Lumayo na ako kay Chrono pagkapanganak na pagkapanganak ko. Hindi ko nga nalaman kung ano ang gender ng anak ko dahil umalis ako agad sa bahay na iyon. Wala ako sa syudad dahil sa isang isla ako ngayon nakatira para hindi ako mahanap ni Chrono. Kilala ko ang nilalang iyon, no. Kahit pinayagan niya akong umalis na sa puder niya sinusundan niya pa rin ako.
Apat na taon ang lumipas ay bumalik ako sa pagaaral. Ngayon isa na akong ganap na baker. Hindi na rin kasi bumalik sa pagiging herbalist ko dahil mahirap makahanap ng halamang gamot dito sa isla.
"Welcome." Bati ko doon sa pumasok. Isang bata ang pumasok sa loob ng pastry store ko. Ngumiti ako doon sa bata dahil naalala ko sa kanya ang anak ko kahit hindi ko siya nakita pa. Siguro kasing edad lang ng batang ito ang anak ko ngayon.
"Wait, Caitlyn. Huwag ka basta-basta umaalis sa tabi dahil alam mo namang ayaw ko sa sinag ng araw." Natigilan ako sa paglagay ng egg pie sa shelf noong marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.
Paano niya ako nahanap dito? Baka nagkakamali lang ako ng iniisip. Dinadayo talaga ang isla na ito kaya dito ko nga naisipang magtayo ng negosyo.
"Gusto ko ng cake, papa." Sabi noong bata. Kung nandito siya at ibig sabihin ay ang batang kasama niya ngayon ay ang anak namin.
"Okay. Ano ang gusto mong cake? Pili ka lang."
"Hmm..." Tinitingnan ko yung bata habang pumipili siya ng gusto niyang cake.
"Gusto mo bang matikman ang triple chocolate cake?" Suggest ko doon sa bata habang nakangiti.
"Sige po!" Binaling niya ang tingin sa papa niya. "Papa, iyon na lang ang bilihin niyo sa akin."
"Okay. Miss, isa slice nga ng–" Nagulat siya pagkakita niya sa akin. Hindi ba niya inaasahan na dito ako makikita? At hindi ba niya naramdaman ang presensya ko? Damn. Huwag ko na nga isipin ang ganoong bagay. Bigla na rin siya tumikhim. "Isang slice ng triple chocolate cake."
"P 55 lahat, sir." Sabi ko at binayaran na niya yung cake slice. "I-seserve ko na lang yung cake."
Bakit ganoon? Mas lalo ko siyang namiss. Akala ko ay magagawa kong kalimutan siya pero hindi pala. Simulang nagwala siya noon at bumalik sa Demon World ay hindi na siya bumalik dito. Bumalik lang siya noong nanganak na ako para makita niya ang bata. Ni hindi niya ako kinausap. Galit siya sa akin.
Sakto ang paglabas ng business partner ko na si Jerry. Naging kaklase ko siya at naging close ko rin siya kaya naisipan namin magtayo ng negosyo pagkatapos namin sa pagaaral mamin. Wala siyang alam na isa akong demon. Sa pagkakataon ay baka layuan niya ako sa takot.
"Jerry, ikaw na ang mag serve ng order na ito sa table # 7. Magpapahangin na muna ako sa labas." Inabot ko na sa kanya yung tray na may nakalagay na triple chocolate cake.
"Sige." Sagot niya sa akin.
Sa back door na ako lumabas at sinandal ko ang likuran ko sa pader. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. Masaya na ako pero bigla naman siya nagparamdam ngayon. Kainis lang.
"Pwede ba tayo magusap na dalawa?" Hindi na ako nagulat sa biglang pagsulpot niya sa gilid ko. Sanay na rin siguro.
"Wala na tayo pagusapan pa. Matagal ng tapos kung ano man ang pagitan sa ating dalawa." Sagot ko na hindi nakatingin sa kanya. "Bumalik ka na sa loob at baka hanapin ka pa ng anak mo."
"Ayaw mo ba siya makilala? Anak mo rin naman si Caitlyn, Chris."
