"Ilang araw na tayo magkasama ay hindi ko pa rin alam ang pangalan mo." Huminto ako sa pagluluto at tumingin sa kanya. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya ang pangalan ko noong araw na iyon.
"Hindi mo na rin kailangan malaman kung mamatay rin naman ako balang araw." Sabi ko at pinagtuloy ko na ang pagluluto.
"Bakit? Sa tingin mo ba mamatay ka?"
"Malamang. Isa lang naman akong mortal kaya maraming dahilan kung paano ako mamatay. Una, maaksidente. Pangalawa, magkaroon ng lamubhang sakit. At ang huli, dahil diyan sa kagustuhan mong makuha ang kaluluwa ko."
"Sa tingin mo ba papayag akong mamatay sa dalawang sinabi mo? Wala akong kaluluwa pero nandito pa rin ako."
"Dahil isa kang demon. At wala akong balak maging katulad mo, no. Kahit hindi ko na maptupad ang pangarap ko sa buhay." Lumapit na ako sa mesa at nilapag ko na ang niluto kong chicken curry.
"Ano ba ang pangarap mo?"
"Ang makasal sa lalaking mahal ko at mamahalin rin ako habang buhay."
"Tsk. Ang babaw talaga ng kaligayahan niyong mga tao."
"Hindi mo kasi maiintindihan. Minsan lang kami makasal kaya dapat sa taong mahal mo at mahal ka rin. Huwag ka magpakasal kung ikaw lang ang nagmamahalan sa inyong dalawa dahil mawawala rin ng bisa ang kasal kapag naghiwalay ang dalawang tao."
"Wala talaga ako maintindihan sa mga tao. Ano ba itong ginawa mo ngayon?"
"Chicken curry. Masarap iyan."
"Psh. Mas masarap pa rin ang lamang loob."
"Tumigil ka nga. Hindi ka pwedeng pumatay ng tao kung gusto mong makuha ang kaluluwa ko."
"Torture itong ginagawa mo sa akin, hum–"
"Chris. Christine Salvador ang pangalan ko." Sabi ko sa kanya.
"Oh? Akala ko ba ayaw mong sabihin sa akin ang pangalan mo. Tapos ngayon sinabi mo na."
"Kaysa naman human palagi ang itatawag mo sa akin. Kumain ka na lang diyan kaysa magreklamo. Kung ayaw mo ng pagkain ay huwag kang kumain. Daming arte."
"Anong sabi mo? Hindi ako maarte, hu– Chris. Kayong mga tao ang maarte hindi kami mga demon."
"Anong tawag diyan sa ginagawa mo ngayon? Hindi ba pagaarte iyan? Mas gusto mo pa ang lamang loob kaysa kung ano ang meron diyan sa harapan mo."
"Ayaw ko na makipag talo sa kagaya mong mababa ang logic."
Hinampas ko ang mesa dahil grabe kung makapag insulto sa akin ah. Tabas ng dila nito. Putulin ko kaya para hindi na makapag salita.
"Isa pa pangiinsulto mo sa akin at hindi mo na makukuha ang kagustuhan mo, Chrono at tinatapos ko na rin ang kasunduan natin."
Pagkatapos kumain ay napangiti ako noong tumatawag sa akin si Fred. Siya lang naman ang nagiisang kaibigan ko pero minsan lang kami magkita dahil minsan ako pumupunta sa city. Kung nagbebenta ako ng mga herbals ay doon lang ako pupunta sa city. Ito kasi ang hanap buhay ko para magkaroon lamang ng pera at may makain rin sa araw-araw.
Sasagutin ko na sana ang tawag noong inagaw ang cellphone ko.
"Hoy! Akin na iyan–" Napasinghap ako noong binato niya ang cellphone ko. Mahal pa ang bili ko doon kahit luma na. "Bakit mo iyon ginawa?! Ang mahal ng bili mo doon tapos ibabato mo lang."
Naluluha ako ng kunin ko ang sira-sira kong cellphone. Hindi na magagamit ito ngayon. Hindi na rin ako matatawagan kung kailangan nila ng gamot.
"Hindi ka pwede makipag usap sa ibang kalalakihan maliban sa akin." Tiningnan ko siya ng masama. "Sabagay, pwede ko rin pala sila patayin kung gugustuhin ko."
Nauubos na ang pasensya ko sa kanya. Akala mo kung sino na. Wala akong pakialam kung isa pa siyang Demon King o hindi.
