Chapter Sixty-nine

1K 35 11
                                    

IRENE'S POV

"Samahan mo ko.." Bulong niya..

"Saan?"

"Let's escape for a while. Hayaan na muna natin sila dito... Mas gusto kong makasama ka pa ng matagal."

I don't get it... Mas makasama pa ko?

"What do you mean??" Tumawa lang siya at umakbay.

"Night drive lang baby.." Sagot niya. Nakahinga naman ako ng maluwang. I tend to over think sa mga sinasabi niya.. Pakiradam ko anytime may pwedeng mangyari.

"Ligaya!" Tawag niya kina Joy.

"Alis muna kami ah! Babalik din kami mamayang umaga."

Magrereklamo sana ko, kaso weekend pala bukas. Hindi na din naman naglelesson dahil nagpeprepare na para sa graduation. Pumapasok nalang kami para sa attendance since nagpasa na kami ng mga requirements.

"Sige lang basta use protection!" Sigaw ni Sehun na ikinatawa nila.

"Sira ulo! Aalis na kami, mamaya nalang." Paalam niya at hinigit na ko palabas ng hall.

"Saan mo na naman ba ko dadalhin? Kung di kita kilala pwede kitang kasuhan ng kidnapping alam mo ba yon?" Tumawa lang siya.

"Eh kaso kilala mo ko so this is not kidnapping tsaka nagpaalam ako sayo na aalis tayo."

Di na to naubusan ng dahilan... Pero anyways, kahit saan naman basta siya kasama ko ayos lang. Umarte lang ako ng konti.

Akala ko ang gagamitin lang namin yung lagi niyang ginagamit na sasakyan. Yung Maserati na pinag iinitan lagi nila Joy. Nagulat nalang ako na Ford Ranger pick up truck ang gagamitin niya. 

"Eto gagamitin natin?"

"Yupp, hindi kasi kasya kung yung lagi nating ginagamit tsaka eto yung puno gas eh.." Kamot batok niyang sagot.

"Tara na."

Pagkasakay ko ay napansin ko agad ang mga kumot at unan sa likuran.

"Uuwi pa ba tayo?" Tanong ko na ikinatawa niya.

"Of course, ayaw mo ba?"

"Sira! May mga kumot kase sa likod."

"Ahh yun ba, para mamaya yan." Tumango nalang ako at nagsimula na siyang magdrive.

Wala nang nagsalita samin nang magsimula siyang magdrive. It's comfortable, hindi awkward. Maybe it depends on the person na kasama mo, I'm comfortable with her... Lagi.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya habang nakatutok parin sa daan.

"Kung gaano ako ka-swerte sayo.."

"Wag ka ngang ganyan.. Nagdadrive ako. Don't distract me. Wag mo kong pakiligin."

Napatawa nalang ako dahil iniiwasan niya parin na tumingin sakin.

Hinayaan ko nalang siya na magplay ng kanta, baka maaksidente pa kami kung distracted to..

(KLWKN by Music Hero)

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa

Dahil sa taste niya sa music, nagbago na rin yung akin. Parang lahat ng kantang tinutugtog niya or nirerecommend niya nagugustuhan ko o dahil sa kanya yon..

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon