12

490 14 0
                                    

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang gusto ko kumain ng lamang loob ngayon but I don't want to eat a raw foods. Bakit ako nagkakaganito? Hindi naman ako kumakain kung hindi pa luto. So weird.

Huminto ako sa paglabas ng bahay dahil sobrang sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

"Ugh." I started to hate sun since the day I became a demon like him. Pero hindi naman ako pumapatay ng tao kagaya niya, no! "Bahala na nga! Gusto ko ng kumain."

Pumunta ako sa pinaka gitna ng kagubatan na hindi naman malayo sa bahay niya. May nakita ako agad na hayop kaya sinugod ko kaagad.

Enjoy na enjoy ako sa pagkain ng lamang loob ng hayop na ito. This is not me.

"Chris?" Tsk. Heto na naman siya. Siya ang ayaw kong makita kahit isang araw lang kahit alam kong imposible. Isang bahay lang kami nakatira.

"Nakikita mo namang kumakain ako dito. Ano kailangan mo?" Tiningnan ko siya. Isang malamig na titig. Wala akong panahon makipag away sa kanya.

"Kumakain ka ng lamang loob ng hayop? Hindi ka naman ganito noon ah." Pinatayo na niya ako at mas lalong umiinit ang ulo ko sa kanya. Isturbo sa pagkain, eh.

"Ano ba kasi ang kailagan mo?! Nakikita mo naman kuma–"

"Wait." Nilapit niya ang mukha niya sa may tyan ko. "I can hear a heartbeat. Mahina pero nakakasigurado akong..."

Kumunot ang noo ko noong makita ko siyang nakangiti. Ngayon ko lang siya makitang ngumiti. Marunong pala ngumiti ang isang demon.

"We're having a baby." Sa pagkagulat ko ay agad kong hinawakan ang tyan. Kaya ba gustong gusto kong kumain ng lamang loob dahil ito ang gusto niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit lamang loob ang pinaglilihian ko. Isang batang demon ang nasa sinapupunan ko ngayon.

Ibig sabihin pala pagkapanganak ko sa kanya ay makaalis na rin ako sa puder niya. Tapos na rin ang trabaho ko rito dahil binigyan ko na siya ng anak.

Bumalik na ako sa pagkain ng lamang loob ng hayop.

"Do you really want to leave me?"

"Iyon naman ang pinagusapan natin noon, diba? Kapag binigyan na kita ng anak ay papakawalan mo na ako. Ayan, nakuha mo na ang gusto mo magkaroon ng anak. Kaya pagkapanganak ko sa batang ito ay aalis na ako at magsisimula ulit ng bagong buhay. Kalimutan na natin kung paano tayo nagkakilala noon."

Lumingon ako noong hindi ko na maramdaman ang presensya ni Chrono. Wala na nga siya dito. Parang ako pa tuloy ang may nagawang mali sa aming dalawa. Nakakaramdam ako ng guilt.

Noong matapos na ako sa pagkain ay inayos ko na ang sarili ko.

"Chris." Tumingin ako sa likod dahil bumalik siya.

"Ano ang kailangan mo?"

"I love you." Namilog ang mga mata ko. Bakit niya iyon sinasabi sa akin? Isa siyang demon at ano ba ang alam niya sa salitang iyon. "Mali ba ang sinabi ko? Pero pagkaalam ko ay iyon ang sinasabi ng mga tao sa mahal nila."

"Chrono, bakit?"

"Ah, may isa pa akong gustong ibigay sayo." Hindi niya narinig ang tanong ko kanina. O baka naman nag bingi-bingian lang siya. Nakita ko rin kung paano siya nagsuot ng glove sa isa niyang kamay at may inabot siyang bulaklak sa akin. "Para sayo."

I see, para hindi malanta ang mga halaman kapag hinahawakan ng mga demon ay kailangan nilang magsuot ng gloves.

"Hindi ko kailangan yan. Ang kailangan ko sagutin mo ang tanong ko kanina."

"Kailangan pa bang tanungin kung bakit? Palagi ko naman sinasabi sayo na mahal kita. Tinuruan mo ko noon kung paano mamuhay kagaya ng isang tao, intindihan ang mga tao kahit isa akong demon. Ayaw kong mangyari isang araw ay lalayuan mo na lang ako kapag may hindi ako nasunod noon sa kagustuhan mo. Inaamin kong makasarili ako dahil sarili ko lang palagi kong iniisip pero binago mo ko."

"Ngayon natupad na ang kagustuhan mo. Sana ang kagustuhan ko naman ang matupad."

"Pwede mo namang gawin ang kagustuhan mo kahit hindi mo na kailangan iwan kami ng anak natin."

"Gusto kong lumayo. Gusto kong kalimutan ang tungkol sayo. Alam kong hindi na maibabalik ang pagiging tao dahil ginawa mo na akong demon."

"Kapag hindi ko ginawa iyon ay mawawala ka sa akin, Chris. Gusto pa kita yayain magpakasal sa akin."

Kumurap ako dahil naririnig ko ang iniisip niya. Bakit ganoon? May balak siyang yayain ako. Sa tingin ba niya papayag akong magpakasal sa kanya? Psh. Isang kalokohan.

"Buo na ang desisyon ko, Chrono. Hindi mo na ako mapipigilan." Pinunasan ko na ang gilid ng labi ko dahil may dugo pa naiwan. Nilagpasan ko na rin si Chrono kasi gusto ko ng bumalik sa loob.

Kapag umalis na ako sa puder niya ay kailangan kong sanayin ang sarili ko na tumagal kahit tirik pa ang araw. Balik sa trabaho ko bilang herbalist.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay umupo ako sa sofa. Nagpapasalamat ako dahil dumating na ang kagustuhan niya na magkaroon ng anak. Konting panahon na lang titiisin ko at aalis na ako rito.

Nagising ako ng may narinig akong ingay mula sa labas. Kaya nga ako nakatira sa kagubatan para walang ingay at makaka relax ako pero sobrang ingay naman nito.

"M-My lord..." Rinig ko ang boses ni Tony kaya sumilip ako sa ibaba. Kitang kita galit si Chrono dahil sinira niya ang lahat na gamit rito.

"I'm going back to the Demon World!" Sabi niya at napansin kong tumingin rin siya sa akin. Tumalikod si Chrono bago pa siya nawala sa paningin ko.

"Tony, ano nangyari doon?" Tanong ko noong nakababa na ako.

"Hindi ko alam. Bigla na lang sinisira ni lord Chrono ang mga kagamitan rito. Nagaway ba kayong dalawa?"

"Binibiro mo ko ah. Natutulog ako kanina at nagising nga ako ingay kanina, eh. Paano naman kami magaaway na dalawa?"

"Hindi magagalit si lord Chrono ng ganoon kung hindi kayo nagaaway na dalawa. Kilala ko siya simulang mga bata pa lang kami."

Ano kaya ang problema noon? Hindi ako makapunta sa mundo nila dahil hindi naman ako kilala doon. Baka patayin pa ako kapag nakita ako ng mga bantay doon. Mahirap na.

Nagulat na ako sa pagsampal ni Eleanor sa akin pagkarating niya rito sa mundo ng mga tao.

"Ano na naman ba ang ginawa mo?! Bakit pumunta ng Demon World si Chrono nagalit?!"

"Ewan ko. Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi siya tanungin mo?"

"Sinusubukan namin siyang kausapin pero lahat kami pinapalayas niya. Maraming guards na pinatay si Chrono, Chris. Kung hindi mo magagawang mahalin si Chrono ay mas mabuti pang umalis ka na rito."

"Aalis na talaga ako pagkapanganak ko sa batang ito nasa sinapupunan ko."

"Buntis ka?"

"Oo at kung tatanungin mo si Chrono ang ama. Oo, siya ang ama nito. Wala ng iba. Ito ang usapan naming dalawa kaya pagkapanganak ko ay aalis na ako dito. Kakalimutan ko na ang tungkol sa inyo at mamumuhay ako ng normal."

Dealing With The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon