TAEHYUNG'S POV
Hindi lahat ng nananahimik, walang ginagawa... At hindi lahat ng bida sa lahat ng lintek na kwento nananalo.
Hangga't nandito ako... Kukunin ko lahat ng gusto ko.
Masyadong panatag si Irene sa mga ginagawa niya... Anlakas pa ng loob niyang hindi sagutin ang mga tawag ko.
Lahat ng pinupuntahan nila alam ko.. Yung sa Cebu, sa Batangas at sa mga restaurant na kinakainan nila.
Dapat simula palang alam na niya ang ginagawa niya... Sinabihan ko na siya una palang, sadyang matigas lang talaga ang ulo niya. Magulo... Hindi mo maiintindihan kung ano ang takbo ng utak niya pero isa lang ang sigurado ako... Yang pagmamahal na nararamdaman niya kay Seulgi... Yan mismo ang sisira sa kanilang dalawa.
Hindi lahat ng pagmanahal na pinapakita totoo...
Tulad nga ng sabi ko, hangga't nandito ako, kukunin ko ang gusto ko.
"Taehyung tara na."
Kinuha ko ang baril ko at sumunod kay dad sa kotse. Pupunta kami ulit ngayon sa bahay ni tito Sunghoon para makipag usap... Or should I say, para mambilog ng ulo. Of course, para sa pera. Hindi naman kami didikit sa kanya kung wala kaming mapapala.
Nakasunod sa kotse namin ang mga tauhan namin hanggang sa makarating kami sa subdivision nila.
Antagal na rin nung huling uwi ni Irene dito.... Nag eenjoy ata masyado sa bahay ni Seulgi...
"Oh Min-kyu.. Napadalaw kayo?" Nakangiti niyang bati sa'min.
Akala ko matatalino sila, hindi pala... Pare pareho silang mabilis ma-uto.
"Of course! Para naman makapag usap pa tayo tungkol sa mga bagay." Sagot naman ni dad.
Agad niya naman kaming pinapasok at inutusan ang mga katulong na magdala ng makakain at maiinom.
Ganyan lagi ang trato niya sa'min. Lahat ng gusto, ibibigay. Kasi naniniwala siya na kami ang sagot sa hustisyang hinahanap niya.
"Kamusta na Sunghoon? Ayos na ba ang mga hinihingi namin?" Tanong ni dad at humigop ng tsaa.
"Kailangan niyo na ba agad?" Napangisi ako. Magtatanong ba si dad ng ganun kung hindi? Tsk.
"Tito sabihin mo nalang kung hindi mo pa nahahanda. Hindi yung pinapa ikot mo pa kami dito." Sagot ko. Nakakabobo rin minsan kausap eh.
"Yun nga eh. Tiffany's back, nalaman niya na kumukuha ako ng rifles sa ibang bansa kaya pinahinto niya yon ng hindi ko alam. Right now... Sinusubukan ko ulit na ipatuloy yung na-delay na shipping." Napailing naman si dad
Isa sa pinaka ayaw namin... Ang pinaghihintay.
"Sunghoon kung wala yon pano kikilos ang mga tauhan namin? Tsaka kulang ang pera na binibigay mo, ilan sa mga tauhan namin ang nagrereklamo dahil kulang sa bayad. Pano namin mapapatumba ang pumatay sa nanay mo kung-"
"May ginagawa nga ba talaga kayo?" Seryosong tanong niya. "Ilang buwan na pero wala parin akong balita. Ilang milyon na ang binigay ko sa inyo pero wala parin. Nasira na ang pamilya ko, hanggang ngayon wala parin. Tapos pupuntahan niyo ako ngayon para manghingi ng pampasuweldo diyan sa mga tauhan niyo?"
Akala ko hindi na niya mapapansin, tsk. May utak parin pala.
"Wag mo kaming sisihin kung nasira yang pamilya mo. Hindi mo nga alam na nagpakasal na ang anak mo." Sagot ko naman sa kanya.
Kitang kita ang pagkagulat sa mata niya.
"Anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong niya.
