Chapter 5

1.4K 76 50
                                    

(Aurora's POV)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Aurora's POV)

Sa huling pagkakataon ay bumisita ako sa opisina ng dati kong modeling agency. Dala dala ko ang mga damit na hindi ko na magagamit dahil hihinto na ako sa pagmo-modeling, for good. Laking gulat ng dati kong manager nang makita niya ako.


"Anong nangyari sa iyo, Aurora?" puno ng pag-aalalang tanong niya sa akin.

"Dumaan lang ako para ibigay sa iyo ang mga ito," nakangiting sambit ko.

"Sigurado ka? Titigil ka na ba talaga?"

"Oo," napabuntong hininga na lang ako. Sa totoo lang ayaw ko talaga. "Gustuhin ko man, wala naman akong panahon. Isa pa, hindi kakayanin ng konsensya kong ma-ipasara ang company niyo dahil lang sa pansarili kong kagustuhan. Pag nagpumilit ako, alam niyo namang sa isang iglap kayang pabagsakin ni daddy ang agency niyo," paliwanag ko.

"Kung may spare time ka pwede ka naman mag-pose para sa photoshoot kahit hobby na lang. You're always welcome here."

"Susubukan ko," muli ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.


Handa na akong talikuran ang lahat. Kung may isang bagay na hindi mawawala dahil sa pagtalikod ko sa modeling, iyon ay ang confidence na binuo ko sa mga nakalipas na taon. Natuto akong lumakad ng taas noo dahil gusto kong maging tulad na ama ko na tinitingala ng marami. Natuto akong maging manhid dahil nasanay na lang ako sa mga sakit na natanggap ko, mula sa sarili kong pamilya at sa taong dating nagpasaya sa akin. Nakakalungkot isipin na kailangan kong magpaalam sa bagay na gusto ko pero naisip ko na hindi pa ito ang katapusan.


Pumunta ako sa bar sa huling pagkakataon pero hindi na ako maglalasing. Gusto ko lang na maging "ako" sa huling pagkakataon.


"Hi Aurora, would you like some martini?" Tanong sa akin ng bartender.

"No thanks, I just wanna have a glass of iced tea," nakangiting sagot ko.

"Coming right up."

"Thank you."


Pagkatimpla niya ng iced tea ko ay inilapag niya ito sa harap ko kasabay nito ang cellphone ko na nawawala.


"Aurora, naiwan mo ito rito noong nakaraan," napakamot siya sa batok niya.

"Ikaw ang tumawag sa kuya ko noong gabing iyon?" kunot noong tanong ko.

"Ah-eh s-sorry. H-hindi ko intensiy-"

"Nah. It's okay. Natutuwa lang ako na tamang tao ang napili mong tawagan," muli ay ngumiti ako. "May I know your name?"

"I'm Joaquin Reyes, at your service, seniorita." Sumaludo pa ito sa akin kaya nakapatawa ako ng bahagya, "seniorita, huh? Anyway, Thank you, Joaquin."

Leashed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon