Naglalakad na ako pauwi sa bahay. Malayo sa city ang tinitirahan ko dahil sa isang kagubatan ako nakatira. Tahimik kasi doon. Hindi katulad sa city ay sobrang ingay, polluted dahil sa mga sasaktan. Tanging ibion lang ang maririnig sa kagubatan tuwing umaga at katahimikan naman sa gabi. Doon na rin kasi ako lumaki.
Nasa kalagitnaan ako sa paglalakad noong may naamoy ako na hindi ko gusto ko. Sobrang baho. Para bang patay na tao. Pinuntahan ko iyon kung saan galing hanggang sa makita ng dalawa kong mata ang mga pangyayari. Kung paano pinatay ng isang iyon ang isang tao. At hindi lang iyon dahil kinakain pa niya ang lamang loob nito.
Sa sobrang takot ko ay hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko ngayon para makaalis na. Sana nga lang ay hindi niya ako makita narito. Sa masamang palad ay lumingon siya sa kanyang likuran kaya mas lalo akong natakot. May dugo rin sa gilid ng kanyang mga labi at may sungay rin siya. Anong klaseng nilalang ito? Hindi siya isang tao kagaya ko.
"Ah... Another prey." Ngumisi ito sa akin. Prey ba kamo? Ayaw ko pa mamatay. Kahit wala na akong pamilya ay marami pa rin akong pangarap sa buhay.
"Ahhhh!!!" Sigaw ko. Nawala sa aking isipan kahit pala sumigaw ako ay wala makakarinig sa akin. Lumuhod ako habang pumapatak ang luha ko at nagmamakaawa sa kanya. "Please... Huwag mo kong patayin."
"Stand, human." Sabi niya. Tumayo naman ako agad kaso namginginig ang mga tuhod ko dahilan para mawalan ako ng balanse. Ngunit agad naman niya ako nahawakan sa braso para hindi ako matumba. "Hindi kita papatayin pero sa isang kondisyon."
"Kahit ano gagawin ko. Huwag mo lang ako papatayin."
"Ibigay mo sa akin ang iyong kaluluwa." Kumurap ako ng ilang beses. Parang ganoon rin, eh. Papatayin niya rin ako.
"Huh? Ayaw ko! Ganoon rin ang gagawin mo, eh. Kahit ano ka pa ay hindi ko ibibigay sayo ang kaluluwa ko."
"Hindi mo ba ako kilala?" Mabilis akong umiling sa kanya. Paano ko naman makilala? Eh, ngayon ko lang siya nakita. "Ako lang naman ang Demon King sa Demon World."
Hindi ko matingnan ng maayos ang taong pinatay niya. Kawawa naman iyon namatay na walang kalaban laban. Ano nga ba ang laban namin sa isang kagaya niyang demon?
"Kung isa kang Demon King... ano ang ginagawa mo sa mundo ng mga tao?" Naglakas loob akong tanungin siya kahit natatakot ako.
"Pinatalsik ako sa kaharian dahil nalaman nilang humihina na ang aking kapangyarihan. Ngayon ay may nagong hari na sa Demon World."
"Ganoon pala ay hindi ka na hari ngayon. May ibang hari na sa mundo niyo."
"You have guts to insult me, human."
"Ano? Hindi kita iniinsulto. Nagsasabi lang ako ng totoo. Okay, ganito na lang. Ano ang kailangan mong gawin para bumalik ang iyong kapangyarihan?"
"To make someone to marry me. Pero hindi ganoon kadali iyon dahil kailangan namin maghanap ng isang mortal para maging asawa namin at makuha ang kailangan namin..."
"Ang kaluluwa namin?"
"Yes."
"Okay, may naisip ako. Kung gusto mo talaga makuha ang kaluluwa ko ay may kondisyon rin ako sayo."
"Ano iyon?"
"Una, mamuhay kang kasama ko. Pangalawa, bawal kang pumatay ng tao. Pangatlo, kaya mo bang mag-transform bilang tao? Para hindi malaman ng ibang tao na isa kang demon."
"Bawal ako pumatay ng kauri mo? Gusto mo bang ako ang mamatay?!" He hissed.
"Hep. Kung gusto mo talaga makuha ang kaluluwa ko ay gawin mo ang tatlong kondisyon ko. Simple lang naman iyon."
"We're not going to marry?"
