Behind His Cuteness (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon