Chrono's POV
Nakaramdam ako ng malakas na presensya. Hindi ito isang tao lamang at hindi ako pwedeng magkamali may isang demon ang nakapunta ngayon sa mundo ng mga tao.
"Magpakita ka!" Tinitingnan ko lang siya habang pababa sa lupa.
"Ah, hindi ko inaasahan makikita ko rito ang dating hari sa ating mundo." Nakangiting sabi niya sa akin.
"Ano ang ginagawa mo rito, Lucifer?"
"Naramdaman ko ang presensya ng isang tao kaso bigla na lang ito nawala. Baka may kinalaman ka?" Hindi ko pinahalata kay Lucifer na nagulat ako. Si Chris ang naramdaman niyang presensya kanina.
"Don't you dare to touch her, Lucifer. Ako mismo ang papatay sayo."
"Talaga? Natatakot ako. Ang pagkaalam ko kaya ka tinapon dito dahil humihina na ang iyong kapangyarihan. At hindi mo mababawi ang pagiging hari kapag hindi mo matatalo ang hari ngayon sa mundo natin."
Alam ko naman iyon. Kaya ako nandito sa mundo ng mga tao para gawin ang misyon ko na kunin ang kaluluwa ng magiging prey ko. Sa loob ng ilang araw ay napapaisip ako na huwag ko na lang kunin iyon kay Chris. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako ganito dati.
Namilog ang mga mata ko noong maramdaman ko ang presensya ni Chris sa malapit. Sana hindi maramdaman iyon ni Lucifer.
"I can feel that human's presence." Sabi ni Lucifer at parang bula ay bigla siyang nawala sa harapan ko.
Dahil wala ako masyadong lakas para habulin si Lucifer pero ginagawa ko ang lahat para maabutan ko lang siya. Kailangan kong protektahan si Chris. Siya lang ang magbibigay ng anak sa akin kahit ayaw niya. Kahit ano gagawin ko basta pumayag lang siya.
Nakita kong aatakihin na sana ni Lucifer si Chris pero ginawa ko ang lahat para pumunta agad sa pagitan nilang dalawa.
"Bakit mo siya pinoprotektahan?!"
"Hindi ko siya pinoprotektahan pero hindi ako papayag na mapunta siya sa mga kamay mo, Lucifer." Sumilyap ako sa likuran ko. Kita kung paano nagulat si Chris sa nangyari. "Hindi ba ang sabi ko sayo lumayo ka rito? Bakit ka pa bumalik?"
"Nagaalala ako sayo."
"Nakakalimutan mo yata kung sino ang kausap mo ngayon. Hanggat maaga pa ay umalis ka na rito. Pumunta ka sa city."
"Chrono..."
"Lumayo ka na!" Sigaw ko dahilan para manginig ang buong kagubatan at nagsitakbuhan ang mga hayop.
Nakita ko na ang pagtakbo ni Chris para makaalis na siya rito sa gubat. Hindi na ligtas rito.
"Hindi ako papayag na tumakas ka." Lumipad ng mabilis si Lucifer kaya sumunod ako sa kanya.
"Ako ang kalabin mo, Lucifer!" Huminto siya sa paghahabol kay Chris at humarap sa akin.
"Nagpapatawa ka ba? Ako? Gusto mong kalabanin?"
Wala na akong pakialam kung hanggang dito na lang ang buhay ko. Ang halaga ay hindi mapunta sa mga kamay ni Lucifer si Chris.
Ginagamitan ako ni Lucifer ng kapangyarihan niya kaso wala talaga akong laban sa kanya. Mas lalong humihina ang kapangyarihan ko.
"Katapusan mo na!" Sabi ni Lucifer at sa huling atake niya sa akin ay bumagsak na ako sa lupa.
"Chris..." Iyon na lang ang huling sinabi ko bago pa ako nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung ano nangyari sa akin kung bakit nawala ang lahat na lakas ko. Ako dapat ang pinaka malakas na demon sa mundo namin. Pero bakit?! Ako ang hari sa mundo ng mga demons.
Noong nagkamalay na muli ako ay may naririnig ako parang nasasaktan.
"Mabuti gising ka na. Panoorin mo kung paano ko patayin ang babaeng pinoprotektahan mo." Namilog ang mga mata ko ng makita ko si Lucifer habang sinasakal niya si Chris.
Wala akong lakas para iligtas siya. Pero pinipilit kong tumayo ng binitawan na siya ni Lucifer at sinalo ko si Chris para hindi siya bumagsak sa lupa.
"Chrono..." Pinipilit niyang abutin ang mukha ko kahit hinang hina na siya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Sinabi kong lumayo ka pero hindi mo ko sinusunod."
"Ayaw mo ba iyon? Makukuha mo na ang kagustuhan mo. Makakabalik ka na sa mundo niyo at babalik sayo ang pagiging hari mo." Bumitaw na siya sa pagkahawak niya sa pisngi ko at pumikit na si Chris.
Naririnig ko ang pulso niya pero mahina na iyon. Wala na akong magagawa na kahit ikamatay ko pa. Basta hindi lang mamatay si Chris. Hindi sa ganitong paraan para mamatay siya. Kailangan niyang mabuhay.
Binaba ko na siya sa lupa at tumayo na ako para magsimula na ako mag-cast ng spell.
δώστε την τελευταία μου επιθυμία να αναβιώσετε αυτό το κορίτσι.
"Anong ginagawa mo?!" Rinig kong sigaw ni Lucifer pero hindi ko siya pinapakinggan. Tuloy lang ako sa pag-cast ng spell para mabuhay si Chris.
"Ikakamatay mo iyang ginagawa mo! Itigil mo na ang iyan!"
Nakikita ko ng gumagaling ang mga nakuha niyamg galos sa mukha at katawan.
Bumagsak na ako sa tabi ni Chris at tiningnan ko siya. Nagpasya na ako hindi ko na kukunin ang pagiging hari sa mundo namin.
"Sana pagkagising mo ay maalala mo pa rin ako dahil babalik ako sayo."
Bumangon na ako kahit humihina na ako. Ginamit ko na kasi ang lahat na lakas ko kanina sa laban namin ni Lucifer at para buhayin si Chris gamit ang pinagbabawal sa spell. Lumapit ako sa direksyon ni Lucifer.
"Ano ang ginagawa mo?" Hindi ko siya sinagot dahil binuksan ko ang portal papunta sa mundo namin at tinapon ko siya sa portal bago pa ako pumasok.
"Sabi na nga ba at babalik ka rito." Tumingin ako sa nagsalita. "Mas lalong humina yata ang kapamgyarihan mo ngayon. Paano mo na ako matatalo niyan?"
"Hindi ko na kailangan kunin sayo ang pagiging Demon King. Gusto mo sayo na iyan. Wala na akong pakialam. Isa lamang akong mahinang demon pero ito lang ang sasabihin ko sa inyo kapag meron isa sa inyo ang pumunta sa mundo ng mga tao ay hindi ako magdadalawang isip na patayin kayong lahat."
"Nakakatakot naman ang banta mo sa amin. Hindi mo nga kayang patayin ang isa sa amin." Sabi ng yabang na hari na ito.
"Huwag ka magsalita ng tapos. Kapag nabawi ko na ang lahat na lakas ko ay kaya ko na kayong talunin sa isang pitik lang."
Kahit malabong mangyari iyon. Wala na talaga akong lakas ngayon. Nagamit ko na ang natitirang lakas ko kay Chris para hindi siya mamatay.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Demon
RomancePrevious Title: Sold My Soul She is Christine Salvador, isa siyang ordinaryong tao na nakatira sa isang kagubatan dahil ayaw niya ng magulo, maingay at polluted na lugar. Isa siyang kilalang herbalist na nagbebenta ng halamang gamot. Until she met a...