11

500 16 0
                                    

Chris' POV

Nagising ako sa isang familiar na lugar. Ano ang ginagawa ko rito? Ang pagkaalam ko ay umalis na ako para lumayo na sa kanya dahil ayaw ko na siya makita pang muli at naalala ko ay nasagasaan rin ako ng isang kotse.

Bumangon na ako at saka tiningnan ang buong katawan ko kung may galos ba ako pero wala kahit anong galos. Niligtas na naman niya ang buhay ko? Ayaw ko na magkaroon ng utang na loob sa kanya.

Tumingin ako noong may pumasok sa kwartong ito. Kung sino pa ang ayaw kong makita pero siya pa ang unang makikita ko ngayon.

"Huwag kang lalapit sa akin." Pagpigil ko sa kanya sa paglapit sa akin. Ayaw kong lumapit siya sa akin dahil mawawala sa isip kong demon siya at baka sampalin ko lang siya.

"Ang sabi ni Lucifer sa akin ay buntis ka daw kaya bumalik ako rito at noong nakabalik ako dito ay umalis ka na daw sabi ni Eleanor. Kaya hinanap kita kahit saan para alamin kung totoo ba ang sinabi sa akin ni Lucifer." Ako? Buntis? Hindi ako buntis at kahit kailan ay pinagsisihan ko ang pagpayag na bibigyan ko siya ng anak kung may ibang babae pala siya sa mundo nila. Mas hamak namang malakas kung pure demon ang magiging anak niya. "Pero wala akong naririnig na kahit anong pulso ng bata sa sinapupunan mo kaya nalaman ko agad na hindi nagsasabi si Lucifer ng totoo. Gusto niya lang ako bumalik dito para sayo, Chris."

"Pwede ka ng bumalik sa mundo niyo at magpakasal ka sa fiancee mo. Gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay noong wala ka pa."

"Chris..."

"Huwag ka nga sabi lumapit sa akin."

"Naiintindihan ko kung bakit ka galit sa akin dahil hindi ko sinabi sayo ang tungkol kay Myra. Na tinakda akong ikasal sa kanya pero handa naman akong magpaliwanag sayo."

"Hindi mo na kailangan magpaliwanag sa akin. Ito lang ang gusto kong gawin mo sa akin... ang pakawalan mo na ako."

Hindi siya sumagot. Alam kong hindi siya papayag sa kahilingan ko pero hindi ko siya titigilan hanggat pumayag siyang pakawalan na ako.

"Sige." Namilog ang mga mata ko noong pumayag siya. "Papakawalan kita kung bibigyan mo ko agad ng anak sa loob ng isang buwan."

Isang buwan? Malabo ang gusto niyang mangyari. Pero para sa kalayaan ko ay gagawin ko ang lahat.

"Fine. Kapag binigyan na kita ng anak agad ay huwag na huwag mo na ako guguluhin pa."

"Huwag ka magaalala may isang salita ako, Chris. Hindi ako magbibitaw ng isang salita kung hindi ko gagawin."

"Ayaw ko magkaroon ng utang na loob sayo dahil niligtas mo na naman ang buhay ko."

"Hindi ko niligtas ang buhay mo. Ayaw ko lang mamatay ka at kahit ayaw mo maging demon ay ginawa ko."

Kumurap ako at muli ko tiningnan ang sarili ko.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Kinuha ko na sayo kung ano ang dahilan ko kung bakit ako nandito. Sinabi ko sayo noon na hindi ko na muna kukunin ang kaluluwa mo."

"Hayop ka!" Sinampal ko siya at laking gulat ko noong bumakat ang palad ko sa pisngi niya. Totoo nga. Kung isa pa rin akong tao ngayon ay hindi ganito kalakas ang sampal ko sa gaya niya. "Alam mo naman wala akong balak maging demon!"

"Naalala mo na ang lahat?"

"Oo, naalala ko na ang lahat. Yung mga panahon na nakilala kita hanggang sa pinatay ako ni Lucifer. Kahit burahin mo pa ang alaala ko ay hindi mo mabubura ang sakit dito." Tinuro ko ang bandang kaliwang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kumirot ito noong makita kong may kahalikan na ibang babae si Chrono. Hindi ko naman siya mahal. Kahit kailan hindi ko siya magagawang mahalin. Galit ang nararamdaman ko ngayon, hindi ang pagmamahal.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Chrono sa akin. Hinawakan na niya ang mukha ko at sinunggaban ako ng halik. Bahala siya. Akala siguro niya na sasagutin ko ang halik niya. Wala akong maalala na may tinugon ako sa bawat halik niya. Tinulak niya ako pahiga sa kama. Sa bilis ng pangyayari ay pinunit na naman niya ang suot kong damit. Bwesit siya.

Naglabas ako ng ingay noong pinasok niya sa loob ko ang kahabaan niya. Hindi talaga uso sa lalaking ito na sabihin sa akin na gusto niyang ipasok ang pagkalalaki niya. Bigla-bigla na lang niya pinapasok. Okay sana kung hindi malaki ang kaibigan niya. Inaamin ko malaki ang kanya pero hindi ko sinabi kong malaki ang kaibigan niya ay nakakita ako ng pagkakalaki ng ibang lalaki. Sa kanya ko pa lang nakita ko.

"Ahhh... Ahhh..." Mas lalo pa yata akong nasasarapan sa ginagawa niya sa akin.

Hanggang sa may lumabas sa pagkababae ko na katas at may init na naman akong naramdaman sa loob ko. Bumagsak na siya sa tabi ko pero hindi pa ako pagod at hindi na ako mapapagod simula ngayon.

"Huwag mong bunitin." Sabi ko sa kanya at ako naman ang nasa ibabaw niya habang nasa loob ko pa ang pagkalalaki niya.

Ako na ang gumagalaw sa aming dalawa ngayon dahil kailangan ko ng mabuntis ang anak niya parang makaalis na ako dito.

Tumingin ako kay Chrono na sobrang tahimik niya. Ni wala nga siyang ingay. Huminto na lang ako sa ginagawa ko.

"Bakit ka huminto?"

"Wala ka man lang reaksyon sa nangyayari. Ganyan ba kayo mga demons?"

"Ilang beses na may nangyari sa atin ay hindi mo napapansin na hindi ako gumagawa na kahit anong ingay. Hindi ako tao na sobrang ingay." Kumunot ang noo ko. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. Makapag insulto sa mga tao. Bahala na nga siya diyan. Umalis na ako sa ibabaw niya. Mas lalo ako maiinis sa kanya. "Ano ang ginagawa mo?"

"Nawalan na ako ng gana kaya bahala ka na diyan." Kumuha na ako ng damit ko sa closet. Siya ang bumiili ng mga damit ko at wala naman ako magagawa kaysa wala ako masuot na damit. Wala akong pera para bumili ng bagong damit. Iilan ang ang damit ko noon dahil pagkain ang madalas kong binibili pero lahat iyon ay pinunit ni Chrono.

"Kapag hindi kita mabuntis ay–"

"Mahina ka. Kung hindi ay sana noon pa buntis na ako."

Sana hindi ako masasaktan ngayon at magagawannko rin siguro mahalin siya. Pero hindi, eh. At hindi ko pwedeng ibahin kung ano ang kapalaran ko.

"Lakas talaga ng loob mong insultuhin ako ah."

"Bakit?" Lumingon ako sa kanya sabay ngisi. "Sabihin mo sa akin na mali ako."

"Wala naman akong sinasabing mali ka ng sinasabi." Bumangon na siya ng higa. "Sasabihin ko na kung bakit wala akong reaksyon kahit isang beses dahil binabasa ko kung ano ang iniisip mo. Gusto ko malaman ang lahat."

Bakit nawala sa isipan ko na kaya niya pala magbasa ng isipan. Tsk.

"Tigilan mo ng basahin ang iniisip ko dahil nakakawalan ng privacy ang ginagawa mo."

"Kung hindi ko gagawin ay hindi ko malalaman na gusto mo talagang umalis sa puder ko."

"Pumayag ka na sa kahilingan ko, Chrono. Ay, Dio nga pala ang pangalan mo hindi Chrono."

"Paano mo nalaman kung ano ang tunay kong pangalan? Sinabi ba sayo ni Eleanor o Lucifer?"

"Hindi na importante kung sino nagsabi sa akin. Ang akin lang kung bakit ka nagsinungaling sa akin. Nakaka gago kasi, eh."

"Inaamin ko sayo na nagsinungaling at naglihim ako sayo dahil hindi ko sinabi sayo ang totoo. Kahit wala na sa akin ang pagiging hari ay mas gusto ko pa rin na tinatawag akong Demon King kaysa sa pangalan ko pero noong binigyan mo ko ng pangalan ay mas pinili ko ang Chrono dahil ikaw ang nagbigay sa akin noon." Lumapit sa akin si Chrono na wala kahit anong saplot. "Kahit wala ako katulad ng mga tao na tinatawag niyong puso ay totoo ang pagmamahal ko sayo. Handa akong ibuwis ang buhay ko para lang protektahan ka."

Dealing With The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon