Chapter Ten

1.7K 50 7
                                    

SEULGI'S POV

Nagising ako nang marinig ko si Xiumin na kumakatok sa kwarto ko. Shit! Kakatulog ko lang kanina ah, ansakit ng ulo ko, wala pa kong maayos na tulog.

"Seulgi! Ano?! Di ka pa babangon diyan?! Yung alarm mo rinig na rinig sa kwarto namin hoy!" oo nga pala, nakakabit sa speaker yung alarm ko, sa kwarto ko lang naman na speaker kaso malakas dahil mahirap akong magising.

"Oo na puta wag ka sumigaw!" lintek ansakit sakit ng ulo ko kung makasigaw tangina.

"Patayin mo na yang alarm mo tangina!" sinara ko na ang alarm ko at dumiretso nang maligo. Siguro aayos na pakiramdam ko pagkatapos maligo.

Mabilis lang akong naligo dahil masakit parin ang ulo ko.

Pagkalabas ko ay narinig ko si Suho na kumakatok.

"Seul, nakahanda na breakfast! Baba ka na, ikaw nalang hinihintay!"

"Sunod ako Jun!" napatawa ako nang marinig ko siyang padabog na umalis. Siguro dahil tinamag ko na naman siyang Jun.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ko para sabayan silang kumain.

"Aga niyo ah!" nakangising bati ko sa kanila. Hindi maipinta ang mga mukha ngayon at tinititigan lang ang pagkain.

"Oh anong nangyare sa inyo?" Natatawa kong tanong.

"Gago ka at yang lintek na speaker mo." seryosong sabi ni Chanyeol habang tulala parin sa pagkain niya.

"Gusto kong manira ng speaker, yung naninira ng tulog." tulala ding sabi ni Chen.

"Kinginang alarm yan, alarm ng buong bahay." dagdag naman ni Sehun habang tulala din sa pagkain niya.

Mas lalo naman akong natawa dahil pare pareho ang itsura nila, pare parehong tulala sa pagkain nila, si Suho lang ata ang nasa tamang pag iisip ngayon dahil sanay naman na siya sa maagang gising.

"Ayusin mo yan Suho puta mga bangag oh!" nagsimula na kong kumain habang tumatawa.

"Nga pala, ihanda niyo yung mga papel na kailangan ko, papakasal na ko." mukhang nagulat sila kaya sabay sabay silang napatingin sakin.

"Oh ano? Diba yun yung plano? Ba't parang gulat na gulat kayo?" tanong ko.

"Agad agad? Akala ko bongga kasal mo boss?" tanong ni Baekhyun

"Hindi ko kailangan ng ganun, mahalaga yung papel at yung pirma namin, got it? Ayusin niyo na mamaya para mabilis." tumango silang lahat at nagsimula na ring kumain.

Nang matapos akong kumain ay tumayo na ko at kinuha ang mga susi ko.

"Alis na ko mga kupal! See you later!" hindi ko na sila narinig na sumagot dahil bad trip parin sila sa alarm ko hahaha.

Agad kong pinaandar ang makina at nagmaneho na papunta kina Irene.

I'll text her na papunta na ko para makapag ready na siya. Kinuha ko yung number niya nung pinakielaman ko yung phone niya, nahulog niya kase yun non nung nagpulumiglas siya kina Jaehyun eh wala namang password so ininsert ko na rin yung number ko

To: Irene

I'm on my way.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ko sa village nila. Kilala na ng guard nila yung kotse ko kaya agad naman niyang tinawag si Irene nang makitang paparating ako.

Hininto ko ang kotse ko sa tapat ng bahay nila at nakita ko namang lumabas na si Irene.

Agad naman siyang pumasok sa kotse at inayos ang sarili niya.

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon