Wala akong kaalam alam dahil nasurpresa ako noong gabing iyon ay ikakasal na ako. Wala kahit ano sinasabi sa akin si Chrono kung kailan ang kasal namin. Basta surprise na lang siya. Mas kinagulat ko nga noong inimbitahan niya si Jerry sa kasal namin at sinabi sa akin ng kaibigan ko na sinabi sa kanya ni Chrono ang sikreto namin. Tanggap naman ako ni Jerry kung ano pa ako dahil wala naman akong intensyon para saktan na kahit sino. Dati rin akong tao bago ako naging demon. That's why I'm going to protect them kahit wala ako masyadong kapangyarihan hindi katulad ni Chrono.
Ngayon ay ika-100 years na kaming kasal ni Chrono at may limang anak. Tama nga ang palagi niyang sinasabi na gender sa quadruplets. 2 boys and 2 girls nga. Tumama rin siya. Kaya yung nalaman niya ay tuwang tuwa dahil tumama ang pakiramdam niya.
Ang pangalan ng quadruplets ay Celine, Colin, Calvin at Calista. Siyampre hindi mawawala ang panganay namin na si Caitlyn. Kakatapos pa lang ng ika-104th birthday pero wala pa siyang asawa. Wala yatang balak magpakasal si Caitlyn.
Speaking of kasal ay palagi ko pinagsasabihan si Chrono na hayaan na lang ang mga anak namin kung sino ang gusto nila pakasalan. As long as tatanggapin sila kung ano pa silang lima at siyempre yung mamahalin rin sila.
Yung quadruplets kahit 100 years old na ay ayaw pa rin tumigil sa pagaaral. Ilang paaralan na nga ang nilipatan nilang apat para tuloy-tuloy ang pagaaral nila. Pagkagraduate nila sa isa ay sa susunod na pasukan lilipat na naman.
"Bakit ka nakabusangot diyan?" Tanong ko sa asawa ko. Kahit fossils na siya sa mundo ng mga tao ay ang gwapo pa rin niya. Hindi kasi tumatanda ang itsura niya.
"Gusto ko pa ng anak." Sagot niya sa akin.
"Tumigil ka. Siguro naman naalala mo pa yung sinabi mo kapag hindi ka pa tumama sa pakiramdam mo sa magiging anak natin ay susundan pa natin yung quadruplets pero tumama ka sa gender nila. 2 boys and 2 girls."
"Wala na kasing makukulit na tumatakbo at maingay rito sa bahay." Tumingin ako kay Chrono. He's right. Halos tahimik na nga ng bahay namin kapag wala yung mya anak namin. Busy kasi si Caitlyn sa pastry store. Siya na kasi ang nagaalaga ng store. "Ang sabi mo kasi hayaan na natin sila pero hanggang ngayon ay wala pa silang asawa."
"Aba! Excited ka na ba magkaroon ng apo ah? Sabagay tutuusin nga sa edad mo ngayon ay dapat fossils ka na."
"Hey. Hindi pa ako fossils. Kapag nasa Demon World tayo ay mas bata ako doon kumpara dito."
"Pero wala ka sa Demon World. Nandito ka sa Human World, Chrono."
"Hmph!" Inirapan ako. Ang gay niya ah. "Nagsalita. Paalala ko lang sana sayo, Chris kung hindi dahil sa akin ay wala ka na sana ngayon sa mundo. Matagal ka ng patay ngayon at hindi ka aabot ng ganitong katagal."
"So, gusto mo bang pasalamatan kita dahil ginawa mo kong demon?"
"Mama! Papa!" Rinig ko ang boses ng isa sa mga lalaki namin. I don't know dahil halos parehas ng boses sina Colin at Calvin.
"Bakit, Calvin? May kailangan ka sa amin?" Tanong ni Chrono. Alam talaga niya kung sino sa mga anak niya ang tumatawag sa amin. Hindi man lang sinabi sa akin.
"I met someone at school. She's really pretty but I'm afraid to tell her how I feel."
Napatingin kami ni Chrono sa isa't isa bago pa niya binaling ang tingin sa anak namin.
"I-hypnotize mo. You know how to hypnotize someone, son." Pinalo ko ang braso ni Chrono na kinalingon niya.
"Kung anu-ano ang tinuturo mo sa anak mo. Akala ko ba gusto mo magkaroon ng makukulit rito? Kung gagawin iyan ni Calvin ay pwede hindi mag-work ang marriage life nila."
"Ma, future agad ang sinasabi niyo. Wala pa nga kami."
"Sorry, son. Ito ang gawin mo... makipag kaibigan ka na muna sa kanya. Kilalanin mo."
"Kung may karibal ka sa kanya ay sakalin mo yung lalaki." Mas nilakasan ko ang hampas sa braso ng katabi ko. Kung anu-ano talaga ang sinasabi nito.
"Tumahimik ka na nga lang diyan!" Nang gigil ako sa asawa ko. Grabe! Siya kaya ang sakalin ko. Kahit mas malakas siya sa akin.
"Okay..." Tumikom na ang bibig ni Chrono.
"Ma, sa tingin niyo po ba na tatanggapin niya ako kahit hindi ako normal na tao?"
"Kung mahal ka niya talaga ay tatanggapin ka niya kung ano ka pa, Vin. Gaya ng papa mo... minahal niya ako kahit isa pa akong tao noon. Kahit may mahal akong iba bago ko nakilala ang papa mo."
Simula noon ay hindi ko na nakita pang muli si Fred. Ni minsan ay hindi ko na siya nakikita pang muli kapag pumupunta ako ng city bago dumeretso sa store.
"Kung tinanggap ka niya ay huwag mo na pakawalan ah. Pakasalan mo agad dahil ang papa niyo ay gusto ng magkaroon ng makulit at maingay rito sa bahay."
"Si mama talaga. Pero salamat po." Tumakbo palabas ng bahay si Calvin.
"Ako pa talaga ang tinuro mo na gusto ko ng makukulit at maingay rito sa bahay."
"Bakit? Iyon naman talaga ang–"
Speaking of maingay ay may nararamdaman akong familiar na presensya. Nandito sina Lucifer at Eleanor.
"Hindi ba gusto mo ng maingay? Ayan, bumisita si Lucifer at Eleanor sa atin."
"Hindi naman yan ang klase ng ingay ang gusto ko. Hindi yung nagpapainit ng ulo ko sa kaingayan ng dalawa."
"Hello!" Bati ni Lucifer sa amin.
"Bakit na naman kayo nandito ngayon?"
"May message kami galing kay Marquis." Sagot ni Eleanor.
"Ano ang kailangan niya? Huwag mong sabihin humihina na ang kapangyarihan niya at kaya kayo nanditong dalawa dahil kukumbinsehin niyo na naman ako maging Demon King. Wala akong interest pumalit sa kanya."
"Hindi iyon ang message ni Marquis. Pero pinapupunta ka sa Demon World ngayon dahil may party na gaganapin at isama mo rin ang pamilya mo kung may balak kang pumunta. Kung wala, eh di wala."
"Hindi kami–"
"Sige, aasahan mong pupunta kaming lahat sa Demon World." Singit ko na kinalingon ni Chrono sa akin.
"Chris, ayaw ko bumalik sa Demon World."
"Bakit? Minsan lang magkaroon ng party sa mundo niyo." Nilapit ko ang mukha ko sa tenga ni Chrono. "Kung papayag kang pupunta tayo sa Demon World ay papayag ako sa lahat na kagustuhan mo."
"Talaga? Kahit ano?" Tumango ako sa kanya. Gusto ko rin bumalik sa Demon World dahil isang beses pa lang ako nakapunta doon at hindi na nasundan pa. "Okay, pupunta kami doon mamaya."
Ang bilis mapapayag mg asawa ko. Sobrang manyak na demon talaga ni Chrono.
At dito na nagtatapos ang kwento namin.
_____THE END_____
~~~~
Next story ko ay Gamer Addict. One of Gamer series pero bago ko simula ang new story ko ay mawawala na muna ako ng ilang araw. :)
BINABASA MO ANG
Dealing With The Demon
RomancePrevious Title: Sold My Soul She is Christine Salvador, isa siyang ordinaryong tao na nakatira sa isang kagubatan dahil ayaw niya ng magulo, maingay at polluted na lugar. Isa siyang kilalang herbalist na nagbebenta ng halamang gamot. Until she met a...