"Bakit hindi mo agad nalaman na buntis ako?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina ko lang nalaman dahil may naririnig akong tibok ng puso. Wala naman akong nararamdaman na may naligaw na tao sa kagubatan para marinig ko ang tibok ng puso nila at pakiramdam ko para malapit lang."
Kung ganoon pala ay walang ideya si Chrono na buntis ako sa apat. Wala nga rin akong alam kung hindi niya sinabi sa akin. Wala talaga ako naramdaman na kakaiba ngayon kumpara noong pinagbubuntis ko si Caitlyn.
"Dapat sayo ay magpahinga ka. Balik ka na sa pagtulog."
"Paano ka? Baka wala ka na naman pagkagising ko." Lumabi ako. Tatampo na ako kung wala ulit si Chrono sa tabi ko.
"Matutulog na rin ako. Malapit na rin kasi sumikat ang araw."
It's already 3am. Isang oras na akong gising at hindi ko lang alam kung makakatulog ako agad nito.
"Wait. I'm going to pee first." Sabi ko saka dumeretso sa banyo. Dahil may banyo naman dito sa ibaba kaya hindi na ako umakyat pa. Baka kasi maiihi na ako wala sa oras.
Kinaumagahan ay nagising ako tumingin ako sa katabi. Ang sarap ng tulog niya. Pero bigla ako nakaisip na masamang ideya na pwede rin ikagalit ni Chrono sa akin. Gigisingin ko siya ngayon.
"What?" Parang uminit ang buong katawan ko sa boses niya. Bakit ba ang husky?
"Gising na. May araw na."
"Alam mo naman ayaw ko gumising na may araw. Hayaan mo muna ako matulog, Chris."
"Mahal na mahal kita, Chrono."
"I know. Kaya hayaan mo muna ako matulog. Okay?"
"Okay." Hinalikan ko na muna siya sa pisngi bago bumangon. Himala hindi nagalit sa akin.
"Papa!" Biglang pagpasok ni Caitlyn sa kwarto namin.
"Oh great! Pagkatapos akong gisingin ng mama mo, ikaw naman ngayon." Hala! Mukhang inis na siya ngayon. "Kayong dalawa talaga."
"Gising na kasi, papa."
"Oo na. Heto na nga babangon na ako ngayon." Pinalapit ni Chrono si Caitlyn sa kanya. "Manang mana ka talaga sa mama mo."
"Anong ako?"
"Huwag mong sabihin nakalimutan mo na. Madalas mo rin ako ginising noon para kumuha ng halamang gamot."
"Oo pero niisa naman ay hindi mo ko tinutulungan." Pinagkrus ko ang mga braso ko.
"Kasi hindi ako pwedeng humawak ng kahit anong klase ng halaman. Namamatay rin agad kapag hinawakan ng kagaya ko ang mga halaman."
"You win this time, Chrono. Wala ako sa mood makipag debatihan sayo."
Palabas na sana ako ng kwarto namin noong bigla ako niyakap ni Chrono mula sa likod.
"Mauna ka na sa garden, Caitlyn. Susunod na kami doon ng mama mo."
"Okay." Lumabas na ng kwarto namin si Caitlyn. Kaming dalawa na lang ni Chrono ang naiwan.
"Ano na naman ang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Tatampo ka naman."
"Hindi ako nagtatampo. Nagugutom na ako at baka ikaw ang isipin kong kainin."
"Sure. Alam ko namang mageenjoy ka kapag kinain mo ko. And you'll scream my name with pleasure." Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat na dugo ko sa mukha. "Ahhh... Chrono. Bilisan mo pa."
"Bastos!" Tinulak ko siya gamit ang buong lakas ko at pulang pula na ang pisngi ko. "Umagang umaga iyan agad ang pinagsasabi mo at saka paalala ko sayo hindi ako ganyan."
"Talaga lang ah? I know you, Chris."
"Ewan ko sayo!" Inalis ko na ang mga braso niya nakapalibot sa akin.
"Teka." Hinawakan ni Chrono ang braso ko.
"Ano?" Kunot noo akong lumingon sa kanya.
"Sasama na ako sayo. Baka hanapin ako ni Caitlyn."
