Nakasimangot ako habang nakatingin sa papel na nasa harapan ko while Im on the counter.
Medyo bumaba kasi ang sales ngayong week."Hi." Napatingin ako dun at automatic na nakangiti. "Yun ngumiti kana." Ngiting ngiting sabi niya. Nakahalumbaba siya sa may estante habang nakatingin sa akin. He is really cute. And napakalovable niya.
Hay... Kailan ko kaya masasabi sa kanya na gusto ko din siya? Na mahal ko na din siya?
"Tapos na ang exam mo?" Tanong ko. Tumango siya, kaya napangiti ako. Maya maya niyan ay sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya. Kinunutan ko siya ng noo. He mouthed me na may sasabihin daw siya. Kaya lumapit ako sa kanya at yumuko. But I can't go near him kase yung estante.
I see him smirk, nanlaki nalang ang mata ko when he gave me a smack!
"Yah!" Saway ko sa kanya. Pero tumawa lang siya in a cute and sexy way. Inirapan ko nalang siya at napatingin ako sa palagid ko. Napalunok ako noong mapadako ang mata ko sa table nung mga estudyanteng nagkakagusto sa kanila.
"Hoy." Tawag pansin ko kay Elthon. Pero yung gago nakangiti parin. Kaya mas lalo akong napairap. At saka sinimangutan siya.
"Ku! Pag ako talaga sinugod ng mga fangirls mo malilintikan ka sa akin!" Gigil na sabi ko dito pero pabulong lang. Napatingin siya sa tinitignan ko which is yung mga estudyante nga na nagkakagusto sa kanya. Pero imbes na maging concern ang gago napahagalpak pa ito ng tawa. Hello?! Kung nakakamatay lang ang mga tingin gutay gutay na ako dito. Ang sasama kaya ng tingin nung mga estudyanteng iyon.Napatingin ako sa isang table kung saan may nagdabog. Pero imbes na matakot ay napangisi ako at tinaasan ang kilay ang babaeng yun. Remember the girl na kausap noon ni Elthon na kulang nalang magpakarga sa kanya? Is it Arielle, Arian oh its Arienne nga pala. Siya yun masama ang tingin sa akin. At what the heck! Napatingin ako sa sahig! Oh my gosh! My precious cup bakit nabasag na. Mas lalong nagngitngit ang inis ko. Shit! Talaga!
Ngayon alam mo na kung sino ang mas may karapatan kay Elthon.
Pero hindi siya nagpatinag tinaasan din niya ako ng kilay at taas noong lumapit sa kinaroroonan namin. Tinaasan ko din siya ng kilay."Hindi ko naman alam na malandi pala ang may ari ng shop na ito!" Puno ng sarkasmo at malakas na sabi niya. Tumingin siya sa akin pataas pababa. Yung mga ibang tao nagbubulungan na.
"Excuse me?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Ako malandi? As in AKO? Napakawalnghiya talaga ng babaeng ito.
Feeling niya siya ang original. Napatingin ako kay Elthon. At seryoso na din pala ang mukha nito.
"Mas matanda pero pumatol sa mas bata." Sabi pa nito. Aba't pigilan niyo ako mapapatay ko ang bruhang ito.
"Hoy!" Medyo lumakas na ang boses ko. Pero bago pa ako makapagsalita ng hindi makain ng aso ay iniwat na ako ni Elthon.
Hinawakan niya ang kamay ko. Kaya kunot noong napatingin ako sa kanya. Aangal ako kasi hindi naman pwedeng lalaitlaitin ako ng impaktang ito. At insultuhin sa harap ng madaming tao.Pero inilingan lang ako ni Elthon. Kaya napasimangot ako.
Pero napansin ko na nagpipigil.lang ng galit ang singkit na ito.Hinarap niya si Arienne. Lagot kang bata ka.
"Arienne." Tawag niya dito, pero napairap nalang ako noong makita kong lumiwanag ang mata ng babaeng impakta na yan at ngumiti ng pagkalandi landi.
"Yes babe." Sabi nito at nagpacute pa. Sarap talagang sakalin eh noh? Hindi niya pa pansin na nabibeastmode na ang nilalandi niya?
At yung gaga lumapit pa kay Elthon at kumapit sa braso nito. Mas lalo along napairap. Kinuyom ko ang kamay ko para pigilan ang inis na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Behind His Cuteness (On Hold)
RomanceR18|| MATURED CONTENT He's cute yet he has secrets. Those secrets were hide by his cuteness.