IRENE'S POV
Nagising ako nang makarinig ko ng mga ingay galing sa baba. Mukhang nandito na sila dahil rinig na rinig ko na naman ng asaran nila, dagdagan pa nung apat.
"Gising ka na pala." pumasok si Seulgi at dumiretso sa tapat ng closet niya.
Hindi parin ako umaalis ng kama, tinatamad pa ko kaya titingnan ko lang muna siya. Wala rin naman akong gana kumain, hindi ko din alam, wala akong gana gumawa ng bagay bagay ngayon.
Nagulat ako ng biglang tinanggal ni Seulgi ang shirt niya at nagpatuloy sa paghahanap ng damit.
"Hoy ba't ka naghubad!" tumalikod ako at tinakpan ang mata ko. Bwiset to hindi nagsasabi!
"Amoy usok na ko, nag-ihaw kami ng manok sa baba." sagot niya pero hindi parin ako tumitingin sa kanya.
Alam kong may abs siya pero hindi naman kailangan na bigla biglang ipakita diba? Mamaya baka kung ano magawa ko diyan.... Charot!
"Tara na kakain na tayo." hinawakan niya ang kamay ko at sinubukan akong higitin pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko.
"Ayaw ko kumain." sabi ko at nagpout.
"Hirap na hirap ako magluto don tapos di ka kakain? Di pwede, kakain ka!" hinawakan na niya ng dalawang kamay ko pero hindi parin ako umaalis sa pwesto ko.
"Ayaw ko nga~" hindi ba to nakaka intindi?
Teka! Kakabalik lang nila, hindi ko na-check kung may sugat siya.
Hinila ko ang kamay ko at agad tumayo para i-check ang katawan niya. Tiningnan ko ang braso niya pati mukha. Takang taka siya sa ginagawa ko pero hindi parin ako tumitigil.
"Wala akong sugat miss." sabi at at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Mukha ngang effective yung pabaon mo eh." inirapan ko siya at nauna ng lumabas dahil nakangisi na naman siya. Letse talaga!
Nauna akong maglakad sa kanya pero nagulat nalang ako ng bigla niya 'kong binuhat na parang sako pababa ng hagdan.
"Ano ba baka mahulog tayo!" pinaghahampas ko ang likod niya pero walang epekto, binuhat niya ko hanggang sa makarating kami sa dining area.
"Kakain ka." seryosong sabi niya at umupo sa pwesto niya.
"Ayoko nga!"
"Oh ba't mukha na namang pato yan?" tanong ni Yeri habang pa-upo sila.
"Naka-pout na naman siya amputa!" dagdag pa ni Joy na tumabi kay Yeri.
Nagsidatingan na sila at nilagay ang mga niluto nilang pagkain. Nagsimula na silang kumuha ng pagkain pero hindi parin ako gumagalaw. Sabi kasing wala akong gana!
"Yung baby mo ayaw kumain!" tiningnan ko ng masama si Baekhyun pero tinawanan niya lang ako.
"Aww ano bang gusto ng baby ni Seulgi?" tanong ni Suho habang nagbe-baby talk. Letse tong mga to!
"Baka Gerber gusto!" sigaw ni Wendy. Tangina to ah!
"Gatas ni Seulgi!" aba putangina netong si Jennie kahit kelan napaka rumi ng utak.
Lahat sila ay tumawa kahit si Seulgi ay tumatawa na rin kaya mas lalo akong nagpout.
Hindi ko namalayan na lumapit si Seulgi at mabilisan akong hinalikan.
"Yun lang naman pala gusto di mo pa binigay kanina!" sigaw ni Chen at binato ng tissue si Seulgi.
"Kain ka na baby, ahhh!" tinapat niya ang kutsara niya sakin na may lamang kanin. Naghahampasan na yung nga katabi namin dito kakatawa.
"Ahhh!" nakatapat parin sakin yung kutsara niya kaya wala akong choice kundi kainin yon.
Since tinatamad talaga ako ngayon, sinimulan niya naman to, so...
"Subuan mo ko." napatingin naman siya sakin nang sabihin ko yon.
"What?"
