Noong isang araw ay nagtayo ako ng pastry store sa city para malapit lang sa bahay namin. Grand opening nga ay ang daming pumunta para bumili ng cake ko at ang iba sa kanila ay kilala ko.
Magsasara na ako ng store noong tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Jerry sa caller ID. Bakit naman kaya tumatawag sa akin ito?
"He–"
"Help, girl!" Kumunot ang noo ko sa bungad ng kaibigan ko. Bigla akong kinabahan baka ano nangyari sa kanya.
"Bakit? Ano nangyari sayo? Kahit gusto kitang puntahan ngayon sa isla ay hindi pwede."
"Wala ako sa isla ngayon. Sinara ko na muna yung shop dahil may tinata– Wait, nakikita na kita!"
"Huh?"
Nakikita ko na si Jerry tumatakbo sa gawi ko. Yung takbo ng isang bakla.
"I miss you, girl." Nagbeso pa siya sa akin.
"Bakit nandito ka ngayon?"
"Nalaman na kasi ng pamilya ko na isang binabae at tumakas ako sa amin dahil bugbugin ako ni pudra. Tapos noong isang gabi may nakilala akong babae sa club. Lapit ng lapit sa akin. Kinakalibutan ako kapag naalala ko ang nangyari."
"Ano nangyari?"
"Nilagyan niya ng drug yung iniinom ko and she raped me. Yung pagiging virgin ko wala na." Maiyak iyak na sabi ni Jerry sa akin.
"Ibig sabihin lalaki ka na ulit?" Pang aasar ko sa kanya. Sayang naman kasi. Ang gwapo ni Jerry kaya hindi na ako magugulat kung may babae ang magkakagusto sa kanya.
"Gaga. Malabo mangyari yan. Masisira lang talaga ang beauty kapag naalala ko yun."
"Paano kung magkaroon pala ng bunga ang nangyari sa inyong dalawa? Hindi imposible yun. Kahit isa kang binabae ay pwede ka pa rin makabuntis ng totoong babae."
"Ihhh... Hindi ka nakakatulong! Hindi pa ako handa maging mudrakells. Baog ako."
"What?! Baog ka?"
"Hindi!" Pinalo niya ang braso ko. "Ayaw ko pa magkaroon ng anak. Pero mababaliw na ako, Chris."
Lagot ako nito kay Chrono dapat sa ganitong oras ay naglalakad na ako pauwi pero emergency naman ito kaya matatagalan lang ako ng kaunti.
Napalunok ako ng maramdaman ko na ang presensya ni Chrono sa malapit.
"Ayos ka lang, girl?" Tanong ni Jerry sa akin.
"Oo naman."
"Chris..." Heto na. Naririnig ko na ang boses ni Chrono.
"Ang hot naman noon. Parang bagong gising lang." Lumingon si Jerry kung saan nakatayo si Chrono. Yung seryosong mukha ng fiance ko kanina ay napalitan ng emotionless. Akala siguro nito may ibang lalaki na ako kaya natagalan sa paguwi. "Oh my! Si papa Chrono pala ito."
"Chrono, I'm sure you already met Jerry."
"Yeah." Tipid na sagot ni Chrono.
"Ay, mukhang nakakaisturbo na yata ako at anong oras na rin. Babalik na ulit ako bukas."
"Saan ka pala tumutuloy habang nandito ka?"
"Sa bahay ng friend ko." Tumango ako sa kanya at nagpaalam na sa amin si Jerry.
Mabuti na lang may matitirahan siya habang nandito siya. Hindi ko kasi siya pwede patirahin sa bahay. Baka malaman niya ang sikreto namin at matakot pa siya.
"What was that all about? Hindi ba dapat nasa isla yang kaibigan mo?" Tumingin ako kay Chrono habang naglalakad kami papunta sa kagubatan. Marami pa kasing tao sa labas kaya hindi kami pwede lumipad.
"May problema lang si Jerry kaya nandito siya ngayon. Nalaman na kasi ng pamilya niya na isa siyang bakla at gusto siyang bugbugin siya ng daddy niya. Siya lang kasi ang kakaisang lalaking anak nila at sa kanya umaasa ang daddy niya na matutuloy ang angkan nila."
"Eh, gawin nating lalaki siya para hindi siya mapahamak sa daddy niya." Hinawakan ko ang braso ni Chrono para pigilan. May balak kasing puntahan si Jerry.
"Huwag na. Hayaan mo na ang tadhana ang bahala sa kanya."
Humarap na sa akin si Chrono noong huminto na kami sa paglalakad dahil nasa tapat na kami ng bahay.
"Let's discuss about our wedding."
"Sa loob na natin pagusapan." Tumango siya at nauna na siyang pumasok sa loob.
Sabay na kami pumunta sa kwarto namin. Nagpapalit na ako ng pambahay habang nakaupo sa gilid ng kama si Chrono. Wala na rin naman ako maitatago sa kanya kung ilang beses na niya nakita ang katawan ko.
"Saan mo gusto? Any suggestion?"
"Dahil hindi tayo pwede magpakasal sa simbahan. Garden wedding o beach wedding lang pwede mangyari."
"Garden wedding. Let's get married at night. Alam mo namang ayaw ko sa sinag ng araw. Para akong malulusaw."
May pagusapan pa tungkol sa kasal nalalaman si Chrono ngayon kung siya rin pala magisa ang magdedesisyon.
"Alam mo kung ikaw lang pala magdedesisyon tungkol sa kasal. Sana hindi mo na lang hiningi ang suggestion ko." Humiga na ako sa kama at kinumutan ko na ang buong katawan ko. Naiinis talaga ako. Wala naman problema kung sa garden kami magpapakasal pero sana hindi na lang niya ako tinanong.
"Are you mad, Chris?"
"Hindi. Pagod lang ako kaya gusto ko na matulog." Pumikit na ako para makatulog na.
"Pero hindi napapagod ang katulad nating demon. Hindi ka isang tao ngayon." Dumilat ako noong marinig ko ang sinabi ni Chrono. Sa dami ko pwedeng kalimutan ay iyon pa talaga. Nawawala palagi sa isipan ko isa na pala akong demon ngayon.
"Gusto ko ng matulog. Kung ayaw mo pang matulog ay huwag mo na ako isturbuhin."
Nagising ako ay madilim pa rin sa labas. Tiningnan ko ang oras and it's 2am. Bakit ako magising sa ganito kaaga? Tiningnan ko rin ang katabi ko pero wala rito si Chrono.
"Nasaan naman kaya pumunta yun?" Bumangon na ako para hanapin si Chrono. Hanggang sa makita ko siya sa may garden.
Lumingon siya sa akin at halata sa mukha niya ang pagtataka na makita akong gising na sa ganitong oras.
"Ang aga mo magising. Wala pang araw."
"Ewan ko ba kung bakit ako nagising ng ganitong oras. Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito sa garden?"
"Nagpapa–" Huminto siya sa sasabihin niya at nilagay niya ang tenga sa may tyan ko. Huwag mong sabihin...
"Ano ang ginagawa mo? Huwag mong sabihin sa akin may naririnig kang heartbeat."
"Yes, but I heard 4 heartbeats." Nakangiting tumingin sa akin si Chrono.
Apat na pulso ang naririnig niya sa sinapupunan ko? Seriously? Quadruplets ang magiging anak namin ngayon?!
"We're having a quadruplets, Chris. Wala ka bang nararamdaman na kakaiba kaninang umaga?"
"Wala naman akong nararamdaman na kahit anong simtomas. Ni hindi nga ako naglilihi kumpara noong pinagbubuntis ko pa lang si Caitlyn."
"May apat na babies ang parating sa atin. May aalagaan na naman si Tony pagdating nila."
Grabe naman mag asintado nito dahil apat ang nasa sinapupunan ko ngayon. Ang pagkaalam ko ay mahirap magdala ng apat na baby. Sa kambal nga nahihirapan na ang ibang magulang, sa quadruplets pa kaya.
Naramdaman ko ang paglapad ng palad ni Chrono sa tyan ko kahit maliit pa naman.
"I am sure we are having 2 girls and 2 boys."
"Paano mo malalaman? Noong pinagbubuntis ko nga si Caitlyn ay ang sabi mo lalaki ang magiging anak natin pero babae ang panganay natin."
"Ugh. I can feel it this time. O hindi kita titigilan hanggat hindi ako tumatama sa nararamdaman ko."
Grabe siya! Apat na nga itong nasa sinapupunan ko ngayon tapos may plano pang sundan kapag hindi siya tumama sa sinasabi niyang gender ng baby.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Demon
RomancePrevious Title: Sold My Soul She is Christine Salvador, isa siyang ordinaryong tao na nakatira sa isang kagubatan dahil ayaw niya ng magulo, maingay at polluted na lugar. Isa siyang kilalang herbalist na nagbebenta ng halamang gamot. Until she met a...