(Aurora's POV)
Sunday...
Nakatulala lang ako sa veranda habang nagka-kape. Pinag-iisipan ko pang mabuti kung sisiputin ko si Chaste mamaya sa "date" namin.
"HOY!!!" Sumulpot si Sloane sa harap ko at may dala itong gitara. Umupo ito sa gilid ko at nag-umpisang kalabitin ang mga string ng gitara niya. Ang sarap sa tainga ng instrumental na tinutugtog niya.
"Pansin ko, hindi ka um-attend sa music class kahapon." Sabi niya habang patuloy na tinutugtog ang gitara niya.
"Wala akong talent sa music."
"How come? You're from a family of musicians."
"My mom used to say that I'm especially different."
"Your mom is right," napahinto siya sa pagtugtog at tumingin sa akin, "You're an alchemist and a psychic!!! What's more awesome than that?!"
Napatawa ako sa sinabi niya, "silly."
"Pero seryoso, you're special. I'm glad I'm one of your few friends." Ngumiti itong muli.
"May itatanong ako."
"Ano iyon?"
"Papayag ka bang makipag-date sa taong nanakit sa iyo?"
"Depende. Kung umaasa akong nagbago na siya then the answer is yes. Pero kung natatakot akong saktan niya ulit ako then the answer is no."
"What if you're torn in between?"
"Gut feeling. Kung ano unang pumasok sa isip mo, that's it."
Napa-isip ako sa sinabi ni Sloane. "Gut feeling, huh?"
Fast forward...
Bago mag-6pm na isipan kong mag-ayos ng sarili ko kahit kaunti lang. I ended up wearing my usual attire, a black statement shirt, denim shorts, and my favorite combat boots. Napatingin ako sa salamin, at naisipan kong mag make-up ng kaunti. Medyo matagal na rin yung huling gumamit ako ng kolorete sa mukha. Mascara, blush, and lip gloss will do.
Lagpas 6pm ako lumabas ng gate ng Elysian at tulad ng sinabi niya, "maghihintay siya." Nakasandal siya sa Rolls Royce Phantom niya habang naninigarilyo. Hindi muna ako lumapit sa kanya, pinagmasdan ko muna siya mula dito pwesto ko. Maraming babae ang nahuhumaling sa kanya at hindi ko naman sila masisisi. Maging ako ay nahumaling din sa lalaking ito. Paanong hindi? Ubod ng gwapo ang taong ito. Being a full-blooded Spanish, his prominent feature is his dark brown doe eyes surrounded by a generous amount of thick eyelashes. His innocent-looking eyes give contrast to his over-all bad boy look.
Lumapit ako sa kanya ng mapansin kong tapos na siya manigarilyo.
"Aurora, let's go?" He asked.
BINABASA MO ANG
Leashed Heart
General Fiction[[UNDER REVISION]] Strauss Family is well-known for their talent and passion in classical music except Aurora, their youngest. She have no talent in music that is why she is considered as an outcast of her own family. Her family's cold treatment and...