SEULGI'S POV
Nagising ako dahil sa sakit ng katawan ko pota wala ako sa kama ko. Mga hinayupak tong mga to, iniwan ako sa sofa.
Hindi ko mamulat ng maayos ang mata dahil mas sumasakit ang ulo ko kapag nakakaaninag ako ng araw pero may naramdaman akong nakahawak sa kamay ko kaya pinilit kong imulat.
Mga kupal tong mga to, ba't dito nila pinatulog baby ko? Baka sumakit likod neto, nakaupo lang siya sa sahig habang yung ulo niya nakahiga sa maliit na parte ng sofa.
Mga gunggong tong mga to, pano kung nilamok to dito?
Hindi ko muna siya ginising at tiningnan lang ang mukha niya. I wonder gano kaganda ang mom niya dahil nung nakita ko yung dad niya, may itsura rin naman.
Napansin kong may mga bakas ng luha sa pisngi niya. Umiyak ba siya?
Hinawakan ko ang mukha ko at naramdaman kong may mga benda and mukha ko. Puta oo nga pala, nabugbog ako ni Jackson kahapon.
Don't tell me... Nakita ako ni Irene na ganito? Shit pinag-alala ko siya pero atleast nakauwi naman ako diba?
Mukhang nagigising na siya dahil unti unti na siyang gumalaw. Hindi ko tinanggal ang titig ko sa kanya at nginitian siya nang tingnan niya ko. Hindi pa siya kumibo nung una kaya mabilisan ko siyang hinalikan.
"Oh my God okay ka na ba? Nahihilo ka or may masakit ba sayo?" sunod sunod niyang tanong at chineck ang mukha ko.
Nagpout ako at tinuro ang labi ko. Kingina nung si Jackson, pinaputok labi ko.
"Eto masakit." Umirap siya at hinampas ako sa tiyan. Mahina lang naman yon pero dahil nga nabugbog ako kahapon, may pasa ako don kaya napadaing ako. Agad naman niyang tinaas ang damit ko kaya nakita niya ang mga pasa ko.
"Shit sorry!" Angcute niya magpanic hahaha!
"Ikaw ah, gusto mo lang makita abs ko eh!" Marahas niyang binaba ang shirt ko at tumayo.
"Umayos ka nga Kang Seulgi! Alalang alala ako kahapon sayo tapos gaganyan ka ngayon!" Aalis na sana siya buti nalang nahawakan ko agad ang kamay niya.
"Sorry na, dito ka muna." Sabi ko at binuksan ang bisig ko. Napabuntong hininga nalang siya at humiga sa tabi ko. Dahan dahan lang siya gumalaw dahil baka matamaan niya ang katawan ko na may pasa, wala naman akong pake dun kaya niyakap ko siya agad.
Yumakap din siya sakin at binaon ang mukha niya sa leeg ko. Ang aga naman para maging clingy ng baby ko pft!
"Sorry pinag-alala kita, nakita mo siguro akong puro dugo kahapon noh?" Sabi ko habang inaayos ang buhok niya.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung nakita kitang buhat ni Suho. A-akala ko mawawala ka na eh. Pero siguro dapat masanay na 'ko" Inangat ko ang mukha niya at may nagbabadya ng mga luha.
"Ang mahalaga umuwi parin naman ako diba? Saka may sasabihin ka pa kasi sakin kaya pinilit ko talaga." Ngisi ko. Bigla naman siyang namula at nagtago ulit sa dibdib ko.
Nacu-curious na tuloy ako ano yung sasabihin niya.
"Alam mo ba baby, nanaginip ako. Sa panaginip ko sabi ko mahal mo ko. Parang totoo nga eh kase naririnig ko talaga yung boses mo." Tumingala siya sakin at naghihintay ng susunod kong sasabihin.
"Ang weird parang sinabi mo talaga yun." Hindi siya nagsalit at hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay.
"Andami mo ng sugat oh." Sabi niya habang hinahawakan ang mga band aid sa mukha ko. Lalo na yung nakabalot sa ulo ko. Change topic pft!
BINABASA MO ANG
She's The Boss // Seulrene
FanfictionKailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pilit na kalimutan ang mga alaalang binigay mo. A story of the most powerful mafia boss and a simple yet mysterious girl. How will their story...