IRENE'S POV
After nung nangyari kahapon, I thought bibigyan na 'ko nila dad ng bodyguard pero shit pinayagan lang nila akong gumamit ng sasakyan. Di naman sa gusto ko ng bodyguard kasi diba? Malay ko ba kung sino yung mga nanghabol sakin, baka di parin skla tumitigil sa paghahanap noh.
At dahil nga naka-car na 'ko, I'm on my way to school, may exams kami ngayon and di ko alam kung nakapag review yong sina Yeri.
Nang malapit na ako sa school, parang may pinagkakaguluhan sila? Para silang mga kulto na nakapalibot don sa kotse.
Hindi ko nalang pinansin 'yon at dumiretso nalang sa parking ng school.
"Irene!" rinig kong tawag sakin ni Jennie pagkababa ko ng kotse.
"Anong meron?" nanlaki naman ang mata niya sa tanong ko. Seriously?
"Tangina gurang ka talaga hahaha" sinamaan ko naman siya ng tingin at bigla naman siyang napaubo.
"Ano kase Irene, may bagong student."
"Oh tapos?"
"Sure ako bet mo yon!" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Parang sira tong si Jennie, yes I'm attracted to girls but never pa kong nagka girlfriend and knowing my parents, di nila gugustuhing magkaron ako non.
"Shut up, baka kung sino makarinig sayo." nagsimula na akong maglakad at agad niya naman akong sinundan.
"I'm serious Irene, di ko naman sasabihin sayo toh kung alam kong di mo gusto." well she has a point, she know me way to well. Matagal na kaming magkakasama so kilalang kilala na nga nila ako.
Hindi nalang ako sumagot ag nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makarating kami sa building ko.
"Oh sa kabila building niyo ah, bat andito ka pa?" tanong ko sa kanya. Halata naman na nagulat siya sa sinabi ko at luminga linga.
"Hala oo nga shit! Bat di mo agad sinabi?! Anlayo non dito!"
"Aba! Malay ko ba, at saka, akala ko ihahatid mo ko gaga!" depensa ko naman.
"Aalis na ko puta male-late ako sa exam!" agad naman siyang tumakbo palayo kaya pumasok na ko sa room.
"Tagal mo gurl!" sigaw ni Joy.
Inirapan ko nalang siya at umupo sa upuan ko.
"So nabalitaan mo na?" tanong nilang dalawa ni Yeri sa'kin.
"Ang ano?"
"Taga dito ka ba?" natatawang tanong ni Yeri.
"Gaga! Eh kakapasok ko lang malamang di ko pa alam."
"Yung bagong student! Di mo kilala?" Ah here we go again. That new student na nireto agad sakin ni Jennie. Mga walangya tong mga toh, pinagmumukha akong malandi.
"New nga diba? Pano ko makikilala?" Inirapan ko naman sila at sakto pumasok na ang prof. namin.
"Class, I'm sure nabalitaan niyo na." ang alin? Alin ang nabalitaan na?
Nakita ko naman sina Yeri at Joy na tumingin sa'kin at ngumisi. Alam nila yung sinasabi ni ma'am?
"So if that's the case, Ms. Kang, you may come in now." pagkasabi ng non ng prof namin ay nagtilian ang mga kaklase ko, tiningnan ko naman sina Yeri na patuloy lang sa pag ngisi at parang nag aabang sa magiging reaksyon ko.
Akala ko ba may exam? Pano mag eexam ang isang to kung wala siyang alam?
Bigla namang may pumasok na babae at lalong mas nag ingay ang mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
She's The Boss // Seulrene
FanfictionKailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pilit na kalimutan ang mga alaalang binigay mo. A story of the most powerful mafia boss and a simple yet mysterious girl. How will their story...