SEULGI'S POV
Pagkatapos kong ihatid si Irene, dadaan pa sana ako ng convenience store para bumili ng ilang can ng beer dahil mukhang hindi ako makakatulog agad ngayon. Hindi na ako nakadaan dahil biglang tumawag si Suho, urgent daw so I decided na mamaya nalang ako bibili dahil may malapit naman na mabibilhan don.
While driving, bigla kong naalala yung sinabi ni Irene kanina.
I love your voice...
Tangina naman kase Seulgi! Bakit pa ba kase kumanta? Tanga tanga.
Isang tao lang ang kinakantahan ko noon, at yun na rin yung huling beses na kumanta ako para sa isang tao.
Krystal Jung...
She's the reason of my smiles and the cause of my sadness. She made me happy, yung tipong nakakalimutan ko yung mundo tuwing kasama ko siya. She became my strength nung panahong sinisimulan palang namin ni Suho ang Maximus. She became my world, pero parang gumuho ang mundo ko nung iwan niya ako. Akala ko okay na ang lahat, akala ko kami na ang para sa isa't isa. Akala ko lang pala. She made me realize na loving so much can hurt you, dahil walang permanente sa mundo, lahat iiwan ka.
After niyang umalis, nalaman nalang namin na fiancé na siya ni Jackson, one of the Allies ng mga Kims. Akala ko ako ang may mali, akala ko ako ang may kasalanan kung bakit niya tinapos ang lahat. Gusto lang pala niya ng bayag. Putangina.
Naging protective na sina BoA at Kangta pagdating sa mga taong dumarating sa buhay ko, lalo na si Suho. Siya ang nakakita ng lahat. Si Suho ang nasa tabi ko nung mga panahong sukong suko at sirang sira ako. Siya rin ang nagparealize sa'kin na hindi lahat ng tao totoo ang pinapakita sa'yo kaya hindi dapat agad binibigay ang tiwala.
Kaya ganun nalang ang paalala nila sa'kin pagdating kay Irene, dahil ayaw na nilang mangyari ang nangyari noon at ayaw ko na rin na maulit pa yon.
Matapos ang ilang minutong pagmamaneho, nakarating na ko. Wala masyadong traffic kaya mabilis akong nakarating. Pinasok ko na ang kotse ko at dumiretso na sa dining area dahil dun daw nila ako iintayin.
Naabutan ko silang lahat na nakaupo at nakatayo naman ang Alpha at Omega. Ako nalang ang hinihintay nila.
"Anong balita?" umupo ako at hinihintay ang sasabihin ng bawat isa sa kanila.
"Seul, mukhang pinaghandaan tayo ng Kims ngayon. Sobrang tahimik nila ngayon pero napakarami na nilang plano." pagsisimula ni Suho.
"Boss, nakita namin ang lahat ng grupo na kasama ng Kims na pumunta sa iisang lugar. Akala namin nagkataon lang pero nung paalis na kami, biglang dumating si Taehyung saka yung tatay niya." dagdag naman ni Taeyong.
"Anong ginawa nila?" tanong ko.
"Nahirapan kaming magkaron ng access sa loob dahil sarado ang buong lugar pero nung may tangang body guard na lumabas, nagkaron kami ng chance para lagyan siya ng maliit ng mic at marinig ang pinag uusapan nila. Hindi masyadong malinaw ang naririnig namin pero may nakuha parin kami." biglang huminto si Taeyong at huminga. Puta tuloy tuloy kase sa salita eh.
"Nagpaplano na sila para ikasal si Taehyung. Dahil nga matanda na ang tatay niya, pinasa na niya kay Taehyung ang lahat ng kapangyarihan kaya si Taehyung na ang namumuno sa lahat ng grupo na kasama nila. Hindi na namin narinig kung kanino dahil mukhang nakita na nila yung mic at sinira." pagtatapos naman niya.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Chanyeol.
"Kailangang maunahan ko si Taehyung sa pagpapakasal, pagkatapos nun ihahanda na natin ang mga armas. Alpha, Omega, ituloy niyo lang ang ginagawa niyo, kailangan ko ng mas maraming updates as soon as possible. Cosmos, back to the old routine, 24/7 training routine with higher difficulty."
BINABASA MO ANG
She's The Boss // Seulrene
FanfictionKailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pilit na kalimutan ang mga alaalang binigay mo. A story of the most powerful mafia boss and a simple yet mysterious girl. How will their story...