Ngumisi ako at sumandal.
"Kaya hindi umuuwi si Irene dito dahil nakatira siya dun sa asawa niya ngayon. Alam mo kung sino? Yung taong gusto mong ipapatay sa'min ngayon, at yung pinakasalan niya ay iisa." Kalmado parin ako kahit nakakagago ng kausap to.
"Sunghoon hindi namin pwedeng atakihin si Seulgi kung lagi niyang kasama ang anak mo." Kinuha ni dad ang envelope na naglalaman ng mga pictures ni Seulgi at Irene.
"Niloloko niyo ba ko?" Binato niya sa harap namin ang mga pictures na hawak niya.
"Tito nanggaling na mismo sa anak mo! Kay Irene na mismo! Wag na tayo mag gaguhan dito dahil una palang ginago ka na ng sarili mong anak!" Hindi na ko nakapagtimpi. Dami pang sabi eh. Di nalang ibigay ang gusto namin.
"Ano pa bang gusto niyo..." Bumuntong hininga siya.
Napangisi naman kami ni dad sa isa't isa.
"Sign this Sunghoon... At aayos ang daloy ng lahat." Inabot ng isang tauhan ang mga papel na kailangang pirmahan ni tito Sunghoon.
Mga papel na naglalaman na ang ilan sa mga ari arian niya ay mapupunta sa'min. Ilan sa mga pera niya, saamin ang diretso.
Kung babasahin niya yon ng maayos, sigurado akong pahirapan pa sa pagkuha ng pirma pero mukhang mali ako... Pagkabigay palang sa kanya ng mga papel ay kumuha na agad siya ng ballpen at pinirmahan lahat.
Ngayon palang naaawa na ko sayo tito... Talagang nabulag ka na ng galit mo.
"So aalis na kami. Salamat dito." Kinuha ni dad ang mga papel na pinirmahan.
Hindi sumagot si tito Sunghoon kaya dumiretso na kami palabas.
Madali naman pala siyang kausap. Binigay niya agad kalahati ng mga ari arian at pera niya sa'min.
Sumakay na kami ng kotse para bumalik sa bahay.
"Mas malaki pa nakuha natin kesa sa ipapamana niya sa anak niya." Ngisi ni dad habang binabasa ang nakasulat sa mga dokumento.
"Hindi ko inexpect ganun kadaling paikutin si tito..."
"Nakuha na natin ang kailangan natin sa kanya, ikaw na bahala tumapos."
Alam ko kung ano ang tinutukoy ni dad... Dating gawi.
"Ako na bahala dad."
"Anong balita kay Irene?"
Anong bang dapat kong sabihin? Nandun parin siya kay Seulgi nagpapakasaya?
Kung hindi lang ako naunahan ng gagong yon sa pagpapakasal kay Irene di na ko mahihirapan ng ganito ngayon.
"Walang pagbabago dad... But I think malapit na." Tumango tango siya.
Hindi pwedeng mawalan ng tiwala sa'kin si dad. Ako na ang namumuno sa grupong binuo niya... Dapat ipakita kong kaya ko lahat ng ipapagawa niya.
"Make sure of that Taehyung... Ayokong masabihan ka ng kung ano ano dahil lang hindi mo nakuha ang isang babae."
May mga bagay na hindi mo alam dad... Mga bagay na hindi na dapat pinapaalam...
Malay mo isang araw... Magbago ang ihip ng hangin, sakin na sumama si Irene.
Walang permanente sa mundo. Lalo na kung kaya kong manipulahin lahat ng taong gusto ko.
~~~~~~~~~~
Short lang para naman may pov din si Taehyung 😆 dejk lang, pag walang pov yan di niyo maiintindihan kwento.. pero bukas meron ulet... Sigurado na to. Mag uupdate ako bukas kase start na ng work nila madam.Sure na yon😅
BINABASA MO ANG
She's The Boss // Seulrene
FanfictionKailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pilit na kalimutan ang mga alaalang binigay mo. A story of the most powerful mafia boss and a simple yet mysterious girl. How will their story...