Chapter Sixty-six

1K 38 7
                                    

SEULGI'S POV

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Ayos naman kami bago kami magpunta ng Baguio... Siguro nga kasalanan ko.

Hindi ko alam kung anong gusto ko pagkagising ko. Wala siya sa tabi ko. Balak ko sana siyang hintaying matapos maligo kagabi para kausapin kaso nakatulog na ko.. Napakatanga ko.

Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig, inilibot ko muna ang mata ko pero hindi ko siya nakita... Sila sila lang din.

"Kina Joy siya natulog." Agad akong napalingon kay Suho.

"O-okay lang ba siya??" Iwas tingin kong tanong.

"Hindi ko alam Seul..." Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso sa kitchen. Pero bago pa man ako makapasok ay may narinig na kong boses.

Hindi ko na tinuloy ang pagpasok at piniling makinig muna... Kay Chen na may kausap sa phone.

"No.. Nandito pa kami a penthouse. Wala pa naman kaming plans, yes.. Sasabihan agad kita.."

Biglang nandilim ang paningin ko at di na nagdalawang isip na pumasok na ikinagulat niya.

Agad ko siyang tinulak kaya napahiga siya sa sahig at kinwelyuhan.

"Gago ka! kelan mo pa ko niloloko?!" Hindi ko na na-kontrol ang sarili ko at paulit ulit siyang panagsasapak.

"S-Seulgi nagkakamali ka! Hindi ako traydor!" Sigaw niya na pilit na dinidepensahan ang sarili niya.

"Tang ina lolokohin mo pa ko? Ilang beses na kitang nakitang may kausap putangina napaka kapal ng mukha mong hayop ka!"

Napahinto nalang ako nang higitin nila ko papalayo kay Chen.

"Seulgi tama na!" Sigaw ni Suho. Pilit ako akong nagpumiglas pero tuluyan nanila kaming pinaglayo.

"Ano yang putanginang dahilan mo ha?! Itatanggi mo pa!" Masama ang tingin niya sakin at pinunasan ang dugo sa labi.

Ngayon pa sila gaganyan. Nagkandaleche leche na lahat.

"Seulgi hindi ako traydor!" Napatawa nalang ako ng mapakla.

"Eh anong tawag sayo?! Manloloko?!"

"Seulgi asawa ko yon!" Galit na sigaw niya.

Lumuwang ang hawak nila sakin. Hindi ko alam ang dapat na reaksyon sa narinig ko.

"Ano?"

"May asawa't anak ako Seulgi! Hindi ako pwedeng nandito lang habang sila nandon sa malayo ng hindi ko manlang nakakausap! Kakapanganak lang ng asawa ko puta naman!"

Hindi ko alam na pamilyadong tao na si Chen... All this time, asawa niya yung lagi niyang kausap.

"Ilang taon na tayong magkasama Seulgi! Wala ka pa palang tiwala samin. Akala ko kapatid ang turingan natin dito, hindi pala." Yun ang huli niyang sinabi at umalis.

Lahat sila ay nandito na sa kitchen.. Malamang nagising na rin dahil sa ingay... Pati ikaw.

Nakita mo pa kong magkaganito putangina talaga!

"Seulgi anong nangyayare sayo?! Anong pumasok sa isip mo ha?!" Napayukom na ang kamao ko nang magsimulang sumigaw si Suho.

Huwag ngayon Jun..

"Seulgi naman! Huwag mong-"

"Tama na Suho! Kung sesermonan mo lang din ako, huwag ngayon! Wala akong ganang marinig kung ano man yang lalabas sa bunganga mo." Agad akong tumayo at naglakad paalis.

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon