Chapter Thirty-four

1.7K 53 11
                                    

IRENE'S POV

"Hoy girl gising na!" Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni Yeri, habang tinatapik ako nila Jennie. Ano bang meron? Nambubulabog na naman to.

"Pinapagising ka ni Seulgi! Hoy bumangon ka na diyan!" Bakit hindi siya yung manggising?

"Asan ba siya?" Tanong ko at mukhang nahalata nila ang pagkairita ko. Sino ba naman kasing hindi maiinis? Iuutos pa niya sa iba yung paggising sakin.

"Arte mo, nag iihaw baby mo sa baba! Ayaw mo na ba samin? Grabe I'm hurted!" Pagdadrama ni Joy.

"Mag aral ka muna bago ka magtampo." Sagot ko at tumayo para ayusin ang sarili ko.

"May utang ka pang kwento baka nakakalimutan mo!" Kelan ba hindi sisigaw tong si Wendy? Pwede bang tingnan nalang nila kung anong mangyayari? Kailangan laging updated?

"Ayokong magkwento, baka mainggit kayo." Sagot ko at tumawa kaya nakatanggap ako ng sunod sunod na bato ng unan.

"Pero mukha namang okay na kayo. Para na namang tanga si Seulgi kanina eh." Ano na namang ginawa niya?

"Bakit? Ano bang ginawa niya?" Tanong ko kay Jennie.

"Pumayag siya na bumili sina Suho ng tatlong case ng beer, nagpa-ihaw siya ng tatlong manok and lastly, ang weird na kanina pa siya nakangiti, hindi nga siya nagpahinga eh, parang hindi siya nawawalan ng energy, which is very weird. Alam niyo naman laging serious mode ang peg non." Habang kinekwento niya yon ay hindi ko maiwasang ngumiti kaya nagtataka na naman sila habang tinitingnan ako.

"Alam mo, pareho na kayong baliw. Ano bang meron dun sa cave at baliw na kayo pagbalik?" Tanong ni Joy.

Umiling lang ko at ngumiti sa kanila bago lumabas ng kwarto at dumiretso pababa.

Naamoy ko na yung inihaw na manok na galing sa labas, nakita ko na rin yung tatlong case ng beer na pinabili niya. Eto na naman siya eh, iinom na naman siya eh ang hina hina ng tolerance niya.

"Baby!" Nakita ko siyang galing sa kitchen at may dalang mga chips, binaba niya agad yon at lumapit sakin para yakapin ko.

"Gising ka na pala, gutom ka na?" Tanong niya habang nakahawak sa mukha ko. Nagtatanong lang naman siya, bakit may paghawak sa mukha? Ang clingy niya infairness hahaha!

"Ay ang harot! Ganyan ba yung friends lang?" Biglang sulpot ni Yeri galing sa taas.

"Inggit ka lang, hindi ka pinapansin ni Jaehyun." Sagot niya at dinilaan si Yeri.

"Sino may sabe? For your information Ms. Kang, jowa ko na yon last month lang." May jowa na pala to?

Nanlaki ang mata ni Seulgi kaya nginisian siya ni Yeri.

"Gulat ka noh?" Biglang sabat naman ni Joy.

"Naunahan pa kita, hina mo naman." Tangina? They are provoking her, baka kung ano na naman ang pinaplano netong mga to.

"Eh bakit last week nagpaalam sakin si Jaehyun na may date siya? Tapos ikaw kasama ni Irene nung araw na yon? Sinong kasama ni Jaehyun non?" Ngisi niya kay Yeri. Halata naman ang pagkagulat nung dalawa kaya mas natawa si Seulgi.

"Check mo jowa mo, baka iba na sinasamahan." Dagdag pa niya at umakbay sakin.

"Tara sa labas baby, nag iihaw sila ng manok." Iniwan namin sina Joy at Yeri sa loob na hindi makapaniwala sa narinig nila. Hindi nga rin ako sure kung totoo yung sinabi neto or pinagttripan niya lang si Yeri.

She's The Boss // SeulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon