16

561 18 0
                                    

Chris' POV

Naiinis ako kay Chrono dahil panigurado akong nabasa niya kung ano ang iniisip ko kaya siya tumawa at sigurado na rin akong alam na niyang mahal ko na siya. Kaso ang sabi niya sa akin ay hindi niya ako uunahan pero para sa akin lang ano pa ang saysay kung alam na niya. Ugh. Ang hirap magkaroon ng boyfriend na kaya magbasa ng isipan ng iba. Pero boyfriend ko na ba si Chrono? Hindi naman siya nangliligaw sa akin. Hindi yata iyon uso sa mundo nila.

"Ang lalim ng iniisip mo ngayon ah." Tumingin ako kay Jerry. Nandito ulit ako sa isla para kausapin siya. "Share naman. Dahil ba kay papa Chrono kaya ka ganyan? Inamin mo na ba sa kanya?"

"Alam na niya."

"Ano sabi niya, girl?"

Ano nga ba sinabi ni Chrono? Wala naman dahil wala pa naman akong sinasabi sa kanya na mahal ko siya. Pero siyempre hindi ko iyon sasabihin kay Jerry.

"Ano ba ang inaasahan mong–" Napahinto ako noong may pumasok sa store namin pero laking gulat ko noong makita ko ang mag-ama ko.

"Hindi mo naman sinabi sa akin kasama mo rin pala sila dito sa isla." Bulong ni Jerry. Hindi ko nga alam nandito sila ngayon.

Kailangan sumakay pa ng eroplano para lang makapunta rito sa isla. Dahil nga hindi tao itong si Chrono kaya siguradong lumipad lang si papunta rito.

"Ano ang ginagawa niyo rito?" Tanong ko kay Chrono.

"Gusto kumain ni Caitlyn ng cake. Sinabi ko sa city na lang kami maghahanap ng bilihan ng cake pero ayaw niya. Gusto pa niya dito."

"Sorry, Cate. Naubos kanina yung triple chocolate cake. Pero subukan mo itong cake." Pumunta na ako sa loob para kunin yung whole cake at hiniwa ko ang buong cake. Bumalik na ako na may dalang slice ng cake at nilapag ko na sa mesa.

"Ano ito, mama?"

"Chocolate mousse. At yan ang paborito kong cake." Ngumiti ako dahil nakikita ko ang sarili ko kay Caitlyn noong kasing edad pa lang niya ako. Kung gaano ako kahilig kumain ng cake.

Naalala ko pa noon tuwing 15th day ng buwan ay may inuuwing cake si dad para sa akin. Kaya madalas rin siya pinapagalitan ni mama dahil inuuwian ako ng cake buwan-buwan.

"Chris." Tumingin ako kay Chrono. "Sinabi mo na ba sa kaibigan mo kung ano ang plano mo kaya nandito ka ngayon?"

Aba! Hindi siya nagseselos kay Jerry. O baka naman alam na ni Chrono na isang binabae si Jerry pero wala nakakaalam na isang bakla ang kaibigan ko. Hindi kasi pwede malaman ng pamilya niya. Nalaman ko lang noong nakita ko siya sa school namin na may kasamang lalaki habang naka holding hands pa sila at inamin niya sa akin may pusong babae siya.

"Hindi pa. Ang dami kasi naming customers kanina kaya hindi ko agad nasabi sa kanya." Tumango sa akin si Chrono.

"Little girl, heto tubig para hindi sumakit lamunan mo." Inabutan ni Jerry ng isang baso ng tubig si Caitlyn.

"Thank you po."

"Jerry, pwede ba tayo magusap?"

"Oo naman. Doon tayo sa loob magusap."

Pumunta na kami ni Jerry sa kusina para magusap.

"Gusto ko sana sabihin sayo na hindi na ako makakabalik rito sa isla kasi gusto kong bumawi sa mag-ama ko. Kaya kung ayaw lang ba sayo–"

"Kung ayos lang sa akin na ako na ang bahala sa shop?" Tumango ako sa kaibigan. "Oo naman. Huwag ka magaalala magiging maayos pa rin ang shop kahit wala ka na rito. Hindi mawawalan ng customers kahit yung mga regular customers natin."

"Salamat, Jerry. The best ka talagang kaibigan." Niyakap ko siya pero ako na rin ang naghiwalay. "At ang balak ko sana magtayo rin ng store malapit lang sa amin."

"Basta i-hanap mo ko ng papa ah." Natawa ako sa kahilingan ng kaibigan.

"Kung may makilala ako. Pero ito lang sasabihin ko sayo masyadong seloso si Chrono baka isipin niyang aagawin ako kapag may nakilala ako doon."

"Sabihin mo para sa akin yung papa."

"Sige. Susubukan kong maghanap ng gwapo sayo."

"Thankies, Chris."

Naghiwalay na kasi sila ng dati niyang nobyo kaya naghahanap na siya ng bago. Hindi kasi tanggap si Jerry ng mga magulang ng dati niyang boyfriend kaya naghiwalay na lang sila.

"Sige, babalikan ko na ang mag-ama ko." Tumango na sa akin si Jerry.

Bumalik na ako sa mag-ama ko at mukhang tapos na si Caitlyn kumain ng cake.

"Let's go?" Tanong ni Chrono na kinatango ko.

Palabas na kami ng store noong may isang babae ang dumating. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya pero hindi ko maalala kung saan.

"Dio..." Alam niya ang real name ni Chrono. Ibig sabihin isa rin siyang demon. Binaling niya ang tingin sa akin na may ngisi sa mga labi nito.

"Myra..." Namilog ang mga mata ko noong banggitin ni Chrono ang pangalan noong babae. Siya yung fiancee ni Chrono na dapat papakasal niya noon. "Ano ang ginagawa mo rito sa mundo ng mga tao? Hindi sinabi ko na sa inyong lahat na bawal kayo pumunta rito para mang gulo."

"Hindi ako naparito para mang gulo, Dio." Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin. Para bang may binabalak siyang masama sa akin.

"At huwag mo ko tatawagin sa pangalan na yan dahil hindi Dio ang pangalan ko. Kundi Chrono."

"Totoo nga ang sabi nila Lucifer. Ayaw mo na nga tinatawag sa tunay mong pangalan."

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Chrono kung bakit ayaw niya sa tunay niyang pangalan. At yung binigay ko sa kanya ang ginagamit niya.

Nilagpasan na niya kami dahil pumasok na siya sa loob ng store. Hindi ko alam may demons rin pala dumadayo rito sa store. Akala ko sila Chrono lang ang dumadayo para puntahan ako pero may iba pa.

"Bakit ba ayaw mo ginagamit ang tunay mong pangalan?" Tanong ko sa kanya.

"No reason." Nakatingin lang ako sa kanya. Mukhang napansin niyang nakatingin ako sa kanya. "Totoong wala akong dahilan kung ayaw ko gamitin ang Dio. Mas gusto ko lang talaga ang Chrono."

"Dahil ako ang nagbigay sayo na Chrono?" Tumango siya sa akin. "Paano kung hindi ako ang una mong nakita? Papayag ka rin ba may magpapangalan sayo ng ibang tao?"

"Depende. Baka hindi. Ewan ko."

Dealing With The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon