10

494 16 0
                                    

Chrono's POV

Demon World

Nagulat ako sa nakita ko dahil nandito si Lucifer sa Demon World. Ang akala ko yung nararamdaman kong presensya ay isa sa mga demon.

"Ano ang ginagawa mo rito? Dapat nasa mundo ka ng mga tao."

"Nagkita ba kayo ni Christine kanina?"

"Ano ang ibig mong sabihin? Hindi pa kami nagkikita dahil hindi pa ako bumabalik sa mundo ng mga tao ngayon."

"Nandito siya kanina." Nagulat ako sa sinabi ni Lucifer. Pumunta dito si Chris. "Pinipilit niya akong samahan siya papunta dito dahil gusto niyang makita ka. Ilang buwan ka na hindi nagpapakita sa kanya. At bakit hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol kay Myra? Akala ko siya ang mahal mo."

"Oo pero nabigo ako sa pinagusapan namin ni Myra."

"Sino nagsabi sayong nabigo ka?" Napatingin ako kay Lucifer. "Sinabi sa akin ni Christine na buntis siya kaya gusto niyang makita ka para sabihin sayo ang magandang balita."

"Talaga?" Hindi ako makapaniwalang buntis na si Chris. Ibig sabihin magiging magulang na kami.

"Ano pa ang hinihintay mo? Bumalik ka na sa mundo ng mga tao ngayon at hinihintay ka na niya doon." Tumango ako kay Lucifer at sumilip sa labas ng silid ko. Tinitingnan ko na muna kung walang bantay.

Noong nakabalik na ako sa mundo ng mga tao ay si Eleanor ang una kong nakita.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Sumama ako kila Lucifer na pumunta rito pero bumalik siya sa Demon World para kausapin ka."

"Wala na akong oras. Gusto ko ng makita si Chris. Nasa itaas ba siya ngayon?"

"Wala na siya." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Eleanor.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Umalis na siya dahil ayaw na niya makita ka. Ang huling sabi niya sa akin bago pa siya umalis ay kalimutan mo na ang tungkol sa kanya dahil kakalimutan ka na rin niya, Dio."

"Hindi totoo iyan. At huwag mo na ako tatawagin sa pangalan na iyan dahil Chrono ang pangalan ko!" Tumakbo ako palabas ng bahay para hanapin si Chris. Hindi pa siya nakakalayo.

Nagsinungaling ako kay Chris na nakalimutan na namin mga demons ang pangalan ko simulang naging Demon King ako. Ang totoo niyan ay gusto kong tinatawag akong Demon King kaysa sa pangalan ko. Pero noong binigyan ako ng pangalan ni Chris ay mas pinili ko ang binigay niya sa akin.

Kung saan-saan na ako nakakapunta. Kahit sa city ay pinuntahan ko na rin baka doon siya pumunta. Hanggang sa nakaramdam ako ng familiar na presensya. Hindi ako pwede magkamali kay Chris yun. Agad kong pinuntahan ang presensya na yun at nakita ko si Chris na duguan.

"Ano nangyari?" Bumaba ako sa bubong kung saan ilalagay si Chris. Kailangan ko siya makuha.

Noong huminto ang sasakyan sa isang building na may nakalagay na hospital ay bumaba na rin ang mga taong sakay doon at binaba na rin nila ang walang malay na si Chris.

Kailangan kong sumunod kay Chris na hindi malalaman ng mga tao ang tungkol sa kanya.

Ginamitan ko ng pampatulog ang mga taong dumadaan bago pa ako bumaba. Pumasok na rin ako doon sa hospital para hanapin si Chris.

May nararamdaman akong iba't ibang presensya pero niisa doon ay hindi galing kay Chris. Hanggang sa naramdaman ko ka rin ang presensya ni Chris kaya huminto sa paglalakad at binuksan ko ang pinto. May isang lalaki ang lumingon sa akin.

"Kayo ho ba ang kamag anak ng pasyen–" Hindi na niya tinapos kung ano man ang tatanungin niya sa akin dahil pinatulog ko na siya.

Inalis ko lahat na nakabit kay Chris at binuhat ko na siya para makaalis na kami rito.

"Patawarin mo ko dahil binigo na naman kita." Sabi ko habang lumilipad pabalik sa bahay namin.

"Chrono, saan ka ba pumunta?" Nakita ko ang pagmumukha ulit ni Lucifer.

"Kinuha ko lang si Chris sa kamay ng mga hindi ko kilala at mas lalong hindi rin kilala ni Chris."

"Huwag mong sabihin gagamitin mo ulit sa kanya ang pinagbabawal na spell. Chrono, nagpapakamatay ka ba!"

"Hindi ako magpapakamatay dahil hindi ko na gagamitin ang spell na yun."

"Ano ang gagawin mo?"

Bago ko pa sagutin ang sagot ni Lucifer ay bumaba na ako noong nakarating na kami sa tapat ng bahay.

"Kukunin ko na sa kanya ang talagang dahilan kung bakit ako nandito sa mundo nila at kahit ayaw niyang ay gagawin ko siyang kagaya natin."

"Babaliw ka na?! Gagawin mo siyang demon?!" Tiningnan ko lang si Lucifer at pumasok na ako sa loob. Binaba ko si Chris sa sofa.

Humihina na naman ang pulso niya katulad noon. Hindi ako papayag na iwanan mo ko.

παραχωρήστε τη δύναμή σας να αναβιώσετε αυτή τη γυναίκα και να μετατραπεί σε δαίμονα.

May white sphere ang lumabas sa katawan ni Chris. Iyon ang kaluluwa na niya na matagal ko ng gustong kunin sa kanya pero hindi ko tinuloy. Mukhang ngayon na ang tamang panahon para kunin sa kanya ang sadya ko sa mundong ito.

Kinain ko ang kaluluwa ni Chris.

"Pagkagising mo ay isa ka ng ganap na demon."

"Chrono..." Nilingon ko si Eleanor noong tawagin niya ako. "Totoo ba ang sabi ni Lucifer na may balak kang gawin siyang demon? Nababaliw ka na ba? Ni hindi ka nga niya magawang mahalin."

"Pinagusapan na namin ni Chris ang tungkol diyan at sinabi ko sa kanya na hayaan niya akong mahalin siya."

"Babaliw ka na!"

"Anong masama kung ako lang ang nagmamahalan sa aming dalawa? Kayo nga ni Lucifer ay ganoon rin. Sa tingin mo bang mahal ka ng fiance mo?"

"Oh, bakit sa amin na punta ang usapan?" Tanong ni Lucifer.

"Sabi na nga ba hindi mo talaga ako mahal, Lucifer. Napipilitan ka lang na pakasalan ako."

"Hindi totoo yan. Ikaw lang ang babaeng mahal ko." Sabi ni Lucifer. Diyan naman siya magaling sa pangbobola ng mga babae. Siguro nga simulang bata pa lang silang dalawa ay pinagkasundo na. Katulad namin ni Myra bata pa lang kami ay pinagkasundo na kami.

Sa mundi namin ay ako ang pinakamalakas kaya nga ako ang dating Demon King pero ngayon hindi na. Ayaw ko man aminin pero mas malakas na sa akin si Lucifer.

Ewan ko lang ngayon. Ngayon pa kaya nakuha ko na ang kaluluwa ni Chris. Siguro bumalik na ang lahat na lakas ko.

Dealing With The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon