Chapter 16

1.3K 24 0
                                    

Walang nagsasalita sa amin. Heto kami magkaharap dahil ginagamot ko ang mga sugat niya.

At habang nakatitig sa mukha niya doon ko napansin ang pagkakahawig nila ni Juno.

Bakit ba hindi ko napansin iyon noong una palang?

"Aw!" Daing niya noong hindi ko napansin na medyo napadiin na ang pagdampi ko ng bulak sa sugat niya.

Hindi ko siya pinansin at  ipinagpatuloy ang ginagawa ko pero napatigil din ako noong hawakan niya ang kamay ko.
Napatitig ako sa kanya.

"Yulla, do you believe him?" Tanong niya bakas sa mukha niya ang kaba at pagkalungkot.

"Dapat ko ba siyang paniwalaan?" Balik  tanong ko sa kanya at nag iwas ng tingin.

"Yulla." Tawag niya ulit sa akin.

Napahinga ako ng malalim.

"Ano nga bang totoo Elthon? Dahil ngayon hindi ko na din alam kung ano nga ba ang paniniwalaan ko."

"I love you." Sabi niya. Pero imbes na kiligin doon ay nainis ako. At parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

"Alam mong hindi yan ang kailangan kong marinig sa ngayon Elthon." Malamig na sabi ko dito. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa akin para alisin pero mas hinigpitan niya ang kapit niya.

"I know. But I want to remind you that I love you. I really love you." Sabi niya at pilit na hinuhuli ang mga mata ko.

"Elthon." Banta ko dito.
Napahinga siya ng malalim.

"Mahal kita. Hindi totoo ang mga sinasabi ni Juno." Sabi niya, kita ko ang paglungkot ng mata niya.

"Plinano mo ba ang lahat mula sa simula?"  Tanong ko pero sunod sunod na pag iling ang ginawa niya.

"Plinano kong tumira dito kung saan malapit sayo."
Diko alam pero nag react agad ang puso ko. Parang nasaktan na ewan. If he plan to live here, then plinano niya ding paibigin ako.

"Plinano ko ding paibigin ka." Tuloy niya dahil doon ay napalayo ako sa kanya.

"Then he is right!" Napatawa ako ng mapakla. Tang ina masakit pala pag sa kanya mismo nanggaling.
Napaluha na din ako.

"No! Please let me finish explaining."

"Pero hindi lang para bumawi dahil sa ginawa ni Kuya. Isa lang yan sa mga rason. Isa sa mababaw na rason." Sabi niya.
Napatitig ako sa kanya.
"Basta mahal na mahal kita." Sabi niya.
"Tandaan mo yan."
Hinaplos niya ang pisngi ko.

And for some weird reason, kahit na nagdadoubt parin ako my heart decided to believe in him.

Ganun pala kapag mahal mo ang isang tao kahit na hindi na sigurado ang lahat wala kang pakialam. Maniniwala ka parin sa kanya. Dahil eventually when you love, you also need to trust.

And I trust and believe him kahit na hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.

Kaya tumango nalang ako. Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko at pagkatapos noon ay pinunasan niya ang luha ko.

***

"What?!"
Tumango nalang ako bilang pagkumpirma kay Panyang.

"Oh my gosh! So ibig sabihin kapatid ni Elthon yung lalaking muntik ng gumahasa sayo noon?" Gulat na tanong niya. Tumango na naman ako.

"Oh my gosh!" Napatakip sa bibig na sabi niya. Oo shock din siya. Nandito kami ngayon sa opisina ko. Dumalaw kasi siya dahil may kailangan siyang dalhin dito na mga papeles na hinihingi ko.

Behind His Cuteness (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon