Chapter 10

1.9K 28 0
                                    

"Uy napadalaw na naman ang maganda kong kapatid." Ngising sabi ni Yohan. Napairap ako. Bakit ba kahit kapatid ko ito feeling ko isa ako sa mga binubully sa school na laging pineperahan kapag napapadalaw ako dito sa bahay namin. Kailangang may entrance sa kanya ganun.

"Magkano kailangan mo?" Walang ganang tanong ko. At mas lumapad ang ngisi niya.

"Two thousand pesos!" Sabi niya at inilahad pa ang palad niya. Humugot ako ng dalawang tag isang daan. At inilagay iyon doon.

"Ang kuripot mo talaga Ate!" Reklamo niya. Kaya pinamaywangan ko siya.

"Aba nagrereklamo ka pa. Yung iba ngang kaedaran mo may sarili ng bahay at may pinagkakakitaan na." Sermon ko dito. Gaya ni Elthon. Kailan ko lang nalaman na may kompanya pala sila.

May sarili din namang kompanya ang pamilya namin pero sa tingin ko wala ng magmamana. Pwedeng ako or si Yohan balang araw. Pero hindi naman ako interested doon. Lalong lalo naman si Yohan na puro wire at kung ano ano pa ang hawak hawak.

"Im still studying you know." Sabi niya. Napairap lang ako.

"At saka kailan lang noong kumuha ka ng limang libo sa wallet ko. Saan mo dinala yun?" Tanong ko. Gastador talaga itong isang ito.

"Alam mo ate may iniimbento kasi akong machine-" hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa loob ng bahay. Kabulastugan na naman kasi ang sasabihin ng isang yun. Kailan pa siya makakaimbento? Kapag nalagyan na niya lahat ng appliances namin ng sticker na may 'touched by Yohan' eh dalawang bagay lang naman ang pwedeng kahinatnan ng mga bagay na namarkahan na niya.

Ang masira o ang masira. Oo yan talaga. Magkapareho pero magkaiba ang dahilan kung bakit nasira.

Una nasira dahil pinakealaman nito, ibinalik sadating ayos pero hindi na gaya ng dati ang pagfunction.
Pangalawa, nasira dahil pinakelaman nito at kumuha ng parte doon at hinding hindi na kailanman maayos.

Napailing nalang ako.

"Yulla. O bakit hindi mo sinama ang nobyo mo?" Bungad sa akin ni Mommy. Nakipagbeso beso ako sa kanya.

"Busy po siya ma." Sagot ko nalang. Busy sa pag aaral niya at saka sa kompanya nila. Hindi nga natuloy yung parents niya na dumalaw dahil may inaasikaso daw sila.

"Bakit ka napadalaw?" Tanong niya. Napahinga ako ng malalim. Kasi kailangan ko ang kapatid ko. May problema kasi sa plano ng kuryente sa bagong branch. Palpak yung kinuha kong nag ayos.

"Hoy Yohan kung kailangan mo ng pera magbihis ka at kunin mo yung mga gamit mo." Sabi ko dito.

"Alright!" Sabi niya at mabilis na umakyat sa kwarto niya. At ayun nga dinala ko siya sa bagong branch.

At yung gago iba ang personality sa labas pamistery na pa cold. Kung alam lang nila kung gaano kabaliw ang isang ito. Napailing nalang ako dahil doon. Ni hindi man lang alam ngumiti sa ibang tao tsk.

"Psst! Boss ganyan ba talaga yang kapatid mo? Ni hindi alam ngumiti parang galit sa mundo?" Curious na tanong ni Panyang. Nagkibit balikat nalang ako.

Si Panyang kasi run away bride ayaw makasal sa matandang hapon na ipinipilit ng mga magulang niya kaya tumakas. Pumunta dito sa Pilipinas kahit alam niyang wala na siyang matatakbuhan na pamilya dito. Dahil ang pamilya niya ay sa Japan na nakatira. Nakilala ko siya noong mag apply siya sa bagong bukas kong shop. 3 years ago. Naging kaibigan at yun nga bestfriend hanggang ngayon. Pero hindi ko pa siya nadadala sa bahay. Alam na, naging independent na kasi ako mula noon.

"Kapatid mo ba talaga yan?" Tanong na naman niya. "Parang hindi eh. Ang layo layo ng ugali niya sayo." Sabi niya. Sus. Kung demonyo ako mas demonya yang isang yan Panyang sagot ng isipan ko.
At saka bakit ba tanong ng  tanong ang isang yan. Kaya tinignan ko siya at nginitian ng nakakaloko.

Behind His Cuteness (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon