IRENE'S POV
Tulad kahapon, maaga rin kami umalis ng penthouse. May pupuntahan pa raw kasi sila. Hindi namin alam kung saan, kahit si Baekhyun walang idea dahil kami raw ang kasama niya buong maghapon.
Normal day lang sa university, except dito sa mga chismosang walang magawa sa buhay nila kundi ang pag usapan kami.
Sama sama kaming anim na naglalakad ngayon sa hallway papuntang first class namin. Kulang nalang manambunot tong si Baekhyun dahil kanina pa siya iritang irita sa mga bulungan.
Asan na kaya si Seulgi?
Nagdrop na daw sis!
Hinatid niya kanina si Irene, di mo ba nakita?
Sila na ba? Grabe parang nung una tutor lang siya non, maybe she's super malandi?
Napahinto kami sa paglakad nang marinig namin ang usapan nila sabay ng tawanan. Umirap pa sila samin nang mapansing huminto kami.
"Hoy impakta! Anong sabi mo?" Pagtataray ni Baekhyun na sinundan naman nila Joy ng pagtaas ng kilay.
"Alin? Yung malandi si Irene? Di na bago yon, kabago bago ni Seulgi... girlfriend na niya?" Ngisi niya. Sarkastiko namang tumawa si Baekhyun na ipinagtaka nila.
"Alam mo kung bakit girl?" Lumapit siya kaya napaatras sila.
"Kasi si Irene maganda, ikaw mukhang impakta! Wala ka nga sa kalingkingan neto! " Nanlaki ang mata niya at aambahan sana si Baekhyun ng sampal dahil knowing this girl, sugod lang ng sugod, wala siyang pake sa mangyayari sa kanya.
Mabilis na hinawakan ni Joy ng mahigpit ang kamay niya na ininda niya.
"Hoy Somi girl... Kapag nasugatan mo balat netong baklang to hindi ko alam kung masisinagan ka pa ng araw bukas." Marahas niyang binawi ang kamay niya at masama silang tinitigan.
"Para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo Somi, first of all, hindi ako malandi. Second of all, hindi ko nilandi si Seulgi dahil siya ang unang lumapit sakin and third of all, hindi ko na kasalanan kung lahat ng natitipuhan mo, ako ang gusto. Huwag kang gumawa ng gulong ikakapahiya mo." Mahabang litanya ko.
Hindi siya nakapagsalita at umirap paalis.
"Chusera!" Sigaw ni Baekhyun.
Pinigilan ko na silang gumanti pa dahil hindi matatapos to kung papatulan pa nila si Somi..
"Tong si Irene minsan lang pumatol pero once na sagutin ka mapipipe ka talaga eh." Sabi ni Jennie na sinang ayunan nila.
Ayoko ng pumapatol sa iba lalo na kung inggit or immature lang talaga yung iba. Pero once na dumating sa point na sasaktan na nila ang mga kaibigan ko, hindi ko na pinipigilan ang sarili ko.
"Lakas makasabi ng malandi palibhasa lahat ng nilandi niya si Irene niligawan pft!" Dagdag pa ni Joy.
"Hayaan niyo na siya." Sagot ko.
Pare pareho na kami ng mga class since hindi naman daw kami araw araw na nasa university and med kaming lahat. Starting tomorrow, sa assigned hospitals na raw kami. Ngayon nila ibibigay kung saan.
Pagkarating namin ay isa isa na ring nagsidatingan ang iba na sinundan naman ni Sir Chico.
Actually Sir Cinco talaga apilyedo niyan, may naglabas lang talaga ng issue na amoy chico daw si sir kaya ayun na din ang nakasanayan. Wala din kasing pake to sa hygiene niya ewan ko ba.
"Good morning." Seryosong bati niya.
Naglabas siya ng mga papel at chineck muna to bago tumingin sa'min.
BINABASA MO ANG
She's The Boss // Seulrene
FanfictionKailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pilit na kalimutan ang mga alaalang binigay mo. A story of the most powerful mafia boss and a simple yet mysterious girl. How will their story...