At ayun nga napagpasyahan ko ng umuwi kinabukasan. Bago ako umalis ay pinayuhan pa ako ni mommy.
"Masaya ako at nagpapasok ka na ulit ng ibang lalaki sa buhay mo anak." Sabi ni mommy. "Kung may hindi man kayo pagkakaunawaan. Pag usapan niyo." Sabi niya. "Wag kang tumakbo kapag may hindi kayo pagkakaintindihan. Ang pagtakas ay hindi kailan man naging soulusyon." Napatango nalang ako.
Tinawagan ko si Panyang na palit na kami. Dahil ako lang naman ang mahihirapan kapag dito ako papasok.
Tinawagan ko na din si James na siya muna ang tatao sa counter baka malate akong pumasok.Dumiretso ako sa bahay. Wala yung kotse ni Elthon sa garahe niya. May pasok siguro. Napabuntong hininga nalang ako.
Agad kong ipinarada ang kotse ko at dali daling bumaba noong makita ko siya sa harap ng pinto ko.
"Elthon!" Gulat na tawag ko dito. Pero nakasandal lang siya doon at hindi man lang nagmulat ng mata. Agad agad ko siyang nilapitan dahil sa pag aalala.
Tinapik ko ang pisngi niya."Elthon." Tawag ko dito. Nanlambot ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Amoy alak siya. Nag inom ba siya? Pero bakit di siya umuwi sa bahay niya. Hinihintay ba ako nito kaya siya nandito sa harap ng pinto ng bahay ko.
Umungol siya na parang naistorbo ko ata ang pagtulog niya.
"Elthon." Tapik ko ulit sa pisngi niya."Yulla, wag mo akong ipagpapalit..." Sabi niya sa mahinang tinig mukhang tulog na tulog padin siya. Napangiti ako dahil doon.
"Psh. Takot ka palang maipagpalit pero kaya mong makipaglandian sa iba." Bulong ko dito.
"Hoy singkit gising na diyan!" Medyo malakas na sabi ko dito. At niyugyog ang balikat niya. Nagmulat naman siya ng mata at napatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yulla?" Hindi siguradong tanong niya.
"Alis diyan sa harap ng pintuan ko. Hindi ako makapasok." Pagsusungit ko dito. Natulala siya at napatitig sa akin parang processing palang ang utak niya sa nangyayari.
"Ano na? Hindi kaba tatayo diyan?" Pagtataray ko dito. Kaya ayun dali dali siyang tumayo at nagulat nalang ako noong bigla niya akong yakapin.
"God. Your really here." Sabi niya. Mahigpit ang yakap niya. Ni hindi na ako makahinga.
"Sorry na. Hindi naman ako nambababae eh. Si Arienne yun. Kaklase ko. Nagpapatulong lang." Explain niya. At Arienne pala ang pangalan ng hitad na yun.
Kumawala ako sa pagkakayakap niya at sinimangutan siya.
"Please naman Yulla maniwala ka naman sa akin." Sumamo niya. Pero mas lalo akong napasimngot."Tabi diyan. Papasok na ako." Sabi ko dito in a cold tone.
"Yulla." Pigil niya sa akin. "Please lets talk. Lets clear things." Sumamo niya.
Napabuntong hininga ako at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko."Unang una. Umuwi ka muna, maligo, ayusin ang sarili mo. You reek of alcohol? Magdamag ka bang nag inom?" Kunot na kunot ang noong sabi ko dito.
"I drink bacause of frustration." Paliwanag niya.
"At ikaw pa may ganang mafrustrate?" Taas kilay na sabi ko sa kanya.
"Yulla naman eh. Sinong hindi mafrufrustrate kung alam kong hindi ka umuwi tas may kasama ka pang ibang lalaki. At sinabi pa sa akin ng lalaking kasama mo na sa kanya kana!" Sabi niya. Medyo nagdilim din ang mukha niya. Muntik na akong mapatawa doon pero pinanatili kong mataray ang mukha ko.
Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang kapatid ko ang lalaking pinagseselosan niya.
"Umuwi ka muna Elthon. Tas bumalik ka mamaya, well talk." Sabi ko at tinalikuran na siya. Wala siyang magagawa.
BINABASA MO ANG
Behind His Cuteness (On Hold)
RomanceR18|| MATURED CONTENT He's cute yet he has secrets. Those secrets were hide by his cuteness.