Chapter Fifty-eight

1.1K 43 7
                                    

IRENE'S POV

Mahigpit ang hawak ko sa kamay mo na para bang ayoko nang bumitaw.

Ngayon na ang simula ng mga araw na hindi na muna kita pwedeng makasama. Pinili ko naman to, sinuportahan mo ako.

Ang magagawa ko nalang ngayon ay maghintay at lumaban hanggang matapos to dahil ngayon palang, hindi na ko makapaghintay na bumalik sayo.

"Hanggang dito nalang kayo byy..." Bulong ko habang nakatingin sa kamay nating magkahawak.

Matipid kang ngumiti at tumingin sa'min... Ayoko ng ganyan ka baby eh, mas nalulungkot ako.

"Alright... Take care ha. Kayo din Rubyjane." Baling mo sa kanila. Ngumiti sila at nagthumbs up.

"Aalis na kami... Kaya niyo yan!"

Tumalikod na kayo papasok ulit ng sasakyan... Parang ayokong umalis kayo.

Grabe natatanga ko sa sarili ko. Sasama sama ko dito tapos malulungkot ako.

"Wait!" Napahinto kayo at lumingon ka ulit sakin...

Patakbo ako lumapit sayo at siniil ka ng halik na agad mong tinugunan. God... I'll miss this lips.

Humiwalay ka sa halik at nginitian ako. Yung ngiting nakakapag pagaan ng loob ko na paramg sinasabi mo na ayos lang sayo lahat.

Ano pa bang hihilingin ko?

"Tutuloy pa ba tayo Rene?" Sarcastic na tanong ni Jennie.

"Sama ka nalang Seulgi para happy happy na!" Sabat naman ni Kai.

"Pasok na kayo baby.. Baka ma-late kayo." Bumalik ako kina Jennie.

"Tara na teh baka di ka pa tumuloy kung di pa aalis yang mga yan!" Inakbayan ako ni Joy at hinawakan g braso ko.

Lumingon ulit ako sa inyo.. Kumakaway lang kayo hanggang sa hilain na ko nila Joy papasok ng ospital.

Eto na yon. Eto na talaga.

Di ko naman inexpect na maa-assign kami sa ganito kalaking ospital... Pero di ako natutuwa.. Sabi nila mas malaking ospital, mas maraming pasyenteng ia-admit.

"Hi, kayo ba yung interns na pinadala?" Tanong nung nurse pagkapasok namin.

"Yes po, dito po kami na-assign." Magalang na sagot ni Joy.

Palihim nalang akong napatawa dahil hindi naman siya ganyan makipag usap. Nakikipag plastikan lang yan.

"Tama lang ang dating niyo. You can call me nurse Dana, I'm the head nurse. Tara, maglagay muna tayo ng PPE bago ko kayo i-orient at i-tour sa buong hospital." Tumango nalang kami at sinundan siya kung saan man siya pupunta.

"Dito nagpapalit ng PPE... Ang problema lang, kinakapos na tayo so wala tayong choice minsan kundi mag ulit non. Kung may mabait na magdodonate, makakapagpalit tayo everyday." Inabutan niya kami isa isa.

Shit lang. Bakit kailangan ulitin ang nagamit na? Napakadelikado non, mae-expose kami sa infected na tao tapos uulitin namin ang PPE namin kinabukasan? Para na kaming nagpakamatay.

"Teh kinabahan ako bigla." Bulong ni Wendy.

"Ehh nandito na tayo eh, ano pang magagawa natin?" Bulong naman ni Yeri.

"Isuot niyo nalang yan." Bulong ko sa kanila. Baka kung sino pa makarinig sa kanila... May masabi pa.

Pagkatapos naming ilagay ang pagkakapal na PPE, hindi na ko makahinga dito sa loob pero sige gusto ko pang mabuhay ng mas matagal. Pumasok ulit si Nurse Dana.

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon