15

543 17 0
                                    

Nagising ako sa katok mula sa labas ng kwarto. Ilang beses ko na sinabi kay Caitlyn na huwag ako gigisingin sa ganitong oras pero ang tigas talaga ng ulo. Sa dami pwedeng pagmanahan niya kay Chris ito pa talaga ang pagiging matigas ulo niya.

Tumingin na muna ako kay Chris dahil ang himbing ng tulog niya. Inabot na kasi kami ng umaga. Dahan-dahan ko na inaalis ang braso ko nakaunan sa kanya at bunabangon na ako para kunin ang mga damit ko sa sahig. Hahayaan ko na lang muna si Chris matulog.

"Papa! Gising na kayo, papa!" Tuloy pa rin sa pagkatok si Caitlyn ng pinto.

"Gising na si papa. Stop knocking on the door so loud." Sabi ko. Ayaw ko naman kasi magising ang mama niya.

Mabuti na nga lang ay masuring bata si Caitlyn dahil huminto na siya sa pagkakatok.

Binuksan ko na ang pinto at sinalubong ako ng yakap ni Caitlyn.

"Bakit ang tagal niyo lumabas?"

"Sorry, may ginagawa pa ako sa loob." Hindi pwedeng sabihin sa kanya kung ano iyon. "May surprise ako sayo."

"Ano yun? Sabihin niyo na sa akin, papa." Hinawakan ko na ang kamay ni Caitlyn at sabay na kami bumaba.

"Mamaya. Kain na muna tayo." Tumingin ako kay Tony noong nandito na siya sa tabi ko. "Maghanda ka ng makakain namin at dalhin mo na lang sa garden."

Pumunta na kami ni Caitlyn sa garden. Tuwing umaga ay dito kami pumupunta dahil hilig rin niya ang mga bulaklak gaya ng mama niya. Kaso hindi niya pwedeng hawakan dahil isang pure demon si Caitlyn. Kung hindi ko ginawang demon noon si Chris ay may chance na half demon ang anak namin at pwede pa niyang hawakan ang mga bulaklak kahit kailan niya gusto.

"Caitlyn, tama na yan. Kain na muna tayo." Sabi ko na kinatigil ni Caitlyn sa paglalaro niya.

"Young lady, maghugas na muna kayo ng kamay niyo." Sabi ni Tony at sinamahan niya si Caitlyn para maghugas ng kamay.

Ngumiti ako noong makita kong gising na si Chris.

"Sabayan mo na kami kumain rito."

"Dito pa talaga sa garden ah. Alam ko ayaw mo sa sinag ng araw." Umupo na si Chris sa isang bakanteng upuan.

"Wala ako magagawa. Dito gusto ni Caitlyn kumain ng almusal kaysa sa loob ng bahay. Tea?"

"Salamat pero hindi ako ng tea."

"Maybe you want my blood?"

"He he. Hindi, no. Kahit kailan ay hindi ako umiinom ng dugo. Maliban na lang noong pinagbubuntis ko pa si Caitlyn."

Naalala ko nga iyon. Kahit nga ang pagkain ng lamang loob ay hindi siya kumakain pero noong pinagbubuntis niya si Caitlyn ay doon na nagsimula ang lahat.

"Papa!" Pareho kami ni Chris tumingin kay Caitlyn pero huminto siya ng makita si Chris. "Kayo yung babae sa kinainan ko ng cake?"

"Ako nga yun. Nagustuhan mo ba yung cake na kinain mo?"

"Sobrang sarap po ng cake na yun."

"I'm glad you like it. Ako pa mismo ang gumawa noon."

"Bakit hindi ka bumalik sa pagiging herbalist mo?" Tanong ko kay Chris.

"Wala kasing makikitang halamang gamot malapit sa isla. Bigla ko naalala na pinangarap ko rin noon ang maging baker at may naipon na rin naman akong pera para magaral ulit."

"Papa, ano yung surprise niyo sa akin?" Tumingin ako kay Caitlyn noong tanungin niya ako.

Sumulyap ako saglit kay Chris pero binaling ko agad ang tingin kay Caitlyn.

"Caitlyn, ang babaeng itong kasama natin ngayon ay hindi lang siya ang babae sa kinainan mo ng cake noon. Siya ang–"

"Ang mama ko?" Nagulat ako. Paano niya nalaman na si Chris ang mama niya? Ni minsan ay hindi ko binabanggit kay Caitlyn ang tungkol kay Chris.

"Paano mo nalaman? Ni minsan ay wala akong binabanggit sayo noon."

"Sa tuwing nagtatanong ako sa inyo kung nasaan ang mama ko ay palagi niyo ako hindi sinasagot. Kaya si Tony na lang ang tinanong ko kung nasaan siya at kung sino ang mama ko. May picture pa nga ako." May pinakitang picture sa akin si Caitlyn. Hindi ko alam may picture pala si Chris dito. Kung alam ko lang ay baka tinago ko rin. "Palagi ko ito katabi matulog at umaasa na babalik sa atin si mama."

"Pangako hindi ko na kayo iiwanan ng papa mo." Nakangiting sabi ni Chris. Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti si Chris. Ang unang beses ko siya nakitang ngumiti ay noong nasa isla kami.

"Hindi ba kailangan mo pa bumalik sa isla dahil may trabaho ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Kakausapin ko na lang si Jerry na siya na ang bahala sa store doon. Magtatayo na lang siguro ako ng pastry store rito sa malapit."

"Hindi na po kayo aalis?"

"Hindi na ako aalis ulit."

"Yay! May ibibigay ako sa inyo, mama." Tumayo na si Caitlyn na hindi pa nga tapos kumain dahil tumakbo na siya papunta sa mga bulaklak.

"Alam kong mali ang naging desisyon ko na itakwil noon si Caitlyn na hindi ko siya anak. Nagsisi ako kaya gusto kong bumawi sa inyo."

"Alam ko. Nakakalimutan mo yata kaya ko magbasa ng isipan."

"Hanggang ngayon pa ba ay binabasa mo pa rin ang iniisip ko. Hindi ka talaga marunong na privacy."

"Hindi katulad noon ay inuunahan kita. Binibigyan kita ng oras at panahon para sabihin sa akin ang lahat kung ano ang iniisip mo kahit ba alam ko na."

"Mama, sorry kung lanta na." Napasampal ako sa noo dahil ilang beses ko sinabi sa kanya na hindi kami pwedeng humawak ng kahit anong halaman dahil namamatay lang ito. Sayang yung gawa niya ng flower crown. Mahilig pa naman gumawa si Caitlyn ng ganoon.

"Thank you, Caitlyn." Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Chris. "Hindi na nga pala ako pwede humawak ng mga halaman. Mabutik na lang hindi na ako bumalik sa pagiging herbalist baka wala na akong makuhang halamang gamot dahil namamatay lang."

"Nakalimutan ko ang tungkol doon. Nawala sa isip ko na isa na pala akong demon ngayon." Natawa ako ng malakas noong nabasa ko ang sinasabi ng isipan ni Chris.

"Bakit kayo tumatawa, papa?"

"Nababaliw na ang papa mo, Cate." Sagot ni Chris kay Caitlyn pero binigyan ako ng masamang tingin.

"Subukan mong basahin ulit ang iniisip ko. Lagot ka sa akin mamayang gabi."

"Baliw na kayo, papa?"

"Hindi. May naalala lang ako nakakatuwa kaya tumawa ako kanina."

"Nakakatuwa pala ah. Humanda ka talaga sa akin mamaya."

Kailangan ko na yata i-handa ang sarili ko mamayang gabi.

Dealing With The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon