"So habang nagluluto ako usap lang kayo diyan. Catch time with each other." sabi ko sa kanilang dalawa. Tumango naman sila.
Nag alangan pa ako sa pag iwan sa kanila dahil pakiramdam ko may mali.Pero napailing nalang ako. Wala naman sigurong mali. Kaya nagluto nalang ako pero maya't maya ko silang tinitignan. Okay naman sila. Pero parang ang seryoso ng usapan nila. Kita ko ang masasamang titig na ibinibigay ni Yohann kay Elthon.
3rd POV
Habang nagluluto si Yulla ay nagkaroon ng time ang dalawang magkaibigan na mag usap. Na hanggang ngayon ay ramdam parin ang tensyon sa pagitan nila.
"So saan ka na ngayon nakatira?" Malamig na tanong ni Yohann sa kaibigan na dalawang taon na rin ata niyang hindi nakikita.
"Sa kabilang bahay lang." Sagot ni Etlhon. Hindi nakatakas sa kanya ang pag ngisi ng kaibigan. Sa katunayan sa pagkakataong ito ay kinakabahan siya. Lalo pa't ang kaharap niya ngayon ay ang kapatid ni Yulla.
"Did you plan all of this?" Kung kanina ay medyo tolerable pa ang masasamang tingin na ibinibigay sa kanya ni Yohann ngayon ay hindi na.
Hindi siya nakaimik. Mas lalo pang nalukot ang mukha ni Yohann. Did he plan all of this? Hindi niya masabing oo, pero hindi niya masabing hindi.
Pero ang sigurado lang niya ginagawa niya ito para kay Yulla at para na din sa kanya."Does she knew that you are-"
"No" agad sagot niya dito hindi paman natatapos ang tanong nito. Dahil alam na niya kung ano ang tinutukoy niya. At sana hindi pa malaman ni Yulla dahil hindi niya alam ang kung ano mang pwedeng mangyari pag nalaman na nga ni Yulla.
May posibilidad na layuan siya nito. Iisipin pa lang niya na ganun na nga ang mangyayari ay hindi na niya kaya.
"Kailan mo balak sabihin?" Patuyang sabi ni Yohann sa kanya. Napabuntong hininga siya at napayuko.
"Sasabihin ko din but not now. Maybe soon."
"Dapat lang Elthon. Alam mo sa sitwasyon ngayon dapat sana binubugbog na kita eh. But I am your friend. Despite what happened in the past pero pinapalampas ko lang." Medyo pigil nga nito ang inis. "At saka hindi naman ikaw ang may atraso sa kapatid ko kaya your safe."
"Thanks dude." Pasalamat niya dito.
"To early to say thank you dude. Alam kong mahal na mahal mo talaga ang ate ko. And I hope na hindi mo ginagawa ang lahat ng ito because of guilt." Napaisip siya.
"Of course not dude. I really love your sister."
"Tss. But once I saw her cry because of you humanap ka nalang ng pagtataguan mo. Electric chair ang abot mo sa akin.". Banta sa kanya nito. Napangiwi siya doon.
Electrical engineering nga pala ang kaibigan niya at hindi lingid sa kanya na posibleng may Electric chair nga ito.
"Dont worry dude. Makakaasa ka." Sabi nalang niya. Matagal siyang tinignan ng kaibigan na parang may iniisip ito.
"Pero paano pag nalaman ni ate?"
"Ang alin?"
Sabay silang napalingon doon.
"Kanina ka pa diyan?" Gulat na tanong ng dalawa dahil sa pagsulpot ni Yulla. Kumunot lang ang noo ni Yulla.
"Hindi kapupunta ko lang dito. Tapos na akong magluto. Aayahin ko na sana kayo para kumain." Sagot naman nito. Napahinga ng maluwang ang dalawa.
****
Napakunot ang noo ko dahil parang may itinatago ang dalawang ito sa akin. Kung kabahan naman wagas.
BINABASA MO ANG
Behind His Cuteness (On Hold)
RomanceR18|| MATURED CONTENT He's cute yet he has secrets. Those secrets were hide by his cuteness.