IRENE'S POV
Nang makarating kami sa bahay niya, walang pulis, Alpha at Omega lang ang nandun na nagbabantay. Pagkapasok palang ng sasakyan namin ay inabangan na nila ni Seulgi.
"Tama yung hinala namin, nag iwan sila ng papel para sayo." sabi ni Taeyong sabay abot kay Seulgi ng nakatuping papel.
Agad na binasa yon ni Seulgi at ginusot gamit ang kamay niya. Kumuyom ang kamao niya sa galit at kahit sina Suho ay walang magawa.
Nakita naman naming tumatakbo palabas sina Jaehyun habang may hawak na laptop.
"Naayos na namin yung footage!" Agad silang pumalibot at pinanood ang video na kuha ng cctv.
Makikita sa video na pagkapasok palang nila ay nagkalat na sila ng kung ano ano, binasag ang mga salamin, sinira ang pinto. Nang makapasok sila, lahat ng pwedeng basagin ay hinampas nila ng dala nila. Sa parte naman ng mga kwarto nila ay hindi nila nagawang pasukin dahil hindi nila kinaya ang lock non lalo na yung kay Seulgi pero yung sa labas, sa kitchen, sa living room, sa garage.... it's a mess, sirang sira lahat.
"Eh diba sina Jackson yan?" Jackson? Familiar yung name....
Hindi ba siya yung nakwento ni Suho na pinakasalan ni Krystal?
"Yung isa, si Bambam tapos si Mark, si Jinyoung, si Yugyeom. Himala, kulang sila!" Sabi ni Chanyeol.
"Mga tanga pala toh hindi nagtatanda eh!" sabat naman ni Sehun.
"Oh ano na? Tara na-" Hindi na natapos ni Lay ang sasabihin niya nang sumigaw si Seulgi.
"Tumahimik nga kayo! Sa tingin niyo ba sila parin yung dati nating nakalaban? Andiyan na si Taehyung! Andiyan na sila ng putangina niyang ama! Mag isip nga kayo!" Taehyung.... Fuck it! Taehyung bakit mo ginagawa to? All this time, sina Taehyung yung lagi nilang nakakalaban, mga tauhan nila ng tatay niya.
Sana hindi ko nalang pala nakilala si Taehyung non, sana si Seulgi nalang agad.
"Seulgi..." Bulong ko at hinawakan ang kamay niya. Wala akong alam kung paano ko siya mapapakalma ngayon.
Nanlambot naman ang paningin ni Seulgi pero umiwas siya ng tingin.
"Suho dun tayo sa penthouse ko magsstay for now, Taeyong, Jaehyun, batayan niyo tong bahay, balitaan niyo nalang ako." Tumango silang dalawa. Ang Cosmos naman, sumakay ulit sa sasakyan kasama sina Joy.
"Hanggang kelan tayo don?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam, siguro kapag naayos na namin to, just trust me baby." Niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko.
"Seulgi tara na." Tawag ni Suho kaya sumakay na rin kami.
Kilangan kong makausap si Taehyung. Gusto kong sa kanya manggaling lahat ng ginagawa nila. Pinaglihi ba siya sa pagiging tanga kung hihilingin niya na maging okay kami tapos ganito siya?
Pasimple kong minessage si Jennie para sabihin na samahan ako sa bahay, dahil siguradong andun yon. Kailangan ko ring harapin sina mom and dad, gusto kong linawin nila lahat ng tanong ko.
"Seulgi uuwi ako ng bahay." Lahat naman sila ay napatingin sakin, kahit si Suho na nagdadrive nang sabihin ko yon.
"Huh? Delikado, sasamahan nalang kita." What? Hindi sila pwedeng magkita ni Taehyung don, if ever na nandun siya.
"Wag na, sasamahan naman ako nila Jennie. Don't worry, sayo parin ako uuwi." Sagot ko at tinapik ang pisngi niya.
"Kahit na! Pano ako makakasigurado na safe kayo papunta don? Pano kung abangan kayo? Lalo na ikaw, kilala ka na nila dahil pinakilala na kita bilang asawa ko, pano kung-" Hindi ko na siya pinatapos at mabilis siyang hinalikan sa labi.
BINABASA MO ANG
She's The Boss // Seulrene
FanfictionKailangan ko lang ng isang rason para manatili sa piling mo pero binigyan mo ko ng dahilan para lumayo at pilit na kalimutan ang mga alaalang binigay mo. A story of the most powerful mafia boss and a simple yet mysterious girl. How will their story...