2

567 17 0
                                    

Nagising ako dahil may naamoy ako parang nasusunog. Agad akong bumangon para lumabas sa kwarto ko. May nakita akong itim na usok nagmumula sa kusina.

"Shit." Nagmamadali akong pumunta sa kusina at nakita ko si Chrono. Agad ko kinuha ang kawali na pinag gamitan niya kaya lang napaso ako. "May balak kang sunugin ang bahay ko ah?! Wala akong pakialam kung isa kang demon o hindi!"

"Gusto ko lang naman gumawa ng pagkain gaya ng ginagawa niyong mga tao."

"Sana ginising mo ko!" Hinawakan ko pa rin ang kamay ko kung saan ako napaso kanina dahil sobrang hapdi. Pero mukhang napansin ni Chrono iyon kaya hinawakan niya ang kamay ko. "Ano ang ginagawa mo?"

"Gagamutin ko." Tinapat niya ang kamay niya at may ilaw na lumabas. Bakit biglang bumait si Chrono ngayon? Paniguradong may kailangan ito sa akin. O baka ang dugo ko ang gusto niya. Agad ko binawi ang kamay ko. "Ang ginagawa mo? Ginagamot ko iyan."

"Huwag na. Alam kong may kapalit kaya mo iyan ginagawa."

Pagkatapos kumain ng agahan ay pumunta na ako sa city para ibenta yung mga nagawa kong herbal. Kahit ayaw kong sumunod sa akin si Chrono ay mapilit na sumama sa akin.

"Hi, Chris." Bati sa akin ni Fred.

"Hello, Fred." Masaya ako dahil nakita ko ulit siya ngayon. Kahit minsan lang.

"Tumawag ako sayo kahapon pero hindi na kita matawagan. May nangyari ba sayo? Nagaalala kasi ako."

"Huh? Ayos lang ako. Wala naman nangyaring masama sa akin." Sagot ko pero napansin kong tumitingin si Fred kay Chrono.

"Sino itong kasama mo?"

"I'm Chrono. I'm–" Tinakpan ko ang bibig ni Chrono. Baka sabihin niyang isa siyang Demon King. Kaso inalis niya ang kamay ko. "I'm Chris' boyfriend."

What? Ano daw? Boyfriend ko? Mas tatanggapin ko pang mamatay ako kaysa maging boyfriend ito.

"Boyfriend? Hindi alam may boyfriend ka na pala ngayon, Chris. Bakit ngayon mo pa lang siya pinakilala sa akin?"

"Kailangan ba niyang sabihin sayo ang lahat kung meron na siyang boyfriend? Baka sa susunod gusto mo rin malaman kung meron nangyari sa aming dalawa. Ito lang sasabihin ko–" Hindi ko na pinatapos ang sasabi ni Chrono kay Fred noong hinatak ko na siya.

"S-Sige, Fred. Alis na kami." Nahihiya na tuloy akong humarap kay Fred ngayon. Kung anu-ano ang sinasabi nitong kasama ko. "Ano ang pinagsasabi mo kanina? At saka boyfriend ko? Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging boyfriend ka."

"Ano ang nagustuhan mo doon? Ang panget naman."

"Makapag lait ka. Wala sa itsura ng tao iyan. Kumpara sayo mas maganda pa ang ugali niya. Iyon ang nagustuhan ko at simulang namatay ang mga magulang ko ay ang pamilya niya ang tumulong sa akin noon."

"Hindi ko talaga kayo maintindihan mga tao. Bilisan mo dahil kailangan ko ng bumalik sa Demon World."

"Eh, bumalik ka sa mundo niyo. Hindi ko namang sinabi na mag-stay ka rito sa mundo namin."

"I need your soul, Chris para pwede kong kalabanin na yung hari sa mundo namin at para ako ulit ang hari."

"Bago mangyari iyan ay may isa pa akong gustong gawin."

"Ano na naman yun?"

"Sumunod ka na lang sa akin." Nauna na akong maglakad sa kanya.

Bumili na muna ako ng bulaklak bago dumeretso sa sementeryo para dalawin ang mga magulang ko.

"Ito ba ang gusto mong gawin ngayon?"

"Oo at manahimik ka na muna dahil kakausapin ko na muna sila." Nilagay ko na ang bulaklak na binili ko sa puntod ng mga magulang ko. "Hi, mama, dad. Sorry po kung ngayon lang ako nakadalaw ulit sa inyo. Baka ito na po ang huli dalaw ko sa inyo at magkikita na lang po tayo sa kabilang mundo. I missed you both."

Nagpaalam na ako sa mga magulang ko na aalis na kami ni Chrono. Habang naglalakad pauwi sa bahay.

"Ilang taon ka na, Chrono?"

"Sa Demon World nasa 28 pa lang ako. Samantala sa mundo niyo ay mahigit 1000 years old."

"So, fossil ka na pala dapat sa mundo namin." Natatawang sabi ko. Lolo ko na pala siya.

"May gusto ka pa bang gawin ngayon?"

"Wala na." Humarap ako sa bahay ko noong makarating na kami. "Mamimiss ko itong bahay. Kahit magisa lang ako nakatira rito pero marami naman akong magagandang alaala sa bahay na ito."

Nagulat ako noong biglang paghalik sa akin ni Chrono. Hindi ako tumugon sa halik. Ano siya sinuswerte? Pagkatapos niya ako babuyin kahapon.

"Nagbago na ang isip ko." Kumunot ang noo sa sinabi niya. "Hindi ko na muna kukunin sayo ang kaluluwa ko at dito na rin ako maninirahan kasama ka."

"Ano?! Hindi maganda biro iyan, Chrono. Pumapayag na akong ibigay sayo ang kagustuhan mo para bumalik ka na sa inyo tapos magbabago ang isi–"

"Give me a child."

"Ano? Ayaw ko. Hindi ko ibibigay ang sarili ko sayo. Tanggap ko pang mamatay akong virgin kaysa may mangyari sa atin."

"Mahirap ba ang hinihiling ko sayo? Simple lang naman iyon at hindi ka na mamatay. You can live in this world. Hindi ko na nga muna kukunin ang kaluluwa mo. Dapat matuwa ka pa."

"Talagang mahirap ang gusto mong mangyari. Bigyan ka ng anak? Psh. Unang una, hindi kita mahal para ibigay ko sayo ang sarili ko at huli, hindi simple ang hinihiling mo. Hindi ko nga pinangarapan na magkaroon ng anak ng isang demon."

Sasagot pa sana siya pero biglang nag-transform si Chrono.

"Tumakbo ka palayo rito, Chris."

"Bakit? Ano ang binabalak mo?"

"Basta lumayo ka na lang dito kung gusto mo pang mabuhay."

"Hindi ko susundin ang inuutos mo sa akin kung hindi mo sabihin sa akin ang dahilan, Chrono."

"Sumunod ka na lang!" Napatalon ako sa gulat. Nakakatakot talaga magalit ang kagaya ni Chrono. Baka magbago pa ang isip niya at tuluyan na niya akong patayin.

Tumakbo na ako palayo sa bahay kahit hindi ko alam ang dahilan ni Chrono kung bakit niya ako pinapalayo doon.

Hingal na hingal ako dahil malayo layo na rin ang tinakbo ko kanina. Mabuti na nga lang ay familiar ako sa gubat na ito kaya hindi ako maliligaw agad.

Dealing With The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon