IRENE'S POV
"Ireeeeene! Wake up!" Ba't ba ang aga aga mambulabog netong mga to?
Anong oras na kami nakabalik ng hotel kagabi dahil after naming magpicture, kumain pa ng dinner, syempre dahil sa kwentuhan hindi na namin napansin ang oras.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita sina Jennie na mukhang mga tanga.
"Ano ba ang aga aga?" Pagtingin ko sa tabi ko ay wala si Seulgi. Napansin ata ni Joy na may hinahanap ako kaya siya na ang sumagot.
"Bumaba si Seulgi, aayusin daw nila yung sasakyan natin papunta Camotes Island kaya bumangon ka diyan girl, ayusin mo na yung mga gamit mo dahil yon ang bilin ng baby mo." baby pft? Pero I'm excited na ko sa Camotes Island, base kasi sa mga kwento ni Seulgi, sulit daw talaga don.
"Sabi din pala ng baby mo, dapat daw pagbalik niya ready ka na or siya magpapaligo sayo." sabi ni Wendy at ngumisi.
"Stop with that baby thingy, paulit ulit kayo." sabi ko habang hinahanda ang mga susuotin ko.
"Bakit? Eh yun yung tawagan niyo eh." dagdag pa ni Jennie.
"Alam niyo kung bakit?" ngumisi ako sa kanila bago sumagot dahil abang na abang ang mga gaga.
"Kase kami lang ang pwede tumawag sa isa't isa non." sabay sabay naman silang tumili pagkasabi ko non. Hindi ko na sila pinansin at pumasok na sa cr dahil napaka ingay nila.
Hindi rin nagtagal, natapos na kong maligo. Paglabas ko ng cr, inayos na pala nila lahat ng gamit ko.
"Nag message si Seulgi, paakyat na raw sila kaya bilisan mo diyan! Juskolord magmemake up ka pa!" Napaka oa talaga netong si Yeri minsan eh.
"Kumalma ka nga!" sigaw naman ni Joy.
"Sa tingin mo aalis tayo ng hindi tapos yang si Irene? Isip nga girl!" Hindi ko na sila pinansin at sinimulan na ang make up ko.
Light make up lang tayo ngayon, mababasa rin naman mamaya. Sayang lang foundation ko!
"Ready na kayo?" Biglang niluwa ng pinto si Seulgi na naka simple white shirt lang and loose short.
"Kami ready na, tanong mo baby mo." sarkastikong sabi ni Yeri.
"Good morning baby!" lumapit siya at niyakap ako sa likod. Geez ang aga para maging clingy siya!
"Lalabas muna kami ah! Mga leche kayo, oo na! Ako na walang jowa!" Sigaw ni Wendy at nag walk out. Sumunod din silang tatlo habang tumatawa.
And Seulgi? She doesn't give a shit dahil hindi siya umaalis sa posisyon niya.
"Seulgi nag aayos ako." pero hindi siya gumalaw.
"Kailangan ba talaga mag ayos ng panget?" sarap upakan neto. Hindi pa pala siya tapos dun sa punyetang panget niya.
"Dun ka nga! Aga mo mambwisit!" sinusubukan kong tanggalin ang pagkakayakap niya pero hindi ko matanggal.
"Aww galit baby ko?" ano bang nakain neto? Ba't para siyang tanga?
"Seulgi inatyin mo nalang ako don." tinuro ko ang kama.
"No." Antigas ng ulo!
"Seulgi."
"No."
Feeling ko may hinihintay lang to eh, and I think alam ko na.
"Baby please?" tumingin siya sakin at ngumiti. Sabi na eto lang hinihintay niya eh.
"Okay!" tinapos ko na ang make up ko at kinuha ang mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
She's The Boss // Seulrene
FanfictionKailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pilit na kalimutan ang mga alaalang binigay mo. A story of the most powerful mafia boss and a simple yet mysterious girl. How will their story...