"Umalis ka na dito! Alis!" Tinulak ko na siya palabas ng bahay ko.
"Ano ang ginagawa mo, human?"
"Umalis ka na dahil hindi na kita kailangan rito. Hindi ka marunong sumunod sa kasunduan kaya hindi mo na rin makukuha ang kagustuhan mo. Maghanap ka ng ibang mabibiktima mo! Wala akong pakialam kung mamatay ka pa diyan."
"Hindi mo pwedeng gawin sa akin ito, human!"
"Wala akong pakialam sayo!" Binuhos ko na ang lahat na lakas ko para mapalabas lang siya sa labas ng bahay. Sinara ko na rin ang pinto ng bahay ko.
"Human! Chris, papasukin mo ko!" Hindi siya tumitigil sa pagkakatok sa pinto. Bahala siya. Ikaw rin naman ang mapapagod diyan.
Nagpasya na rin ako maligo dahil amoy araw na ako. Naghahanap rin kasi ako ng mga halaman na pwede ko gawing herbal.
"Chris–" Nagulat ako noong makita ko si Chrono na pumapasok sa bintana dito sa banyo.
"Kyaaah!" Tinakpan ko agad ang katawan ko. "Anong ginagawa mo?! Labas!"
"Bakit naman kita susundin? Hindi ba tinapos mo na rin ang kasunduan natin?" Nakangising sabi niya. Ang manyak niya. "I like to see your naked body."
"Bastos! Labas sabi!" Sigaw ko pero imbes na lumabas siya ay mas lalong lumapit sa akin at inalis ang mga braso kong nakatakip sa hubad kong katawan. Malaya na siyang matingnan ang katawan ko ngayon.
"Are you still a virgin?" Tanong niya sa akin.
"Malamang. Wala naman akong boyfriend."
"But you like someone else." Yumuko ako dahil tama siya. May napupusuan na nga ako. "Kaso may mahal siyang iba."
"Paano mo nalaman? Hindi mo pa naman siya nakikita ah."
"I'm a demon. I can read minds. Huwag mo sana kalimutan iyon."
"Akala ko ba mahina na ang kapangyarihan mo."
"Oo, pero wala naman akong sinabing hindi ko pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko. Hindi ko nga lang pwedeng gamitin sa kapwa kong demon dahil wala na akong laban sa kanila. Hindi katulad noon."
Bigla kong naalala na wala nga pala akong saplot sa katawan kaya tumalikod na ako sa kanya.
"B-Bakit gusto mong malaman kung virgin pa ako?" Namumula na panigurado ang pisngi ko. Ngayon pa lang kasi may lalaki nakakita ng hubo't hubad kong katawan. Kahit isang demon si Chrono ay isa pa rin siyang lalaki.
"Because I want to touch you right now." Tinakpan ko ang bibig ko noong may lumabas na ingay mula sa bibig ko habang minamasahe niya ang dibdib ko. Hindi maaari ito. Hindi ko pwedeng maenjoy sa ginagawa niya at hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.
"Chrono, tumigil ka!" Naluluha ako sa pinag gagawa niya. Binababoy na niya ako.
"Nope. Never. Hindi ako papayag na masunod ang kagustuhan mo. Hindi ako titigil." Inaamoy amoy ang leeg ko. "Mmm... Mukhang masarap inumin ang dugo mo. Fresh na fresh."
Napasinghap ako noong kagatin ni Chrono ang leeg ko at nagsimula na siyang inumin ang dugo ko.
"Stop, Chrono!" Tumulo na ang luha ko dahil sobra na ang ginagawa niya sa akin. Gusto niya akong babuyin tapos ngayon ininom niya rin ng dugo ko.
"Ang sarap talaga ng dugo ng mga tao."
"Okay ka na? Pwede ka ng umalis." Hinawakan ko ang leeg ko kung saan ako kinagat.
Pagkalabas ni Chrono sa banyo ay umupo ako sa sahig habang umiiyak. Bakit kasi pinayagan kong patuluyin ang demon na iyon dito sa bahay ko? Ayan tuloy naging prey ka wala sa oras.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Demon
RomancePrevious Title: Sold My Soul She is Christine Salvador, isa siyang ordinaryong tao na nakatira sa isang kagubatan dahil ayaw niya ng magulo, maingay at polluted na lugar. Isa siyang kilalang herbalist na nagbebenta ng halamang gamot. Until she met a...