Chapter Forty

1.5K 45 3
                                    

IRENE'S POV

Naka-upo kami ngayon sa sofa habang kaharap si mom. Yung Cosmos andito sa likod namin kasama sina Jennie. Si Seulgi parang maamong tigre ngayon kainis!

"So.." Panimula ni mom kaya napa ayos ng upo si Seulgi.

Halata namang nagpipigil na ng tawa tong mga nasa likod namin dahil hindi lang naman ako ang nakapansin na nawala ang pagiging mayabang netong si Seulgi nang malaman niya na yung business partner niyang si Ms. Tiffany at ang mom ko ay iisa.

"Kayo na ng anak ko?" Bakit ba ganito magsalita si mom? It's very obvious na pinagttripan niya lang si Seulgi pft!

"Ah, ano... Oo eh... Ay opo pala." Sagot niya sabay kamot sa batok.

Napansin ko namang nagpipigil na ng tawa si mom kahit yung mga nasa likod namin parang mauutot na.

"Seulgi relax, ako lang to." Ngisi niya kay Seulgi. Hays kay dad ko ata talaga namana pagiging formal. May tinatago rin kasing kagagahan mom ko.

"Eh kase Ms. Tiffany, iba na ngayon,  I'm your daughter's lover hindi lang business partner mo, anak mo na pinag uusapan dito." Ay shet na malagket! Dapat na ba kong kiligin don?

"Alam mo ba ang ginagawa niyo?" Seryosong tanong ni mom.

Bakit biglang ganon?

"Seulgi maraming gustong pumatay sayo, pano 'ko makakasigurong ligtas ang anak ko sayo?" Ibaon niyo na 'ko sa lupa! Ngayon na!

Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko na napansin ni mom kaya palihim siyang ngumisi.

"You already know me for years, kilala mo lahat ng nakalaban ko, lahat ng gustong pumatay sa'kin alam mo, pero kahit na ilan pa sila, ano sa tingin mo Ms. Tiffany bakit andito parin ako kausap ka? Hindi ko hinayaan na masaktan nila ang mga kaibigan ko, at ganun din ang gagawin ko sa anak niyo." Puta namumula na 'ko!

"Don't call me Ms. Tiffany." Utos niya. Fuck? Is this war? Lagot tayo neto.

"What do you mean?"

"Call me mom." Agad naman na naghiyawan ang mga kaibigan namin nang sabihin ni mom yon.

"Yun naman pala!" Sigaw ni Chen.

"Puta lakas!" Dagdag pa ni Suho.

"W-what?" Tanong niya ulit.

"Tawagin mo daw siyang nanay bobo!" Ba't parang nung sinabi na ni Baekhyun parang ambantot na pakinggan?

"So payag ka samin?" Hindi pa ba obvious yon? Napaka-slow talaga neto.

"Ayaw mo ba Ms. Kang?" ngisi naman ni mom.

"No.. I mean, yes. No to Ms. Kang ang ibig sabihin ko.. basta... Seulgi nalang." Kanina pa siya nauutal hahaha!

"Matagal na kitang kilala, saka ako mismo yung lumapit sa inyo sa Vegas para sa tulong na gusto niyo diba? Kase alam kong kayo lang rin ang makakaayos ng gulong sinimulan nila." Sagot ni mom, pero sinong sila? Sila Taehyung?

"Seulgi lahat ng kailangan niyo, ibibigay ko basta ipangako niyong maaayos niyo to." Wala akong alam sa pinag uusapan nila!  -_-

"Kami na ang bahala."

"Irene, let's talk." Baling naman sa'kin ni mom kaya napatingin ako kay Seulgi na tumango lang.

Umalis silang lahat kaya naiwan kami ni mom sa sofa.

"Hindi matutuwa ang dad mo." Psh! Sa dinami rami ng pwedeng pag usapan yun pa.

"Mom nakikipag sabwatan nga siya kina Taehyung!" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko non kaya agad akong sinenyasan ni mom na hinaan.

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon