(Aurora's POV)
"One last pose, Ms. Strauss," sabi sa akin ng photographer ng isang sikat na clothing company.
Habang abala ako sa pag-pose sa harap camera napansin kong parang nagkaroon ng komosyon sa likurang bahagi ng studio.
"What's happening over there?" tanong ko sa photographer. Kaya naman napa-lingon din ito sa direksyong tinitignan ko. Biglang lumapit sa pwesto namin ang isang staff.
"Ms. Strauss, y-yung daddy mo n-nasa labas," na-uutal na sabi niya. Pintado sa mukha ang takot kaya naman hinawakan ko ang balikat niya para pakalmahin siya.
Ngumiti ako sa kanya, "don't worry about hi-," hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tuluyan nang naka-pasok sa loob ng set ang daddy ko kasama ang sandamakmak niyang mga bodyguard.
"You're done here, Aurora. You will quit modeling! Ryan, siguraduhin mong hindi ka matatakasan ng batang iyan," ma-otoridad na sabi ni daddy pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad palabas ng set.
Ang isang bodyguard ay napwesto sa kaliwa ko at ang isa naman ay nasa kanan ko, "DON'T TOUCH ME!" Iritadong sigaw ko nang akmang hahawakan nila ako sa magkabilang braso. "Sasama ako sa inyo," mahinahong sabi ko at tahimik akong lumabas ng set habang nakasunod lang sila sa likod ko.
Pagkalabas namin ng set, bumungad sa akin ang mga nakahilerang sasakyan ng ama ko. Pinili kong sumakay sa kotse kung saan siya nakasakay.
"What's your problem dad?!" Bungad ko sa kanya nang makapasok ako sa loob ng limousine.
"Don't raise your voice on me, Aurora" puno ng babala ang baritonong boses niya kaya pinili ko nalang manahimik habang nasa biyahe kami.
Ibinaling ko ang lahat ng atensyon ko sa mga tanawing nakikita ko sa bintana habang pinipilit ko pa ring pakalmahin ang sarili ko.
"Your eyes are glowing," walang emosyong sambit ni daddy.
Palaging umiilaw ang mga mata ko kapag hindi ko na kayang kontrolin ang emosyon ko. Ito ay dahil sa pagiging alchemist ko at pagkakaroon ng telekinetic powers. Minana ko ito sa aking yumaong ina.
Hinilot ko nalang ang sentido ko at pumikit hanggang sa makarating kami sa mansiyon. Pagkalabas namin ng kotse ay binati kami ng mga nakahilerang kasambahay namin. Pagpasok naman namin sa mansiyon ay sinalubong kami ng mga nakatatandang kapatid ko.
"Look, River, nandito na yung salot sa pamilya natin," puno ng pandidiring tumingin sa akin ni Celestine at ganoon din si River.
"Stop it, Celestine!" Saway sa kanya ni Xavier. "Kahit anong gawin niyo, kapatid pa rin natin si Aurora kaya hindi niya dapat siya pinagsasalitaan ng ganiyan," dugtong pa nito.
BINABASA MO ANG
Leashed Heart
General Fiction[[UNDER REVISION]] Strauss Family is well-known for their talent and passion in classical music except Aurora, their youngest. She have no talent in music that is why she is considered as an outcast of her own family. Her family's cold treatment and...