9

501 13 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at umabot na yata ng buwan pero hindi ko pa nakikita si Chrono. Wala naman iyon pupuntahan na iba dito sa mundo namin. O baka bumalik siya sa mundo nila. Hindi imposible iyon.

"Hoy!" Lumingon si Lucifer sa akin. Siya, si Tony at ang mga maids lang ang kasama ko rito. "Sabihin mo nga sa akin kung nasaan si Chrono ngayon."

"Hindi ba niya sinabi sayo kung saan siya pupunta?"

"Kakausapin ba kita kung may alam ako? Sabihin mo sa akin. Ilang buwan ko na siya hindi nagpakita sa akin. Hindi naman ganito si Chrono."

"Nasa Demon World siya ngayon at mukhang–"

"Samahan mo ko papunta doon."

"Huh? Alam mo namang bawal ka pumunta sa mundo namin. Kapag nalaman ng ibang demons na may tao ang nakapasok sa mundo namin ay mapapahamak ka lang."

"Wala akong pakialam kahit ikamatay ko pa kapag malaman ng ibang demons na pumunta ako sa mundo niyo. Gusto ko lang makita si Chrono."

"My lady, hindi kayo pwede pumunta sa Demon World dahil binilin kayo ni lord Chrono sa akin." Sabi ni Tony na biglang sulpol sa likuran ko. Sanay na rin ako sa bigla bigla nilang pagsulpot na parang kabute lang.

"Wala nga akong pakialam! Gusto kong makita si Chrono."

"Ako na ang bahala sa kanya pag nandoon na kami sa Demon World, Tony."

"Pero lord Lucifer. Ako ang mapapagalitan ni lord Chrono kapag nalaman niya na may mangyaring masama kay lady Christine."

"Ako na ang bahala kay Chrono pag magkita kami mamaya." Tumingin sa akin si Lucifer. "Huwag ka magbibigla kung ano man ang makikita mo mamaya sa Demon World."

"Bakit?"

"Mas mabuti pang ikaw na lang ang magtuklas kung ano man iyon." May alam sila na hindi sinasabi sa akin. Talagang aalamin ko kung ano yun.

Binuksan na ni Lucifer ang isang portal papunta sa mundo nila. Binuhat na niya ako at doon naman lumabas ang pakpak niya bago pa kami pumasok sa portal.

Ang dilim ng kapaligiran ng Demon World kumpara sa mundo namin.

"Ito lang ang sasabihin ko sayo, Chris hindi ka pwedeng lumayo sa akin dahil mapapahamak ka lang kapag nalaman ng iba na may tao nakapasok rito." Sabi niya habang lumilipad.

"Oo na. Gusto ko lang makita si Chrono."

May nakita na ako parang palasyo. Doon siguro nakatira ang mga demons gaya ni Chrono. Bumaba na si Lucifer pagkarating namin doon.

"Nandito na tayo pero hindi ko alam kung nasaan si Chrono ngayon."

"Lu.ci.fer..." Biglang kinalibutan ang demon nito at may isang babaeng demon ang kumapit sa braso niya. "Bakit may tao nakapasok dito? Huwag mong sabihin sa akin habang nasa mundo ka ng mga tao ay may naging babae ka doon."

Wala akong oras para makinig sa pinaguusapan nilang dalawa. Kailangan kong mahanap agad si Chrono. Wala naman akong pakialam kung malaman pa ng ibang demons na may tao nakapasok sa mundo nila. Ang importante ay makita ko si Chrono at makausap rin siya.

Habang naglalakad ako ay nagtatago ako sa tuwing may nakikita akong demon guards. Kailangan hindi ako makita ng mga ito. Hindi ako pwedeng mahuli hanggat hindi ko pa nakikita si Chrono.

Nakita ko na si Chrono na may kasamang babaeng demon pero mas kinagulat ko noong hinalikan noong babaeng demon si Chrono. Ano ang ibig sabihin nito? May iba na pala siya dito tapos sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Bullshit. Sobrang sa akin dahil nakakaramdam ako ng kirot sa puso at biglang pumatak ang luha ko.

Agad ako tumakbo at mabuti na lang nakita ko sila Lucifer kaya lumapit ako sa kanila.