Sabay na nga kami bumaba ni Chrono pero bigla ko naalala ang tungkol kay Caitlyn.
"Pumapasok ba sa paaralan si Cate?" Tanong ko sa kanya. Ngunit isang mabilis na iling ang binigay sa akin ni Chrono. "Bakit naman?"
"Iniisip ko lang baka matakot ang ibang bata kapag nalaman nila hindi normal na bata si Caitlyn. Kahit alam niyang isa siyang demon pero hindi pa kontrolado ni Caitlyn ang kapangyarihan niya. Kaya si Tony na lang ang nagtuturo sa kanya. At least malalaman ko agad kung ginagamit ba ni Caitlyn ang kapangyarihan niya."
"Mabuti pa kung sa paaralan siya nagaaral. Mas marami siyang matutunan doon. At ako na bahala sa anak natin."
"Ano ang gagawin mo?"
"Tuturuan ko na muna siya para hindi niya gamitin ang kapangyarihan niya. Kung gusto niya magkaroon ng maraming kaibigan ay dapat hindi niya sasaktan."
"Kaya mong gawin yun?"
"Sa apat na taon ako wala sa puder mo kaya natutuno ako gumising kapag may araw. Sa una lang mahirap. Kaya nga nagkaroon ako ng mga kaibigan habang nagaaral pa ako dahil naingat ako sa lahat na ginagawa ko."
"Mahina ang pakiramdam ng mga tao dahil ang tingin nila sa atin ay kagaya rin nila."
I can't deny that. Kahit tao pa ako noon ay hindi ko rin iisipin na isa pa lang demon si Chrono kung ganyan ang form niya. Wala kahit anong kahina-hinala sa kanya.
"Bakit ang tagal niyo dumating? Mauubos ko na ang ginawa ni Tony."
"It's okay, Caitlyn. Para sayo talaga ang mga luto ni Tony." Sabi ni Chrono.
"Eh, ikaw? Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya.
"Ayos na ako sa tea." Umupo na siya sa isang bakanteng upuan. "Ikaw dapat ang kumain."
"Mama, pwede po bang kumain ako ng cake na gawa mo?"
"Hindi pwede maraming ginagawa ang mama mo dahil makakasama sa baby sisters and baby brothers mo."
"Ano ang ibig mong sabihin, papa?"
"You are having a baby sisters and baby brothers soon. Magkakaroon ka ng apat na kapatid."
"Talaga?" Tumingin sa akin si Caitlyn na kinatango ko. "Yay! Magkakaroon ako ng apat na kapatid! Baby sisters and baby brothers."
Pero hindi namin alam ang gender pa ng quadruplets. First and last hindi ako pwede magpacheck up dahil malalaman ng ibang tao hindi human baby ang nasa sinapupunan ko kaya nga noong pinagbubuntis ko pa si Caitlyn ay hindi ako nagpacheck up. Ayaw ko matakot ang mga tao doon.
"Ano ang iniisip mo?" Tumingin ako kay Chrono ng tanungin niya ako.
"Gusto ko magpacheck up monthly gaya ng ginagawa ng ibang buntis. Pero iniisip ko lang baka malaman nilang hindi normal ang dinadala kong bata. Nagpasya ako huwag na lang."
"I know someone who can check you up."
"Sino?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Lucifer. He is a doctor from our world."
"Baka siya na ang bagong hari niyo sa Demon World."
"I don't think so... I know that bastard since we were a–"
"Huy! Nandito yung anak natin baka gayahin niya ang sinasabi mo."
"Sorry. But I know him. Hindi siya yung tipong papayag na sa kanya mapunta ang pagiging hari sa Demon World. Siguro nga isa siya sa candidate sa pagiging Demon King. Maliban sa akin ay mas malakas pa kaysa sa kanya."
BINABASA MO ANG
Dealing With The Demon
RomancePrevious Title: Sold My Soul She is Christine Salvador, isa siyang ordinaryong tao na nakatira sa isang kagubatan dahil ayaw niya ng magulo, maingay at polluted na lugar. Isa siyang kilalang herbalist na nagbebenta ng halamang gamot. Until she met a...