Nagising ako ay madilim na sa labas at wala na rin rito si Chrono. Inalis na rin niya yung posas sa akin pero masakit pa rin ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw ng maayos.
Naiiyak ako sa tuwing naalala ko ang nangyari kanina. Kung paano babuyin ni Chrono. Nagkamali ako ng desisyon na ginawa. Sana hindi na lang ako pumayag na bigyan siya ng anak.
Nakaramdam ako ng malakas na hangin at nakita ko si Chrono pumasok galing sa balcony.
"Hindi ka na pala. Nagugutom ka na ba? Uutusan ko na si Tony na ipagluto ka ng gusto mong kainin."
"Huwag na. Wala akong gana kumain." Tumalikod na ako sa kanya at tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko.
"Chris, alam kong–"
"Sana hinayaan mo na lang ako mamatay noon para hindi ako maghihirap ng ganito."
"Hindi ko magagawa yan. Hindi ko pauunahan ang life span mo. At kailangan ko ng anak."
"Kapag maibigay ko na sayo ang gusto mong anak ay patayin mo na ako. Ayaw ko ng ganito."
Masaya pa ang buhay ko noong hindi ko pa nakilala si Chrono. Kung hindi siguro siya tinapon dito ay tahimik pa rin hanggang ngayon ang buhay ko.
"Hindi ko magagawa yan."
"Bakit?! Anong hirap sa pinapagawa ko sayo?!" Kahit wala na akong lakas ay nagawa ko pa ring sumigaw sa kanya. Wala rin naman makakarinig sa amin dahil nasa gitna kami ng kagubatan.
"Sa una ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko patungo sayo pero narealize ko nagkakagusto na ko sayo." Nagulat ako sa pag amin niya sa akin. "Hindi talaga itong nararamdaman ko dahil isa akong demon at isa ka namang tao. Pero sa tingin mo ba papayag akong mawala na lang sa akin basta basta ang lahat na pinaghirapan ko noon para lang makuha ang pagiging hari sa mundo namin? Tinalikuran ko ang lahat dahil gusto kong makasama ka hanggang maubos ang life span mo. Mas pinili kong tumira sa mundo ng mga tao kaysa sa mundo namin. Kahit hindi mo na ako maalala sa susunod na pagkikita natin."
"Kung gusto mo ko, bakit mo ito ginagawa sa akin?"
"Nagagalit ako sa tuwing binabanggit mo ang lalaking iyon." Wala naman akong maalalang binanggit ko sa kanya ang tungkol kay Fred noon. "Babalik na muna ako sa Demon World. Babalik na lang ako kapag gusto mo na ulit ako makita."
Pinigilan ko ang pag alis ni Chrono kahit masakit pa ang buong katawan ko.
"Please, huwag mo ko iiwanan dito."
Hindi ako makapaniwala ang gaya ni Chrono ay magkakagusto sa akin. Isa lamang akong ordinaryong tao.
"Pangako, hindi ko na gagawin ang ginawa ko kanina. Hinding hindi ko na babanggitin ang pangalan niya at susubukan kong mahalin ka rin."
Bigla kong naalala ang tinanong sa akin ni Chrono kahapon.
"Mamahalin mo rin ba ang gaya ko, Chris?"
Kaya ba niya tinanong sa akin iyon kahapon dahil may gusto siya sa akin? Bakit hindi ko agad inisip yun? Ang tanga ko. May ibang nilalang pala ang magkakagusto sa akin.
"Sorry kung hindi ko agad napansin ang nararamdaman mo para sa akin."
"Ayos lang. Kahit hindi mo ko magawang mahalin ay hayaan mo na lang akong mahalin ka." Humarap sa akin si Chrono. Nilagay niya ang kamay niya sa pisngi ko at may liwanag na lumabas. "Huwag kang gumalaw. Gagamutin kita."
Nawala ang pananakit ng katawan ko pagkatapos niyang gamutin ako.
"Huwag mo masyadong gamitin ang kapangyarihan mo baka humina ka na naman. Ayaw kong mawala ka ng tuluyan sa akin."
"Hindi ako mawawala sayo."
Kinabukasan ay maaga pa ako nagigising kaysa kay Chrono. Sabagay, may araw pa kaya hindi pa siya gising ngayon.
"Tony..." Tawag ko sa butler na kasama ni Chrono.
"May gusto kayo ipagawa sa akin, m'lady?"
"May gusto lang ako itanong sayo. Pwede ba ako mamitas ng bulaklak sa garden?"
"Pwede naman. Pero kanino niyo ibibigay ang bulaklak?"
"Kay Chrono. Gusto ko lang bumawi sa kanya sa lahat na kasalanan na ginawa ko kahapon."
"Pero hindi kami pwedeng humawak ng kahit anong halaman dahil kapag hinahawakan namin ay namamatay lang sila."
"Ayos lang. Ako na lang ang pipitas ng bulaklak para kay Chrono."
"Baka masugatan ka. Lagot pa ako kay lord Chrono."
"Ayos lang. Sanay maman akong pumitas ng mga halaman sa kagubatan. Magiingat lang ako." Palabas na sana ako noong may naalala ako. "Ah, muntik ko na makalimutan. Pwede bang ipagluto si Chrono ng makakain niya? Gusto ko rin sana dalhan siya ng pagkain."
"Masusunod, m'lady." Biglang nawala sa harapan ko si Tony.
Pumunta na ako sa garden para pumitas ng bulaklak. Isa lang siguro ang kukunin ko para kay Chrono.
Dinalhan ko na si Chrono ng makakain niya pero ang himbing pa rin ng tulog niya. Nilapag ko na muna yung tray sa bilog na mesa at umupo sa gilid ng kama niya. Hinaplos ko ang pisngi ni Chrono at saka ang labi niya. Naalala ko bigla sa tuwing hinahalikan niya ako. Ang sarap niyang humalik.
Nakawan ko kaya ng halik si Chrono habang tulog siya. Siguro naman hindi niya malalaman na nanakawan ko siya ng halik.
Dinikit ko ang labi ko sa kanya para halikan pero naramdam kong tumugon sa akin si Chrono ng halik. Agad kong lumayo sa kanya.
"Gising ka na pala." Tumayo na ako para kunin yung tray. "Dinalhan kita ng pagkain."
Umayos na siya ng upo sa kama niya at nilagay ko na sa harapan niya ang tray.
"Ikaw ang gumawa nito?"
"Hindi. Inutusan ko si Tony na ipagluto ka ng makakain. Kahit hindi ako sanay na may inuutusan pero kailangan ko rin ang masanay lalo na dito na rin ako titira."
"Pumapayag ka na tumira na kasama ko?" Tumango ako sa kanya.
"Dalawang araw na ako hindi umuuwi sa bahay kaya nagpasya akong tumira na lang dito. Masasanay siguro ako na simula ngayon ang mga kasama ko ay mga demons."
"Bakit may bulaklak rin kasama ko?" Nakatingin siya sa bulaklak na pinitas ko kanina.
"Pinitas ko iyan kanina sa garden. Gusto kong ibigay sayo."
"Hindi mo ba alam kapag hinahawakan namin ang mga halaman ay nalalanta sila." Kinuha niya yung bulaklak at bigla na ngang nalanta. "Kaya kahit minsan ay hindi ako humahawak ng halaman."
"Ayos lang. Gusto ko lamang ay bigyan ka ng bulaklak."
BINABASA MO ANG
Dealing With The Demon
RomancePrevious Title: Sold My Soul She is Christine Salvador, isa siyang ordinaryong tao na nakatira sa isang kagubatan dahil ayaw niya ng magulo, maingay at polluted na lugar. Isa siyang kilalang herbalist na nagbebenta ng halamang gamot. Until she met a...