Nakataas ang aking kilay habang nakatingin sa aking kapatid na nasa harapan ko ngayon ako muna ang tumao dito sa bagong branch dahil may ginagawa daw na importante si Panyang. Dalawang araw siyang mawawala. Kailangang matutukan itong bago dahil hindi pa stable dahil sa main branch kayang kaya na yun ni James.
Palinga linga siya na parang may hinahanap. Mas lalong nangunot ang aking noo. Anong ginagawa ng isang to dito?
"What are you doing here Yohann?" Takang tanong ko dito. Its not so him to be in here in my shop unless may ipapagawa ako sa kanya at bibigyan ko siya ng sweldo. Alam niyo na mukhang pera ang isang ito.
"Wala, bakit bawal bang pumunta dito?" Balik tanong niya. Mas lalo akong nagduda. This is not so him.
Sino bang hinahanap ng isang ito?"Eh ma'am lagi po dito si sir Yohann." Napakurap kurap ako sa sinabi ni Claire.
"Hmmm?" Nagsalubong na ang aking kilay at saka hinawakan ko ang aking baba. Bakit parang may naaamoy akong malansa galing sa kapatid ko.
Napangisi ako. Hula ko lang pero malay niyo tumama ako."Hinahanap mo si Panyang?" Ngising tanong ko dito.
Kita ko na natigilan siya pagkarinig sa pangalan ni Panyang.
"Claire!" Tawag ko sa empleyado ko. "Dito ka muna sa counter ha. Kakausapin ko lang itong kapatid ko." Sabi ko at mabilis kong hinawakan ang tenga niya at hinila papunta sa opisina nitong branch."Ahhh! Ate! Aww!" Reklamo niya. Hindi uubra ngayon ang pa cold effect niya sa mga tao. Pagkarating namin sa loob. Kinaltukan ko siya.
"Aray, problema mo ba ate?" Asar na tanong niya sa akin."Ikaw Yohann. Umayos ka wag si Panyang sinasabi ko na sayo." Banta ko sa kanya. Dahil doon ay sumeryoso ang mukha niya.
"Im not doing anything." Sagot niya. But I knew him better.
"Siguraduhin mo lang." Sabi ko sa kanya. Umupo siya sa mesa ko. At saka siya ngumisi.
"I just find her story a little bit interesting." Ngising sabi niya kaya nalapitan ko na naman siya at saka kinaltukan. Sumimangot siya ng dahil doon.
"Wag si Panyang Yohann." Seryosong sabi ko sa kanya. Im not joking now.
"Tsk! What's with the Panyang. Kabantot, why don't you call her on her real name? Stephanie or Steph sounds better." Nanlaki ang mata ko doon. Oh my gosh paano niya nalaman ang totoong pangalan ni Panyang? Sumeryoso na din ako.
"Im serious Yohann..." Sabi ko at saka napabuntong hininga.
"Oo na." Sabi niya.
"And by the way, sabi ni Elthon na bumalik na daw ang kuya niya. Should we file a restraining order. Lalo pa at sinugod at sinaktan niya si Elthon. He can also do that to you. That psychopath!" Galit na turan ni Yohann. Napabuntong hininga din ako. Kinakabahan din ako. Lalo pa't posibleng bumalik si Juno.Mula noong bumalik siya hindi na din ako mapakali. Kahit na ba alam kong nandiyan si Elthon para protektahan ako.
At saka hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang problema ng magkapatid.
"Hey" tawag pansin ko kay Yohann. "Uhm. Alam mo ba kung bakit hindi magkasundo sina Elthon at Juno?" Takang tanong ko. Barkada niya si Elthon diba, kaya siguro naman may alam siya.
Napabuntong hininga siya."Walang problema si Elthon kay Juno ate. Si Juno ang problema, that psychopath." Talagang galit na galit siya kay Juno. "Basta ang alam ko lang Juno is a psychopath." Sabi ni Yohann. Grabe naman yung psychopath na yan.
"Yung seryoso kasi Yohann." Sabi ko dito.
"Ate Im serious. Juno is so unreasonable. He's happy when Elthon is sufferring. He's sufferring if Ethon is happy. Edi may pagkapsychopath nga. Kasi isipin mo ate magkapatid sila pero ganun ang mindset niya." Sabi ni Yohann.
BINABASA MO ANG
Behind His Cuteness (On Hold)
RomanceR18|| MATURED CONTENT He's cute yet he has secrets. Those secrets were hide by his cuteness.