(Aurora's POV)
"WAKE UP!!!~ GRAB A BRUSH AND PUT A LITTLE MAKE UP!!!~"
Napabalikwas ako ng bagon nang makarinig ako ng malakas ng tunog ng speaker. Hindi lang iyon, may sumasabay pang kumanta sa tugtog ng speaker. Napalingon ako sa pinang-gagalingan ng ingay at napansin ko ang isang babaeng nakatuntong sa kama na nasa tabi ng kama ko.
"~HIDE THE SCARS TO FADE AWAY THE-" napatigil siya sa pagsabay sa kanta nang mapansin niya na naka-tingin ako sa kanya ng masama. Hinugot niya sa pagkaka-saksak yung speaker.
"I'm sorry," bumaba siya sa kama niya at umupo siya sa gilid ng kama ko. "I'm really sorry. Hindi ko alam na may bago pala kaming roommate." Paumanhin niya. Mukha naman sincere ang pag-hingi niya ng tawad. Isa pa...
...SHE'S A F*CKING SYSTEM OF A DOWN FAN!!!
"Bakit mo pinatay yung speaker?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Ang sama ng tingin mo eh. Hindi ba Strauss ka? So I assume that you hate heavy rock music. Your family is into classics and stuff."
"Nagulat kasi ako sa lakas ng speaker. Truth to be told, I LOVE SYSTEM OF A DOWN!!!"
"OMG!!! REALLY?!" Nanlalaking matang tanong niya. "I'm Sloane Granger, by the way." inilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko iyon.
"Aurora Strauss," nginitian ko siya.
"I feel like we're going to be best friends YIIEEE!!!" tili niya.
"Good morning, Sloane! Good morning, Aurora!" Masiglang bati ni Kyra. Kakabangon niya lang sa kama niya. "Masasanay ka rin sa alarm clock ni Sloane. Araw araw niyang pinapatugtog iyan tuwing umaga."
May tatlong kama na magkaka-hilera dito sa dorm namin. Yung kama ko yung nasa pinakadulo, kay Sloane naman ang nasa gitna.
"Anong year and section mo, Aurora?" Tanong ni Sloane.
"Senior year, section S."
"Mag-classmates tayo!!!" Tili ni Kyra at Sloane.
"Kumilos na tayo, baka ma-late tayo. 7 o'oclock, breakfast, 8 o'clock ang first subject natin," sabi ni Kyra na para bang sekretarya.
"Masanay ka na, palagi niya chine-check ang schedule para siguradong hindi kami, I mean tayo, ma-late. Elysian Academy ito, students here always practice punctuality." Nakangiting paliwanag niya.
Buti kanya-kanya kami ng banyo kaya hindi na namin kailangang mag-unahan pa.
Isinuot ko ang school uniform na provided ng mismong academy pero imbis na isuot ko ang sapatos na kasama nito, isinuot ko ang paborito kong leather combat boots. Hindi na ako nag-abala pang mag-make up at mag-ayos ng buhok.
BINABASA MO ANG
Leashed Heart
General Fiction[[UNDER REVISION]] Strauss Family is well-known for their talent and passion in classical music except Aurora, their youngest. She have no talent in music that is why she is considered as an outcast of her own family. Her family's cold treatment and...