"Hindi na, no! Ano pang silbe na magpakasal ako kung mamatay rin naman ako." Tumingin ulit ako sa bangkay nasa likuran niya. "May magagawa ka ba diyan?"
Nagulat ako noong nag-snap siya ng fingers at biglang nawala yung katawan ng bangkay.
"Okay. Deal. Gagawin ko lang ang lahat basta makuha ko ang kaluluwa mo."
"Doon na tayo sa bahay ko." Hinawakan ko na ang kamay niya para hilahin siya papunta sa bahay.
Habang naglalakad ay may liwanag kaya napalingon ako sa kanya. Nag-transform pala siya kanina bilang tao. Kahit pa paano ay gwapo rin pala siya.
Ano ba itong iniisip ko? Hindi ako pwedeng magkakagusto sa isang demon at mamatay rin naman ako.
Pagdating namin sa bahay ay binitawan ko na ang braso niya.
"Dito ako nakatira at magisa lang ako kaya isa lang ang kwarto rito. Kaya kung ayos lang ba sayo na diyan ka sa sofa matulog." Tinuro ko ang sofa. Luma na kasi ang mga kagamitan rito at mas lalong wala akong tv. Kaya wala akong alam kung ano nangyayari sa mundo.
"Ang isang Demon King na gaya ko ay diyan mo papatulugin?! Pinagbawalan mo na nga ako kumain ng lamang loob ng tao tapos diyan ako matutulog! Ako ba pinagloloko, human?"
"Mukha ako nakikipag lokohan sayo? Wala akong panahon para diyan." Napaisip ako wala nga pala siyang pangalan. Hindi ko naman pwedeng tawagin siyang Demon King. "Chrono na itatawag ko sayo."
"Chrono? Hindi Chrono ang pangalan ko."
"Simula ngayon ay iyon na ang pangalan mo at simula rin ngayon ay sumunod ka sa lahat na iiutos ko sayo. Wala ka sa mundo niyo para mag hari-harian. Nandito ka sa mundo namin."
"Tsk. Fine." Umupo na siya sa lumang sofa. "At bago ko makalimutang sabihin sayo, human. Hindi ako nag hari-harian sa Demon World. Totoong hari ako."
"Yeah, yeah. Isa ka ngang Demon King na pinatalsik dahil humina na ang kapangyarihan kaya ka nandito ngayon sa Human World dahil kailangan mo maghanap ng babaeng mortal para maging asawa mo at kunin sa kanya ang kaluluwa niya pero ako naman ang malas ko dahil naibenta ko ang kaluluwa ko sa isang kagaya mo. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, eh. Pwede naman kita hayaan na mamatay diyan. Wala akong pakialam."
"You really have guts to say that, human." Ingat niya ang mukha ko. Ang seryoso ng mukha ni Chrono. Kung seryoso siya ay seryoso rin ako siyempre. Ano siya sinuswerte.
"Matulog ka na dahil maaga pa tayo bukas. Kailangan mo kong tulungan sa paghahanap ng halamang gamot sa kagubatan bukas."
"Ano ang gagawin mo sa mga halamang gamot?"
"Kailangan ko ibenta sa city ang mga nagawa kong herbal. Kailangan ko rin kumita para may makain ako araw-araw. Pero minsan lang ako pumupunta doon kung kailangan nila ng mga herbals."
"Bakit hindi ka pala tumira kasama ng ibang tao?"
"Ayaw ko doon. Masyadong maingay at polluted ang paligid. Hindi katulad rito ay tahimik at nakakarelax."
"Hindi ko talaga maintindihan kayo mga tao. Lahat kayo mga weird." Kumunot ang noo ko sa kanya. Tinawag pa talaga kaming weird. "Huwag mo sana kalimutan na hindi kami natutulog kaya ikaw ang matulog at babantayan na lang kita dito."
"Gagawin mo iyon?"
"Hindi ko naman hahayaan na mamatay ka. Hindi ko makukuha ang kaluluwa mo."
Tsk. Sabi ko nga para kaluluwa ko kaya niya gagawin iyon. Bakit ka ba umaasa na handa siyang protektahan ka? Hindi kayo bagay. Isa siyang demon na walang puso.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Demon
RomancePrevious Title: Sold My Soul She is Christine Salvador, isa siyang ordinaryong tao na nakatira sa isang kagubatan dahil ayaw niya ng magulo, maingay at polluted na lugar. Isa siyang kilalang herbalist na nagbebenta ng halamang gamot. Until she met a...