"Subuan mo ko, tinatamad akong kumain. Please baby~~" nagtilian naman yung apat at kitang kita ko ang paghahampasan nila ng kutsara.
"SUBUAN! SUBUAN! SUBUAN!" sigaw naman ng Cosmos.
"Tumahimik nga kayo mga malilibog!" sigaw ni Seulgi sa kanila pero tinawanan lang nila siya.
Nginisian ko siya pero nginisian niya lang din ako. Malamang hindi siya magpapatalo pagdating dito.
"Here comes the airplane~ say ahhh~" kung san san pa niya pinapunta ang kutsara bago mapunta sa bibig ko. Ako na nahihiya sa ginagawa niya eh.
"Okay, kakain na ko. Mukha kang tanga diyan." sabi ko at tumawa. Kumuha na ko ng sarili kong pagkain.
"Nga pala, Jennie, Wendy, Joy, Yeri sama kayo sa Cebu ah!" sabi ni Sehun sa kanila.
"Sure! Kelan ba?" tanong ni Jennie.
"Sa New year, don't worry sagot ni Seulgi lahat." sagot ni Kai at tumawa.
"Yung mga pera kanina, ibigay niyo na sa orphanage para may mapuntahan naman yon." sabi ni Seulgi, tumango si Suho at nag thumbs up.
"Since tapos naman na yung mga gagawin natin, andito na rin naman sina Jennie, mamaya na tayo umalis! Naayos na ni Suho yung hotel saka yung sasakyan natin papunta don kaya wala na tayong problema." sabi ni Xiumin kaya sumang ayon naman silang lahat.
"Edi bilisan niyo na diyan, magprepare na kayo." sagot naman ni Seulgi.
"By the way, guys 3:30 am ang flight natin papuntang Cebu, pupunta tayo ng airport ng 2 am, so dadating tayo ng Cebu ng 4:55 am. Make sure na ayos na lahat ng dadalhin niyo para diretso na tayo ng airport. VIP naman tayo so anytime pwede kong tawagan yung airport para ipatuloy or ipacancel yung flight natin. Hindi tayo pwedeng ma-late, hindi lang tayo yung sakay non." mahabang explanation ni Suho pero tumango tango lang sila.
"So we're good, after nating kumain, tatawagan ko na sila para mamayang madaling araw pupunta na tayo don." dagdag pa niya.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa kaniya-kaniyang kwarto para mag ayos ng gamit. Sa guess room nagroroom yung apat.
Habang nag aayos ako ng gamit, kakalabas lang ni Seulgi ng cr.
"Anong nangyari kanina? Andaming message ni Jennie sakin." tanong niya habang sinisimulan na ayusin ang gamit niya.
Naalala ko na naman yung nangyari kanina sa bahay.
"Ah wala yon, pinagtitripan lang nila 'ko kanina." hindi ko siya tiningnan dahil baka mahalata pa niyang nagsisinungaling ako.
"Miss mo daw ako." yun talaga sinabi ng babaeng yon? Wala na talaga nagawang matino yon.
"Wala lang siyang magawa kanina saka anong nangyari dun sa pinuntahan niyo kanina?" sana gumana. Ayoko nang pag usapan yung nangyari.
"Uh good..." simpleng sagot niya. Hindi na ko nagsalita at pinagpatuloy nalang ang pag aayos ko ng gamit.
Siguro makakatulong na rin ang ilang araw namin sa Cebu para makapag isip isip ako dahil peste na talaga sa buhay namin yang mag amang yan.
Pagkatapos ko ay natapos na rin si Seulgi sa mga gamit niya. Nakakapagod amp!
"Matutulog ka pa ba? 12 am na." tanong ni Seulgi at huniga sa tabi ko.
"Mamayang 2 am pa naman tayo pupunta don, tulog muna tayo nakakapagod magprepare." pinatay niya ang ilaw at iniwan ang lamp shade na nakabukas.
Kahit kakatulog ko lang kanina ramdam na ramdam ko na naman yung antok.
See you soon Cebu.
BINABASA MO ANG
She's The Boss // Seulrene
FanfictionKailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pilit na kalimutan ang mga alaalang binigay mo. A story of the most powerful mafia boss and a simple yet mysterious girl. How will their story...