"Wala akong anak." Magalit na kayo sa akin pero kailangan kong itaboy kung ano man ang pwedeng maging ugnayan sa aming dalawa.
"Hanggang pa ba matigas pa rin ang ulo mo. Mas pinapairal mo talaga ang pagiging matigas ang ulo."
"Oo, mas pinapairal ko ang pagiging matigas ang ulo dahil matagal ko ng pinutol ang ugnayan nating dalawa. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niyo rito sa isla kaya pagkatapos nito ay kalimutan mo na lang na nagkita tayo ngayon. Kakalimutan ko rin ang nangyari."
"Makasarili ka na ngayon. Hindi na ikaw ang kilala kong Chris."
"Aba, makapag salita parang hindi siya makasarili ah."
"Oo, inaamin kong nakasarili nga ako noon bago kita makilala pero paano kung sabihin ko sayo na papatayin ko ang lahat na tao na mahalaga sayo para lang bumalik ka sa akin?"
"Subukan mo lang patayin sila at magagalit ako sayo!" Pinigilan ko ang luha ko para hindi iyon bumagsak. Ayaw kong umiyak sa harapan niya. "Umalis ka na. Ayaw na kitang makita pa."
Nagulat ako sa pagsampal sa akin ni Chrono. Ngayon pa lang niya ako sinampal kahit hindi ito ang unang beses na sinaktan niya ako. Tuluyan na bumagsak ang luha ko kahit ayaw kong makita niya akong umiyak. Hindi ako umiyak dahil masakit ang sampal niya. Umiyak ako dahil nasasaktan na ako sa nangyayari.
"Nagsisi akong pinuntahan kita dito para kausapin!" Iyon ang sinasabi ng isipan niya bago pa niya ako tuluyang iiwan dito na magisa.
Sobrang sakit. Shit.
"Chris?" Agad kong pinunasan ang luha ko noong marinig ko ang boses ni Jerry. "Ayos ka lang?"
"Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon, Jerry."
"Bakit? Yung kausap mo ba kanina ay yung sinasabi mo sa aking mahal mo? Hindi mo naman sinabi sa akin na gwapo pala pero mukhang may anak na." Sabi nito. Hindi ko nasabing isang bakla itong si Jerry? Yes, he's gay.
"Wala akong sinabi sayo noon na mahal ko siya. Pero siya lang yung ama ng anak ko."
"Na iniwan mo para sa freedom mo." Tumango ako sa kaibigan. "Pero mahal mo ba siya? Umamin ka sa akin. Hindi ka iiyak ng ganyan kung hindi mo siya mahal."
"Hindi ko alam. Galit siya sa akin. Malaki ang kasalanan na ginawa ko sa kanya. Sinasaktan ko siya noon kaya mas mabuti ng lumayo ako sa kanila dahil ayaw ko rin masaktan ang anak namin kapag nalaman niya na ako ang ina niya."
"Naku, girl. Kung hindi lang kita kaibigan ay kanina pa kita sinabunutan. Wala naman mawawala sayo kung umamin ka sa kanya kung ano ang nararamdaman mo."
Ni hindi ko nga alam kung saan sila tumutuloy ngayon. Saan ko sila hahanapin? Maliban na lang sa bahay niya sa gitna ng kagubatan. Doon lang ang alam ko na pwede ko siyang kausapin.
"Tama ka." Humarap ako kay Jerry at hinawakan ang kamay niya. "Pwede bang ikaw na muna ang bahala rito sa store?"
"Oo naman. Go, girl! Go! Nandito ako para suportahan ka."
"Salamat." Niyakap ko si Jerry dahil nagpapasalamat ako na naging kaibigan ko siya.
Ngayon ay kailangan kong kausapin si Chrono.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Demon
RomancePrevious Title: Sold My Soul She is Christine Salvador, isa siyang ordinaryong tao na nakatira sa isang kagubatan dahil ayaw niya ng magulo, maingay at polluted na lugar. Isa siyang kilalang herbalist na nagbebenta ng halamang gamot. Until she met a...