Chapter Forty-seven

1.4K 53 7
                                    

SEULGI'S POV

"Mahal mo talaga siya?" Biglang tanong ni BoA.

Minulat ko ng kaunti ang mata ko para makita ang reaksyon nila. Actually, nagising ako nung naririnig ko na yung boses nila Kangta, ayoko lang magmulat, siguradong papagalitan na naman ako.

"Kahit na lagi siyang nagpapaka-Cardo Dalisay, kahit na feeling niya pusa siya, mahal ko siya. Maraming dahilan para iwan ko siya pero meron lang akong isang rason para mas mahalin siya." Sagot niya, dun ko na totally minulat ng mata ko na agad napansin ni BoA pero agad akong umiling at sinenyasan siyang huwag muna sabihin.

"And that is?" Tanong ni Kangta.

"Because Seulgi is Seulgi. Hindi siya mapagpanggap, ipapakita niya talaga sayo kung ano at sino siya, kahit na nasobrahan na siya sa kahambugan niya, mas pipiliin ko parin siya." Sagot niya at biglang tumingin sa'kin kaya agad akong pumikit.

Hindi na ko na minulat ulit ang mata ko, baka nakatingin parin siya sa'kin nako triple kill to!

May mga bagay pa silang pinag usapan hanggang sa tinanong siya ni BoA kung naglunch na siya.

"Kanina pang breakfast yung huli kong kain." What? Ba't niya pinapabayaan sarili niya? Ampayat na nga niya, di pa siya kumakain.

"Oh? Past one na, you should eat. Kami na muna dito ni Kangta, sabi nila Jennie dun lang daw sila sa cafeteria sa baba." Sabi ni BoA sa kanya.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya marahan ko ulit na binuksan ang mata ko.

Putragis! Dapat pala pumikit nalang ako.

Masama ang tingin sa'kin nila BoA at hinihintay na mag-explain ako.

Okay? Puta?

"Ano Kang Seulgi? Okay ka na? May napala ka ba don? Ha?" Easyhan mo lang BoA, kakamulat ko lang oh.

Tiningnan ko si Kangta para humingi ng tulong pero wala siyang ginawa.

Lord ba't ganito? Ba't may dalawang kampon ng kadiliman sa harap ko? Sinusundo na ba 'ko?

"Seulgi." Seryosong tawag ni Kangta.

"Bakit ka bumalik ng Katipunan." Tanong niya.

"Merong tao si Taehyung sa grupo ko." Sagot ko at tumingin ng diretso para maiwasan ang tingin nila.

"Pumunta 'ko don para malaman kung sino dahil may nag message sa'kin na gustong makipagkita then sasabihin sa'kin kung sino."

"Hindi mo ba naisip na baka trap yon? Pano kung tauhan ni Taehyung yon?" Tanong ni BoA, halata na rin ang galit sa boses niya.

"Oo tauhan ni Taehyung yon, I met Jin, tauhan ni Taehyung na galit sa kanya at gusto siyang patayin. Humihingi siya ng kapalit para sabihin kung sino ang traydor dito pero wala rin akong nakuha, pinatay siya nila Taehyung bago pa niya masabi kung sino." Mahabang paliwanag ko bago tumingin ulit sa kanila.

"Pano ka nagkaganyan? Bali bali buto mo, duguan ka rin nang makita ni Suho." Tanong ni Kangta.

"Inabangan ako nila Taehyung. Pabalik na ko sa sasakyan ko non nung makita ko sila. Bakit ko nagkaganito? Dahil yon sa tubo at dos por dos na hawak nila puta, kaya ko naman eh, pinuruhan lang yung ulo ko kaya hindi ako makalaban ng maayos. Atleast, natamaan ko si Taehyung." Ngisi ko.

"My God Seulgi! Kahit na! Alam mo bang pwede mong ikamatay yan kung hindi ka naagapan sa ospital?! Seulgi isipin mo naman sarili mo, isipin mo ngayon si Irene!" Agad nilapitan ni Kangta si BoA para pakalmahin.

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon