Chris' POV
Nagising na lang ako nakahiga na sa damuhan. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dito.
Ilang buwan na ang lumipas pero parang may kulang sa akin. Hindi ko maalala kung ano o sino pero pakiramdam ko ay importante iyon sa akin. Importante nga ba? Eh, hindi mo na nga maalala. Ibig sabihin hindi siya importante sayo.
Abala ako kumuha ng mga halamang gamot pero may napansin akong malaking bahay. Hindi ito isang ordinaryong bahay dahil isa na itong mansion. Sa sobrang laki pa naman nito.
Sino kaya ang nakakaisip na magpatayo ng mansion rito sa gitna ng kagubatan? Sa tagal ko na nakatira rito ay hindi ko maalala na may tao pa pala rito maliban sa akin.
Sinisilip ko ang loob. Kitang kita rito ang garden na puno ng iba't ibang klase ng bulaklak. Ang gaganda naman rito. Sarap siguro tumira sa ganitong bahay, no? Pinangarap ko rin ang tumira sa isang malaking bahay.
Nagulat na lang ako biglang bumukas ang gate. Wow, automatic yung gate nila. At may isang lalaki ang lumabas mula sa loob ng mansion. Pero mas kinagulat ko noong niyakap niya ako.
"Welcome back." Sabi niya sa akin habang yakap niya pa rin ako.
"Teka, teka." Ginamit ko ang buong lakas ko para itulak siya. "Kilala ba kita?"
"Tara sa loob. Kahit kailan ay ayaw ko ang sinag ng araw." Sabi niya. Iniiwasan ba niya ang tanong ko? Siguro nga dahil hindi niya sinagot ang tanong ko sa kanya kanina.
Kahit ang loob ng mansion niya ay sobrang ganda. Ang yaman niya para magpagawa siya ng ganito.
"Ang laki naman dito. Ikaw lang ba ang nakatira rito?"
"Kasama ko ang butler ko at ilang maids rito."
Buti nagkikita pa sila rito dahil sobrang laki ng mansion na ito. Hindi ba sila maliligaw rito? Kung dito ako nakatira ay paniguradong maliligaw ako.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo kanina. Kilala ba kita?" Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Bakit ganoon ang mukha niya? Kung kanina ay sobrang saya niya na makita ako parang magkakilala talaga kami tapos ngayon malungkot na.
"Alam kong wala kang maalala tungkol sa akin." Naguguluhan ako sa sinagot niya.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Binura ko ang aalaala mo dahil ayaw ko maalala mo ang nangyari noon."
Paano nangyari iyon? Para sa akin ay isa siyang ordinaryong tao lamang at saka hindi totoo ang mga demons.
"Doon ka nagkakamali, Chris." Nagulat ako dahil nabasa niya ang iniisip ko. "Hindi ako ordinaryong tao, kundi isang demon. Kaya ko magpalit bilang tao para hindi malaman ng iba na isa akong demon dahil iyon ang gusto mo."
"Sabihin mo sa akin ang lahat. Gusto ko malaman kung ano yung mga bagay na hindi ko maalala para kasi... may kulang sa pagkatao ko. Pinipilit kong maalala ang lahat pero palagi akong bigo."
"Isa ako dating Demon King na tinapon sa mundo niyo dahil humihina na ang kapangyarihan ko at para lang mabawi ko ang pagiging Demon King ko ay kailangan kong talunin ang hari ngayon sa mundo namin. Pero kailangan ko rin ng tulong mo."
"Tulong ko?" Tumango siya sa akin. "Ano ang laban ko sa gaya mo? Isa lamang ako ordinaryong tao. Mortal."
"Pinagusapan natin na kailangan kong makuha ang iyong kaluluwa kapag sinunod ko ang lahat na kagustuhan mong ipagawa sa akin. Kaso nagbago ang isip ko noon handa ka ng ibigay sa akin ang kaluluwa mo pero sa isang kondisyon."
"Ano naman iyon?"
"Bigyan mo ko ng anak."
"Ano?!" Bigla ako nasamid sa sinabi niya kahit wala naman akong kinakain. "B-Binigyan ng anak? Hindi mo ba naiisip na pwedeng may dugong tao rin ang dumadaloy sa bata kung bibigyan kita ng anak."
"Hindi ko na iniisip ang bagay na iyan dahil wala na akong balak bumalik sa mundo namin. Nagpasya akong protektahan ka kapag may demons na pumunta rito sa mundo niyo."
"Pero hindi pa kita ganoon kakilala. Kahit nga ang pangalan mo ay hindi ko alam."
"Chrono. Ikaw pa ang nagbigay ng pangalan sa akin noon."
"Ako? Wala ka rin ba maalala tungkol sayo?"
"Hindi. Simulang naging Demon King ako sa mundo namin ay hindi na ako tinatawag sa pangalan ko hanggang sa kalimutan na ng ibang demons."
"Kahit rin ikaw?" Tumango siya sa akin. "Oh, see? Hindi mo nga maalala ang tungkol sayo. Simpleng pangalan lang ay kinalimutan niyong mga demons. Akala ko pa naman hindi madaling makalimot ang gaya mo kumpara sa amin mga tao."
"Wala ka pa rin pinagbago. Kahit wala kang maalala tungkol sa akin ay may lakas na loob ka pang insultuhin ako." Kumurap ako noong marinig ko siyang tumawa. Tumatawa siya. Wala naman akong sinabing nakakatuwa para tuwa siya ng ganyan. "Wala ka ngang pakialam kung isang demon nga ang kausap mo ngayon."
"Sinabi ko iyon dati?" Tumango siya sa akin. Kung ganoon pala ay hindi ako takot sa kanya dati. Sabagay, mukha namang mabait si Chrono. "Ang sabi mo humina na ang kapangyarihan mo."
"Tama iyon. Kapag naubos ang lahat na lakas ko ay maaari akong mamatay pero ngayon ay medyo bumabalik na ang lakas kong nawala noong niligtas kita sa kamatayan."
"Niligtas mo ko? Ibig sabihin pala ay namatay ako noon?"
"Hindi ka pa patay noon pero malapit na dahil humihina na ang iyong pulso. Ginamit ko ang pinagbabawal na spell para hindi ka tuluyang mamatay. Kung mangyari iyon ay wala na ako ibang pagpipilian kundi ang kunin sayo ang kaluluwa mo at gawing demon. Alam kong ayaw mo iyon."
"Dahil niligtas mo ko noon ay pumapayag na akong bigyan ka ng anak."
"Hindi ko inaasahan sasabihin mo iyan sa akin."
"Gusto kong bayaran ang pagligtas mo sa akin pero hindi ko inaasahan na ipagbubuntis ko ang anak ng isang demon." Hinawakan ko ang tyan ko kahit wala pang bata doon.
"Kung ganoon..." Lumalapit sa akin si Chrono.
"My lord..." May isang nilalang ang nagpakita sa amin. Siya ba yung tinutukoy ni Chrono na butler niya? Inaasahan kong may edad na ang butler ang kasama niya. Sabagay isa nga pala silang demon kaya hindi mo malalaman ang tunay nilang edad. Hindi sila tumatanda sa mundo namin.
"Tsk. Ano ang kailangan mo, Tony?"
"May ipapautos ba kayo sa akin ngayon?"
"Wala kaya pwede kang umalis at susunod na iisturbuhin mo kami rito ay papatayin kita."
"Pasensya na, my lord." Umalis na yung kausap ni Chrono nangangalang Tony.
"Sino yun?" Tanong ko.
"Si Tony. Siya ang tinutukoy kong butler na kasama ko rito. Sumama kasi siya sa akin noong bumalik ako sa mundo niyo."
"Kailan pa nagkaroon ng bahay rito? Ang huling naalala ko ay wala ito noon."
"Ginamit ko ang kapangyarihan ko para makagawa ng bahay malapit sa tinitirahan mo. Gaya mo ay ayaw ko rin sa maiingay na lugar."
"At ang ganda ng garden niyo dito ah." Hinawakan ko ang kamay ni Chrono. "Samahan mo ko doon. Gusto ko makita ng buo ang garden niyo."
"Pero ayaw ko sa sinag ng araw."
"Bakit gising ka na kung ayaw mo sa sinag ng araw?"
"Tulog ako kanina pero nakaramdam ako ng presensya ng isang tao at alam kong ikaw iyon. Hindi nga ako nagkamali."
"Sige, mamayang gabi na lang. Alis na ako para makatulog ka ulit at babalik na lang ako mamaya pagkatapos ng trabaho ko."
"Dito ka lang." Nagulat ako sa biglang pagyakap sa akin ni Chrono mula sa likod. "Apat na buwan kang wala sa tabi ko, Chris kaya hindi ako papayag na mawala ka ulit sa akin."
BINABASA MO ANG
Dealing With The Demon
RomansaPrevious Title: Sold My Soul She is Christine Salvador, isa siyang ordinaryong tao na nakatira sa isang kagubatan dahil ayaw niya ng magulo, maingay at polluted na lugar. Isa siyang kilalang herbalist na nagbebenta ng halamang gamot. Until she met a...