"Saan ka galing? Hindi ba ang sabi ko sayo huwag ka lalayo sa akin. Lagot pa ako kay–"

"Gusto ko na bumalik." Walang gana kong sagot kay Lucifer.

"Hindi mo na ba hahanapin si Chrono?"

"Hindi importante iyon. Nagaaksaya lang pala ako ng oras dito para mahanap siya."

"Sasama ako sa inyo pagpunta sa kabilang mundo. Baka may ibang babae ka doon."

"Wala nga akong babae doon."

Pagbalik namin sa Human World ay umupo ako agad sa sofa at niyayakap ko ang tuhod ko. Tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko.

"Samahan mo muna si Christine dito, Eleanor."

"Saan ka naman pupunta ah?"

"Babalik sa mundo natin."

"Sige, sige. Ako na muna ang bahala dito."

Hindi ko alam kung umalis na ba si Lucifer o hindi pa. Wala akong pakialam. Gusto kong bumalik sa normal ang buhay ko. Hindi ko sila kilala. Nagsisi ako na nakilala ko silang lahat. Tahimik na ang buhay ko kahit wala akong maalala tungkol sa kanila.

"Ayos ka lang ba?" Tanong noong Eleanor yata ang pangalan.

"Ang sabi niya mahal niya ako pero yun pala ay may ibang babae na pla siya sa mundo niyo."

"Hindi ba niya sinabi sayo na may fiancee na siya?" Mabilis akong umiling sa kanya. "Tinakda sila magpakasal simulang mga bata pa lang silang dalawa. Pero isang ay kinausap niya si Myra para hindi matuloy ang kasal nila. Binigyan siya ni Myra ng isang buwan kung magkaroon siya ng anak dito sa mundo niyo ay hindi matutuloy ang kasal. Kapag wala siya naging anak ay matutuloy ang kasal. Umabot na ng isang buwan pero mukhang wala pa rin siya anak dito. At kalat na rin sa Demon World ang tungkol sayo."

Sa akin pala nakasalalay ang lahat. Hindi ko siya nabibigyan agad ng anak. Pero kahit na, dapat sinabi pa rin niya sa akin ang mga nangyari sa kanya sa kabilang mundo. Ang huling may nangyari sa amin ay yung pinarusahan niya ako. Hindi na naulit yun.

"Mahal mo ba siya?" Tumingin ako kay Eleanor. Mahal ko na ba si Chrono? Hindi ko alam dahil ang iniisip ko lang ay bigyan siya ng anak. "Kung hindi mo siya mahal ay huwag mo na sana siya paasahin pa. Ikaw ang dahilan kung bakit ayaw niyang ituloy ang kasal nila."

"Mahal ba ako ni Chrono? Kung mahal niya ako ay sana sinabi niya sa akin ang tungkol sa pagkaroon niya ng fiancee."

"Chrono pala pangalan niy dito."

"Tinawag ko siyang Chrono dahil hindi ko siya pwedeng tawaging Demon King. Bakit kasi kinalimutan niyo ang pangalan niya."

"Hindi namin nakalimutan ang pangalan niya simula siya ang naging hari sa mundo namin."

"Ano ang pangalan ni Chrono?"

"Dio Verzhehr ang tunay niyang pangalan."

Dio Verzhehr? Ang hirap naman bikasin. Mas okay na ang pinangalan ko sa kanya. Madali pa.

"Pasabi sa kanya kapag bumalik siya rito ay hindi na niya ako makikita pa para wala na siyang dahilan bumalik pa dito." Tumayo na ako at lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni Eleanor.

"Teka, saan ka pupunta?"

"Kung saan ako dadalhin ng mga paa ko."

Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag niya sa akin dahil tuloy lang ako lumabas ng bahay. Hindi ako pwedeng bumalik sa dating bahay ko dahil alam ni Chrono doon ako pwede bumalik kapag wala ako sa bahay niya.

Pagpunta ko sa city ay hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Baka kapag nagkipag kita ako kay Fred ay matakot siya sa nangyari noon sa kanya. Muntik na siya mapatay ni Chrono at alam na rin ni Fred ang sikreto ni Chrono.

Patawid ako sa kabilang kanto pero may kotse ang biglang sumulpot at bumangga ako doon.

Dealing With The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon