8

524 15 0
                                    

"Kumain ka na ba? Alam kong hindi ka pa kumakain simula pa kagabi."

"Ah, ayos lang ak–" Namula ang pisngi ko noong umingay ang sikmura ko. Narinig ko na naman ang pagtawa ni Chrono. Nakakahiya.

"Ibang klase ka talaga. Hindi ka pa kumakain pero sasabihin mong ayos ka lang." Nakita ko ang pagtayo ni Chrono habang hawak ang tray. "Tara na doon sa tayo sa ibaba kumain para makakain ka na rin."

Sabay na nga kami ni Chrono kumain sa harap ng hapag.

"Sorry kung nagising ka naman ng ganitong oras."

"Ayos lang. Hindi naman ako makatanggi kapag may humalik sa akin." Pakiramdam ko ay parang umakyat ang lahat na dugo ko at pulang pula na ako ngayon. Nakakahiya yung ginawa ko na dapat nanakawan ko siya ng halik pero nalaman niya.

"Kaya mo ba ako tinanong noong isang araw kung mamahalin ko rin ba ang kagaya mo?" Tanong ko sa kanya.

"Mm..." Tumango siya sa akin pero biglang nag iba ang kulay ng mga mata niya. Naging pula ito. Naalala ko na naman yung nakakatakot na tingin sa akin ni Chrono kahapon. "Ano ang kailangan mo rito? Hindi ba sinabi ko na bawal kayo pumunta sa mundo ng mga tao?"

"Ang cold naman ng pag welcome mo sa akin dito." Tumingin ako sa isa pang nagsalita at hinawakan ni Chrono ang kamay ko. "Nandito ako para–"

"Hindi ako babalik sa Demon World kaya makakabalik ka na doon."

"Maguusap na lang tayo pagkatapos niyong kumain." Umalis na siya sa kusina kaya tumingin ako kay Chrono.

"Sino yun? Kaibigan mo?"

"Hindi ako makikipag kaibigan sa katulad niya at hindi na importante kung sino yun dahil aalis na rin siya mamaya."

Tahimik lang na natapos si Chrono sa pagkain niya at tumayo na siya.

"Papaalisin ko na muna yung peste at mamaya ay ikaw naman ang kakainin ko." Namula na naman ang pisngi ko sa sinabi ni Chrono.

"P-Pwede bang huwag mo naman araw-arawin na angkinin ako. Sumasakit ang buong katawan ko, eh."

Hindi na ako sinagot ni Chrono dahil iniwanan na niya ako dito sa kusina. Ewan ko kung narinig niya ang sinabi ko kanina. Kapag hindi niya narinig ay sasakit na naman ang katawan ko bukas. Walang katapusan na pang aakit niya sa akin.

Ang hirap paniwalaan na sa kanya ko sinuko ang bataan ko para lang bigyan ko siya ng anak.

Pagkatapos kumain ay umupo na ako sa sofa. Sobrang bored. Hindi ako sanay na walang ginagawa.

"Hello." Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya sa likuran ko. "Sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka. Nawala sa isipan ko isa ka nga pa lang tao."

"Ano ang kailangan mo sa akin?"

Bago pa niya ako sagutin sa tanong ko ay umupo na muna siya sa tabi ko.

"Sorry nga pala sa nangyari noon. Kung kailangan kong patayin ka para bumalik siya sa De–"

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako kamuntikan mamatay noon?! Ikaw rin ang dahilan kung bakit wala akong maalala tungkol kay Chrono!" Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Ano ang ginagawa niya sa mundo namin?

"Chrono pala ang pangalan niya sa mundo ng mga tao."

"Wala kang pakialam kung ano man ang pangalan niya dahil kasalanan niyo rin naman mga demons na kalimutan niyo ang pangalan ng dati niyong hari." Tumayo na ako at saktong pagkakita ko kay Chrono kaya tumakbo ako papunta sa kanya sabay yakap.

"May ginawa ba sayo si Lucifer?"

Lucifer? Bagay sa kanya ang pangalan niya. Halatang kontra bida.

"Galit ako sa kanya. Siya pala ang dahilan kung bakit ako muntikan na mamatay noon at wala akong maalala tungkol sayo."

"Ang importante ay buhay ka ngayon at ako ang nagbura ng mga alaala mo tungkol sa amin mga demons, Chris."

"Bakit mo pala ginawa yun?"

"Ayaw ko maalala mo ang mga nangyari noon. Ang importante kung ano nangyari ngayon."

"Magpapahinga na muna ako dahil gusto ko pang matulog." Sabi ko at naglalakad na ako papunta sa kwarto ni Chrono. Pakiramdam ako para ang bigat ng buong katawan ko ngayon. Magkakasakit ba ako? Huwag naman sana.

Nagising ako ay gabi na pero wala sa tabi ko si Chrono. Baka nasa ibaba lang siya o sa garden.

Pinuntahan ko ang buong bahay pero ni wala kahit anong anino ni Chrono dito. Kahit nga sa garden ay wala rin siya doon. Nasaan kaya siya pumunta? Wala rin si Tony kahit yung demon na kinaiinisan ko.

Nasaan ang mga iyon? Iniwanan ba ako magisa?!

Ayaw ko ng ganito. Ang iiwanan ako magisa.

"Bakit ka umiiyak?" Tumangala ako at nakita ko si Chrono.

"Chrono." Niyakap ko siya dahil bumalik siya sa akin. "Akala ko iniwanan mo na ako."

"Hindi mangyayari yan. Bibigyan mo pa ako ng anak." Umupo na siya sa tabi ko.

"Kapag binigyan na ba kita ng anak ay iiwanan mo na ba ako?"

"Hindi dahil ang gusto ko ay makasama ka." Hinawakan ni Chrono ang pisngi ko pero kumunot ang noo niya. "Bakit sobrang init mo?"

Hinawakan ko ang noo ko. Mainit nga ako. Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko kanina pagkagising ko.

"Sobrang pagod ko siguro at ilang araw na rin kasi ako wala masyadong tulog."

"Tsk." Binuhat ako ni Chrono na bridal style. "Magpahinga ka sa taas at uutusan ko si Tony na bumili ng gamot mo."

Binaba na ako ni Chrono sa kama at nilagyan na rin niya ako ng kumot. Ang hirap talaga maging tao dahil madali magkaroon ng sakit. Konting pagod lang ay pwede ka ng magkasakit. Hindi katulad sa mga demons na hindi ka magkakasakit pero hindi ko naman hiniling na maging katulad nila ako.

"Magpahinga ka na. Uutusan ko lang si Tony na bumili ng gamot at magpapaluto ako ng makakain mo sa maid."

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako ulit kanina. Nakita ko si Chrono na may dalang tray.

"Kumain ka na muna bago uminom ng gamot mo."

"Pero ayaw kong uminom ng gamot."

"Huwag na matigas ang ulo. Paano ka gagaling kung hindi ka iinom ng gamot mo mamaya? Nagaalala lang ako sa kalagayan ng baby natin."

"Hindi pa ako buntis!" Singhal ko sa kanya.

Ano kaya ang mangyayari sa akin kapag nagkaroon na ng bata sa sinapupunan ko? Malabong hindi ako mabuntis agad dahil ilang beses ako nilabasan ni Chrono sa loob ko. Iyon naman ang usapan namin na bibigyan ko siya ng anak.

"Soon. At nararamdaman ko na malapit na tayo magkaroon ng anak."

Pagkatapos ko kumain ay tinitingnan ko lang yung gamot sa palad ko. Ayaw ko talaga uminom ng gamot pero kinuha sa akin ni Chrono yung gamot. Nilagay niya ang gamot bibig niya sabay inom sa tubig at hinalikan niya ako para mainom ko yung gamot.

"Pinapairal mo na naman ang mtigas ng ulo mo, Chris. Hindi ka gagaling kapag hindi mo ininom ang gamot."

Gusto ko palagi ganito si Chrono sa akin. Hindi yung galit siya dahil nakakatakot magalit si Chrono. Kulang na lang ay pati ako patayin niya.

Dealing With The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon